Anong nangyayari dito?.

Nakita ko naman na ang dulo ng hagdan at napansin ko rin ang isang simpleng itim na pinto dito at meron ding itim na box na nakapatong sa pader ng pinto.

Lumapit ako sa itim na box at merong nakasulat dito." Open Me?" Hindi naman siguro bomba to diba? Dahan-dahan kong binuksan ang box at nakita kong maskara lang pala ang laman nito.

Ayun kasi sa impormasyon na nakuha ni Tsuki nagsusuot daw talaga ng maskara ang mga taong pumapasok dito para maitago ang pagkakakilanlan nila dahil nga halos lahat ng nandito ay mga kilalang tao.

"So you've got a black masquerade mask" puna ni psycho.

Sinuot ko naman na ang maskara, half mask lang ito kaya kita pa rin ang bibig ko.

Sinubukan ko munang ayusin ang sarili ko hinubad ko ang coat na sout ko at hinawi ang piraso ng buhok na nakaharang sa mukha ko, tiningnan ko naman uli ang sout kong damit baka sakaling may nagusot o mali sa sout ko, nakasout ako ngayon ng bodycon dress na napapatungan ng itim na lace kaya nabibigyan ito ng illusion na parang cocktail dress ang sout ko, simple lang naman din, so check ang dress!, kinapa ko ulit ang rose clip ko sa buhok, messy ang style ng buhok ko at nakasout ako ng brown na wig dahil hindi parin nawawala ang puti sa buhok ko.

"You look gorgeous so stop checking yourself!" Ang sarap talaga sapakin ng psycho na to! Kanina niya sinasabi yan atsaka tsini-check ko lang ang sarili ko dahil hindi talaga ako sanay na magsout ng dress kaya naiilang ako!

Seryoso naman na akong tumingin sa pinto at tinatak sa isip ko kung ano ang misyon ko ngayon, i must act natural kahit na di ako komportable sa sout ko!

Hinawakan ko naman na ang doorknob at binuksan ito nasulyapan ko naman ang engrandeng kwarto sa likod ng simpleng itim na pinto, gulat akong humakbang papasok sa loob at sa saktong pagpasok ko ay dun ko na naramdaman ang halo-halong amoy at presensya ng mga tao at nilalang na hindi tao...!

Kung ganun nasa tamang lugar nga ako at mukhang dahil sa Barrier na maaring gawa ng witch kaya wala akong maramdamang presensya sa labas!

Pinagmasdan ko naman ang paligid at inaaral ito, sobrang lawak nito at meron itong entablado sa gitna para sa mas maikling description mukhang isang mini opera house ang lugar hindi din gaano karami ang tao dito merong mga waiter na nakasout ng puting maskara na nagse-serve sa mga tao, nakita kong papalapit sa akin ang isang waiter at inalok ako ng drink kumuha ako ng isa na apple wine dahil yun lang ang kaya kong inumin, ang ibang tao ay nakaupo sa mga upuan na nakatapat sa stage pero ang ibang tulad ko ay pinili na lang tumayo sa likod.

Nagdim na ang mga ilaw at nagsisindihan ang mga kandila sa pader at ang spotlight ay nasa stage nagsimula ang auction sa mga gamit pero nagbago ang lahat nung binanggit na ng Emcee ang 'Main Event'.

Napakuyom ako ng palad nang makitang inihilara ang mga babae at lalaki sa stage, mga tao ang mga ito at kulang na lang ay basagin ko ang hawak kong wine glass ng isa-isang i-auction ang mga ito na parang mga bagay lang tulad ng nauna.

"Calm down, we can't do anything about this now, i know you don't like what your seeing right now so just avert your eyes" sinunod ko ang sinabi ni Psycho at tumingin sa ibang lugar pero kahit na ginawa ko yun ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga mukha ng mga taong yun... Paano na lang kung may mga pamilya palang nag-aantay sa mga yun!?

Lumingon uli ako sa stage at humakbang paabante.

"Elise!" Natauhan ako ng marinig kong banggitin ni Psycho ang pangalan ko." Don't do it! Remember what is your purpose in that place, you can't try to save them now because you'll just endanger yourself along with them!" Nakakainis dahil may punto si Psycho. Yumuko na lang ako at inantay itong matapos pero agad din akong napatingala uli ng maramdaman ko yung masamang aura na naramdaman ko sa school noon isang aura na tila isang itim na usok na bigla nalang lalamon sayo! Pero saan galing iyon sinubukan kong hanapin pero hindi ko maramdaman kung saan ito nanggagaling!

The White Queen(On Going Major Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora