Chapter 16 - Insinuation

Start from the beginning
                                    

Nagtaasan kaagad ang balahibo ni Hannah ng maalala ang babaeng nakaitim. Ayaw na niyang bumalik sa Davao dahil baka masundan na naman siya nito. Ilang taon din siyang nagtiis na kasama ang multong iyon nung bata pa siya.


Nagpaalam na rin kaagad si Hannah pagkatapos ng ilang oras.

Excited siyang nakinig at nagtake down ng notes tungkol sa mga sinasabi sa seminar.

Binasa niya na rin ang mga papel na binigay sa kanya.

Yun nga lang, wala siyang naging kaibigan kahit na may lumalapit sa kanya ng paunti-unti. Ayaw niya lang talagang makihalubilo sa mga strangers.


Hmmm....


Hannah got distracted when she heard someone hummed. Malakas ang boses nito ngunit para bang siya lang ang nakarinig dahil walang lumingon sa lahat ng kasama niya.


HmmmMmmm....


Narinig na naman niya ulit ito kaya lumingon siya sa likuran. Tinitigan niya isa-isa ang mga nakaupo sa likod at napatigil ng may makitang babaeng nakaupo sa dulo. Nakayuko ito at mukha namang walang kakaiba sa kanya.


Umupo na ulit ng maayos si Hannah at nakinig na. Nang matapos ang seminar ay nagsitayuan na ang lahat at dali-daling lumabas ng conference room.


Hindi agad nakalabas si Hannah dahil inilalagay niya pa lahat ng gamit niya sa bag niya. Madami-dami pa rin naman ang mga tao kung kaya't hindi siya nagmamadali. Nang palabas na siya ay napansin na naman niya ang babae.


Tulog yata to...


"Miss, tapos na yung seminar" Lumapit siya at binulong iyon sa babae. Hindi naman ito gumalaw kaya nagtaka siya.


Grabe naman matulog si ate. Buti hindi siya nakita nung instructor kanina. Di pa man din siya nagsisimula magtrabaho ngunit tatamad tamad na siya.


Tumayo na ng maayos si Hannah at tinignan ang mga kasama. Pagtingin niya ulit sa babae ay nakayuko pa rin ito.

"Miss"


Nagulat si Hannah ng bigla na lang dumilim sa buong paligid. Nawala ang mga tao at naiwan lang ang ilaw sa kanila ng babae. Narinig niyang tumawa ang babae at dahan-dahan iniangat ang mukha.


Bumilis ang tibok ng puso ni Hannah at napahakbang siya patalikod.

Tumayo ito at ng makita niya ng buo ang mukha ay halos mangiyak-ngiyak si Hannah.


Y-yung...b-babaeng n-nakaitim...


"Andito ka na naman?!" Sigaw niya dito.


Ngumiti ito na para bang may binabalak na masama sa kanya.

Sa takot ay tumakbo si Hannah palabas ng pintuan at hinabol ang ilaw na isa-isang namamatay.


"TULONG!" Sigaw niya ngunit mukhang walang katao-tao sa building. Lumingon siya habang natakbo at nakita ang babaeng nakaitim na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya.


"Hindi ka makakatakas sa akin, hannah" Sigaw nito kay Hannah.


She ran faster until the light vanished. Nadapa siya at napatigil. Wala siyang makita at wala rin siyang marinig kundi ang sariling hiningan niya.


"Stop this. Please" Bulong niya. Pumikit na lang siya at naghintay ng mangyayari...


Bigla na lang niya naramdamang may humawak sa balikat niya kaya napasigaw si Hannah ng sobrang lakas.


"Hannah! Geez wake up!"


Pagmulat niya ay nagtaka siya ng makita si Mark. Hingal na hingal na lumingon si Hannah sa paligid.

Nasa parking lot na siya at nagiisa na lang ang sasakyan niya doon.


"What happened?" He helped her stood up while she tried to normalize her breathing. "Paano ako nakapunta dito?"


"I saw you. Galing ka sa conference room. Sumigaw nga ako nung nakita kita pero dire-diretso ka lang naglalakad. Para bang wala ka sarili... Kaya sinundan kita tapos nagulat ako ng bigla kang nagcollapse dito sa gilid ng kotse mo"


Hannah wiped the sweat in her forehead and frowned.

"I guess I just had a nightmare"


"And you weren't even sleeping. Whoah"


"First time din nangyari sakin yun eh"


"What was it about?"


She hugged herself and looked away. "The black lady..."


"AGAIN?!"


"Hindi ko na siya nakikita. It's just so weird seeing her in my dreams..."


"Bakit mo kaya siya napanaginipan..." Mark looked at his shoes na para bang nagiisip ng malalim. Narealize naman ni Hannah na hindi na niya dapat sinasabi ang mga ito kay Mark. Masyado na siyang nadadamay sa mga kababalaghang nangyayari sa kanya. Ayaw niyang mangyari na naman ang aksidente noong mga highschool pa sila at baka sisihin na naman niya ang sarili.


"You know what...it's nothing naman eh. As long as hindi siya nagpapakita sakin, okay na ko. I better go, mom's expecting me to have dinner with her. Tsaka male-late ka na rin sa pasok ko"


"Are you sure you're okay? Pwede naman kitang i-drive muna pauwi para sure akong---"


"No. I'm good"


"Ah...sige" Naramdaman ni mark na mukhang ayaw nga talaga ni Hannah. Nagworry agad siya na baka binabalik na naman nito ang wall sa pagitan nilang dalawa.


"Be safe" He said.


She smiled lightly and went inside her car. Nagbuntong hininga siya at tinawagan ang mama niya.


Hannah: Mom, something weird happened to me a while ago. I need to talk to you.

Lost Soul (Soul Series Book 1)Where stories live. Discover now