Nakita ko sa mga mata ni Carmina ang awa? Pero para saan?Kiber niya ba sa'kin? At hindi ko kailangan nun.

"Ano na?May sasabihin ka ba?" masungit niyang sabi.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap nilang dalawa.

"I- I want to go ho-home," nauutal kong sabi. Hindi dapat yan ang sasabihin ko pero nasasaktan ako kaya parang gusto ko ng umalis at wag ng bumalik.

"WHAT?" sigaw niya.

"Daddy!"

"Ku-"

"Shut up, Carmina." Saway niya. "Umakyat muna kayo ni Andrew sa taas, sa kwarto ko. And stay there until I say."

Mabilis naman kumilos ang dalawa para sumunod.Pagkaalis nila agad naman akong tinitigan ng masama ni Ronald. Tumayo siya sa kinauupuan niya at unti-unting lumapit sa'kin.

"Pakiulit ang sinabi mo," utos niya.

"I-I want to go home," sinalubong ko ang mga titig niya. Hindi ako dapat pasindak.

"Nagpapatawa ka ba?" sakartiko nitong sabi."Wala pa nga sa kalahati ang nababayaran mo, aalis kaagad? Bakit? May pang bayad ka na ba? At para makapaglandian na kayo ng malaya ni Mark?"

Shit, gustong gusto ko na siyang murahin. Isa talagang maruming babae ang tingin niya sa'kin. Hindi ko mapigilan mapaluha, ang sakit lang. Ok na, handing handa akong magtiis para sa pamilya ko at lalo na sa tatay ko pero hanggang kailan?

"Tsk, hindi mababayaran ng luha mo ang utang NINYO SA'KIN! Tandaan mo Alex! HANGGA'T HINDI PA AKO NAKAKASINGIL, DITO KA LANG! HANGGA'T WALA PANG BUMABALIK, HINDI KA AALIS!" bawat salitang binibitawan niya may diin at galit. At hindi ko alam kung sa nangagalingyun. Wala na akong pakialam sa galit niya ang gusto ko lang ngayon ay umuwi.

"I want to go home now!" nakayuko kong sabi.

Bigla niya na lang hinawakan ang magkabilang braso ko. Madiin tiyak magkakapasa ako nito sa ginagawa niya. Lalo akong napaiyak.

"HINDI MO BA NAIINTIN-"

"DADDY!" sigawni Andrew.

"ANDREW, DI BA SABI KO SA TAAS KA LANG."

Pumagit na sa'ming dalawa si Andrew at tinulak ang daddy niya dahilan para mabitawan niya ako.

"Andrew," pigilko sa bata.

"Why are you doing this to my Mom? Why are you always hurting her? I hate you, I hate you daddy for doing this to my mom!" umiiyak na sabi ng bata habang sinusuntok niya si Ronald.

Natigalgal naman ang huli, nakatingin lang sa batang patuloy lang siyang sinasaktan. Lalo akong napaluha, ang hirap naman.Isang batang di ko naman kaano-ano pero heto handa akong pagtanggol, kung alam mo lang Andrew, kung alam mo lang. Lumuhod ako para yakapin at pigilan siya.

"Andrew, stop it. Tama na," pinunasan ko ang mga luha niya. Tumingin ako sa ama niya, tinitigan ko siya ng masama. "Uuwi ako ngayon, DADALAWIN KO LANG ANG MGA MAGULANG KO. AALIS AKO SA AYAW O SA GUSTO MO!" may diin ko ring sabi.

"Mommy, I'm coming with you, please I don't want to be with him. I hate him." Umiiyak pa rin niyang pakiusap.

"Ssshh, tahan na baby.Babalik din si mommy, dadala-"

"Isama mo na siya." Putol ni Ronald sa iba ko pang sasabihin. "Aalis din kami ni Carmina at para masiguro kong babalik ka."

Nalaglag ata ang panga ko, hindi ba siya nag-iisip? Anong sasabihin ko sa mga magulang ko? Bahala na si Wonder woman.

"Bukas pa kami babalik ni Carmina. So you can stay in your parents' house for tonight. Susunduin ko na lang kayo bukas." Malamig niyang sabi.

Saan sila pupunta?Anong gagawin nila?Sa sinabi niya parang gusto kong sumama na lang sa kanila. Ayoko ng pumapasok sa utak ko. Nasasaktan ako.

"Let's go Mommy."

-------



Maiksi pa ba?

Sorry, but don't cha worry, mag-update po ako agad, maybe tomorrow or on Sunday.

Let's cheer for #teamRolex and #teamMarLex

Chapter XIX teaser:

"The way he looks at you, mom the same way daddies did looks at you. I know, he loves you and I hate him. He is stealing you from me, from my dad."

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now