Napaisip ako. Ano naman kaya ang kailangan ng kaibigan ni Daddy sa'kin. " Sige po. Kailan po ba?"

"Bukas na Allyson. Pwede ka ba noon?"

"Ano po bang oras?" Sabi ko may pasok pa kasi ako bukas. Pero kung importante wala akong choice kundi ang umabsent sa ibang subject ko.

"After lunch daw."

"Sige po Atty. Mendez, pakisabing pupunta po ako bukas, salamat po."

"Sige, Ally makakaasa ka. Sige bye!" Tapos end of call na.

"Ano daw iyon, Ally?" Tanong ni Dianne.

"Gusto raw akong kausapin ng kaibigan ni Daddy. Baka may unfinish business pa sila."

"Sasamahan kita bukas."

Umiling ako wag na! Kaya ko na ito. Salamat na lang Dianne. Let's go!"

AFTER LUNCH. Narinig namin na nagkakagulo sa labas. Agad kaming lumabas ng room namin. Buti na lang wala pa ang professor namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan.
May tatlong estudyante ang dinadampot ng mga pulis. At nakilala ko ang mga iyon sila ang tatlong lalaki na humabol sa'kin kagabi.

"Buti nga sa kanila. Akala mo kasi kung sino silang pogi ang papangit naman! Tsk! May hinabol yatang babae kagabi ang mga 'yan." Usal ng isang babae.

Napatingin tuloy ako sa babae. Hinawakan ang kamay ko ni Dianne.

"Sila ang mga iyon?"

Tumango ako.

"Alam mo bang binugbog 'yan ng limang casanova. Tapos nakatikim din ng mga 'yan doon sa grupo ni Teo. Eh, di ba gangster si Teo. Ayon nakatikim din ng gulpi ang tatlong 'yan!"

"Buti 'yan sa kanila, para hindi na gayahin pa ng iba. Kaya pala ganyan ang itsura ng mga 'yan."

"Ang tanong sino kaya yung babaeng hinabol nila kagabi? Mukhang malapit sa mga limang casanova at kay Teo." Usal pa ng isa.

"Tara na! Danne." Pagyaya ko kay Dianne.

Agad kong nagtext kay Teo at sa limang casanova. Upang magpasalamat. Mayamaya lang tumawag si Luke.

"Susunduin kita mamaya uwian. Wag na wag kang uuwi ng hindi ako kasama. That's my order!" Sabi niya sa phone.

Tumahimik na lang ako. Ano pa ba ang sasabihin ko. That's my order na eh, makakatanggi pa ba ako kapag tumanggi ako. Isusumbong lang ako no'n sa mama niya. Ayoko namang mag-alala pa sa'kin si Tita.

"Hello, Ally!"

"Yes, Naiintindihan ko."

"I'll fetch you later, don't try to go home without me."

"Opo,"

"Good bye for now."

Binababa ko na ang cellphone ko. Nakakatuwang isipin na marami palang concern sa'kin. Nakakatouch talaga ang gano'n. Kahit wala akong yaman, meron akong mga kaibigan na tutulong sa'kin. Sobrang saya sa pakiramdam.

Bigla kong naisip si Frits, siya siguro ang nagsabi kina Luke, kaya siguro hindi siya umalis ng apartment. Dapat pala akong magpasalamat sa kanya.

Pagkatapos na mahabang oras sa klase. Halos nabuhay ang mga dugo ng mga classmate ko sa oras ng uwian. Isa-isa silang lumabas ng classroom. Si Dianne. Nauna ng umalis. Alam naman kasi niya na ihahatid ako ni Luke, Nanatili ako sa kinauupuan ko. At isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Nagtira lang ako ng isang libro na pwedeng basahin pampatanggal inip sa inaantay ko.

Mayamaya lang nakarinig ako ng tilian sa labas. Pero hindi ko iyon pinansin, nasanay na kasi ako sa mga estudyanteng tili nang tili kapag nakakakita ng gwapo. At sikat sa school.

"Ally!" Tawag ni Luke sa'kin. Nag-aabang siya sa may pintuan ng classroom namin, kaya pala maingay sa labas eh, naroon ang isang casanova.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa table ko at lumapit kay Luke, "Wala kayong praktis?" Tanong ko. Nang makalapit ako sa kanya, dapat kasi nagpapraktis na si Luke sa soccer. May laban din kasi sila sa ibang school.

"Meron, pero mas kailangan kitang ihatid sa bahay."

Umangat ang kanang kilay ko.
"Sa bahay niyo?" Ulit ko.

"Yes, nag-aalala si Mama sa'yo kaya wag daw akong uuwi na hindi ka kasama."

"Bakit mo pa kasi sinabi kay Tita Carmin." Maktol ko kay Luke.

"Paanong hindi ko sasabihin. Eh, araw-araw akong tinatanong kung kamusta ka na raw."

Napabungtonghininga ako. "Aish! Pati si Tita Carmin nag-alala pa sa'kin. Tara na nga!" Sabi ko.

Hinawakan ni Luke ang kamay ko. Habang naglalakad kami patungo sa kotse niya, hindi na lang namin pinapansin ang mga nakasimangot, Nakataas kilay na mga estudyante habang nakatingin sa'min. Nang makarating kami sa pinagpark ng kotse ni Luke. Nakita na'min si Frits. Nakasandal sa kotse niya. Tama ba ang nakikita ko. Nakasimangot siya habang nakatingin sa'min ni Luke.

"Oh, Frits, bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Sa halip na sagutin ni Frits. Tumingin siya sa'kin. "Uuwi ka na ba Ally?"

"Ah—Oo." Sabi ko.

"Ihahatid ko na siya Frits sa bahay, sabi kasi ni Mama do'n muna siya sa bahay."

Tinitigan ako ni Frits. Yumuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

Bumuntong hininga siya.

"Ingat na lang kayo."

"Sige Frits, mauna na kami sa'yo." Ani Luke. Tinapik pa niya sa balikat si Frits.

Nakayuko pa rin ako hanggang sa makasakay  kami sa kotse ni Luke. Nararamdaman ko ang mga tingin ni Frits habang dahan-dahang in-start ni Luke ang kotse. Bago pa kami umalis binaling ko ang tingin ko kay Frits. Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog. Dahil nagtama ang paningin namin. Sa pagkakataong iyon. Hindi ko na nagawang iiwas ang paningin ko sa kanya. Nagtitigan kami hanggang sa tuluyang hindi namin maabot ang isat-isa ng tingin.



MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now