Remembering The Past

130 5 0
                                    

Elaine POV:

Malamig, mahangin, makulimlim ang kalangitan mukhang nagbabadya ng malakas na pagulan. Mag-aalas kuwatro na ng hapon andito pa ako sa puntod ng ex bf ko, wala na atang araw na hindi ko siya namimis kahit 2 taon na rin ang nakakaraan. Kahit alaala na lang siya sa buhay ko feeling ko andyan lang siya sa tabi ko, iba talaga magmahal ang gangster.

Hanggang ngayon aaminin ko hindi pa ako totally moved on at patuloy na umaasang magkikita pa kami muli. Buhay na buhay pa rin ang lahat ng nasambit niya bago kami magkahiwalay.

"Elaine, anuman ang mangyari lagi mong tatandaan hanggat may gangster kang nakikita sa paligid mo andyan lang ako lagi nagbabantay sa iyo! Mahal kita! Paalam!"

Ayun ang mga huling mga salitang binatawan niya habang ako'y tumatakbo palayo sa kaniya bago pa siya pagbabarilin ng mga kalaban niyang gangster. Hindi ko na siya malapitan pa habang nakahandusay sa daanan dahil baka ako naman ang tambangan ng mga kalaban niya. Habang ako ay iyak ng iyak sa sulok na nagtatago na nangako sa kanyang mabubuhay ako kahit anong mangyari.

Natupad ko ang pangako kong mabubuhay ako pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako tutuparin niya ang pangako niya sa akin "Hindi kita iiwan, basta babalik ako pangako yan!" Kahit waring napakaimposible nang mangyari pa pero ito pa rin akong umaasang babalik pa siya.

Biglang bumuhos na ang malakas na ulan habang ako'y nagpapakabasa, waring nagbabalik ang mga nakaraan ng buhay ko kung paano kami unang nagkakilalang dalawa ni Franco. Hayaan niyong maikwento ko ang loves story namin na minsan may napaibig akong isang gangster.

(Go to Next Chapter "Gangster Meet Up")

(Please Vote, Comment after you read thanks)  

The Gangster who loved me (Short Story)Where stories live. Discover now