1. MAMA

1K 26 6
                                    

"I'm almost there, mama. Basta po don't forget yung sinigang ko ha? Gutom na po kasi ako. Bye na po muna. I'm driving."

Medyo matagal na din akong di nakakauwi sa bahay ng parents ko eversince naging busy ako sa shooting ng web dramas. Nag-lie low ang activities at promotions for 2ne1 since last year, pero nagsunud-sunod naman ang acting projects ko at endorsements. I also help out in some performances and appearances of other YG artists kaya halos wala na talaga kong free time.

Medyo nagtatampo na nga sina mama kaya heto ako ngayon, nagmamadaling magmaneho pauwi para makasama sila this weekend. Buti na lang napagbigyan ako ng YG to have this short break. Nami-miss ko na din kasi ang luto ng mama ko.

Sa may gilid na lang ako ng kalsada nag-park. May nakapark kasi na Mercedes Benz SUV sa loob namin. Ito siguro 'yung sinasabing bagong car ni Cheondong, baby brother ko. Dati s'yang member ng MBLAQ but he quit and now focused on studying and acting projects. Hindi ko alam na uuwi din pala s'ya ngayon. Na-excite ako lalo.

Nag-tiptoe ako papasok sa loob ng bahay. Gusto ko silang sorpresahin. Sa likod-bahay ako pumasok para walang makahalata. Dahan-dahan kong binuksan ang backdoor na diretso sa kitchen at dining area. I immediately spotted Cheondong, nakaupo patalikod sa akin sa dining table at tahimik na kumakain.

Ano 'yung naaamoy ko? Sinigang ba 'yung kinakain n'ya? Walangya talaga 'tong kapatid ko. Inagawan pa ko. Alam naman n'yang ako ang nagpaluto nun. Gugulatin ko na lang s'ya para makaganti. Ayaw na ayaw n'ya kasi kapag ginugulat ko s'ya at lalo s'yang napipikon kapag hinahalikan at niyayakap ko s'ya. Hindi na daw kasi s'ya baby at nakakahiya daw tuwing tinatrato ko s'yang baby dahil mas malaki at mas matangkad na daw s'ya sa akin ngayon.

"Huli ka!" Niyakap ko si Cheondong at pinaghahalikan sa pisngi. "I miss you, my baby! Ikaw ha! Inaagawan mo na naman ang ate mo ng sinigang. Miss na miss ka na talaga ni ate! Nakakagigil kang bata ka." At muli ko s'yang pinaghahalikan sa pisngi at lalo pang hinigpitan ang yakap sa likod n'ya.

"Ate?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cheondong sa likuran ko.

Nilingon ko ang boses at nagulat ako nang makita si Cheondong na nakatayo sa likod ko kasama ang mama at papa ko. May bitbit pa s'yang mga gamit. Mukhang kararating lang n'ya.

"Kadadating mo lang?" Kinakabahan na tanong ko habang mahigpit pa din ang yakap sa lalaking akala ko ay kapatid ko.

"Oo. Pinagbuksan ako nina mama ng pinto. Bakit nakayakap ka kay Kuya Channie?" Gulat na tanong ni Cheondong.

Sinilip ko ang mukha ng lalaking yakap-yakap ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Park Chanyeol. Nakangiti s'ya sa akin at nakakaloko pa ang mga tingin n'ya. "Ganyan mo ba ko ka-miss, Sandy?"

Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at binatukan s'ya.

"Aray ko! Bakit mo ko binatukan?" Gulat na sigaw ni Chanyeol.

"Buti nga sa'yo! Di ka man lang nagsalita na hindi pala ikaw ang kapatid ko. Kanina pa kita niyayakap at hinahalikang manyak ka!" At muli ko na naman s'yang binatukan.

"Aray! Pangalawa na 'yan Sandy ha! Masakit na." Reklamo ni Chanyeol habang sapo-sapo ang ulo n'yang kasing laki ng universe. Napalakas ata ang sapak ko.

"Para 'yan sa pagkain ng sinigang ko! Patay gutom!" Galit na sagot ko.

"Sandy, tigilan mo na nga si Channie. Hayaan mo na s'yang kumain. Madami naman akong nilutong sinigang. Sabay-sabay na kayong kumaing tatlo ng kapatid mo." Awat ni mama sa akin.

Agad akong lumapit at humalik sa mga magulang ko na halatang masaya sa pagbisita namin ni Cheondong.

"Kumain na muna kayo at aayusin ko lang ang mga gamit ni Doong sa taas." Sabi ni mama.

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon