Habang tinatabi ko ang card. Nakikita ko tuloy sa salamin ang pagsimangot ko. Habang nagsusuklay ako ng basang buhok. nag-aassume kasi ako ng iba pangsasabihin ni Frits. Kaya nasaktan ako ng hindi ko mabasa ang gusto kong mabasa.

"Ikaw kasi feelingera." Saway ko sa sarili ko, akala ko kasi yung kagabi umpisa na iyon ng bagong magandang samahan namin ni Frits. Naalala ko pa ng sumagot siya sa'kin ng I love you too. Gusto ko na sanang maniwala at tumalon sa saya. Kaya lang baka joke na naman ulit iyon, kaya kahit kinilig ako sa sinabi niya. Hindi ko na lang pinakita.

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko. Tinawagan ko na si Frits.

"Hello, Frits!" Sabi ko.

"Bakit ngayon ka lang tumawag" bungad ni Frits. Bakas sa tono niya ang pagkainis.

"Naligo pa kasi ako eh, "

"Psh! Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Sabay na  tayong kumain." Sabi pa niya.

"Gutom na ako, mauuna na akong kumain."

"Sabay na nga tayo."

"Nasaan ka ba? Matagal ka pa yatang uuwi eh,"

"Kanina pa ako rito sa labas ng pintuan ng kwarto mo."

Bigla kong ibinababa ang hawak kong cellphone at nagmadali akong buksan ang pintuan. Pagbukas ko, naroon nga si Frits. Nakatapat sa tenga ang cellphone. Salubong ang kilay.

"Sorry! Naligo kasi ako hindi ko narinig Frits ang katok mo."

"Anong tawag mo sa'kin?"

"Frits?" Sabi ko.

"From now on, call me YOUNG MASTER!"utos niya.

Napasimangot ako. "Hu? Young Master, parang tawag iyon sa mga hari at Prinsipe."

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!" Pasigaw niya. "Personal maid kita! Katulong, alalay, chimay! Get's?"

"Okay po, Young Master."

"Good, wait..." Hinagis niya sa'kin ang paper bag na hawak niya.

"Ano ito?" Tanong ko.

"Punongkahoy 'yan, stupid! Natural paper bag!"

"Nakakabadtrip na itong lalaki na ito. Malala pa sa may topak ang sapi niya. Nakakaasar ang pagiging moody niya."

"Young Master! Alam ko po na paper bag 'yan, what i mean is anong gagawin ko rito?" Sabi ko sa kanya. Pinipigilan kong wag magalit sa kanya.

"KAININ MO!" tapos tumalikod na siya."Bilisan mo pagbibihis. Nagugutom na ako."

Inirapan ko siya. "Bakit, pagkain ba 'yan?" Sabi ko iyon sa mahinang boses.

Tiningnan ko ang loob ng paper bag. Pagkuha ko ng laman. Saka ko nalaman kung ano ang ibig sabihin niya. Uniform ng mga katulong pala ang laman ng paper bag. Ang uniform ko sa pagiging katulong. Parang uniform sa maid in cafe. Maganda naman siya lalo ng naisuot ko na. bagay naman sa'kin. Kaya walang problema.

"Ally, maganda ka pa rin at charming kahit nakasuot ka ng uniform ng maid." Sabi ko sa sarili ko habang umikot-ikot ako sa salamin, pagkatapos agad na akong lumabas ng kwarto.

Nakita ko na nakasimangot si Frits. Habang nakaupo. Nasa harap na niya ang mga pagkain.

"Pinaghintay mo ang Young Master mo ng twenty minutes? Anong klaseng katulong ka?"

Sinalubong ko ang mga titig niya sa'kin. Bakas sa mukha niya ang galit. ako na ang sumuko, umiwas ako ng tingin. Tapos yumuko ako. "Sorry, Young Master."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz