"Yes." Rhian smiled. "You told me you like me right? Then this is it. Ito na yun. You don't have to court me, this is enough."

"Uhm, pero.. Wala.. I mean, teka lang masyado akong naguguluhan pero masaya ako. Do you think deserving akong maging boyfriend mo? Yung.. Hindi man lang ako--"

"Ayaw mo ba Luis?" Rhian asked.


"Of course gusto ko! Sino ba namang may ayaw? Sobra lang akong natutuwa. Hindi lang ako makapaniwala. Seryoso ba to?" Medyo naguguluhan pa din si Luis pero halata nga sa kanya ang natutuwa.

Rhian nodded. Hinawakan niya ang kamay ni Luis. "Yes. We're official." She smiled.


Napangiti nalang si Luis dahil hindi na niya alam kung anong sasabihin. Kahit naguguluhan, sobra naman siyang masaya ngayon.


"So, since we're official... Babe?" Medyo natawa si Luis. "Let's go out tonight."

"Sure babe." Rhian smiled.


"Uhmm, pero may appointment ako ngayon so, sunduin nalang kita dito mamaya?"

"Hmm, sure. Just text me kung papunta kana para makapag-ayos na ko."


Luis smiled again. "By the way, paano tong magiging set up natin? I mean.. Paano kapag tinanong tayo ng media for example, aaminin ba natin?"

"This is our first day as a couple. I mean, look, wala pa nga tayong isang araw so wag muna nating isipin yun." Rhian smiled.

"Okay okay. So, sorry babe pero.. Kailangan ko ng umalis." Kinissan ni Luis si Rhian sa pisngi. "See you tonight beautiful."


"Bye babe." Nagwave na rin si Rhian sa boyfriend niya...


Kininditan pa ni Luis ang girlfriend niya bago tuluyang umalis.


Rhian sighed. Wow. That was so fast Rhian. Agad agad may boyfriend kana.


Napailing siya. Kailangan ko bang sabihin kay Bianca?


No. No Rhian... Wag muna..


//


From: Luis


Babe. Lumabas kana ng condo mo. Malapit na ko. Sa parking lot mo ko hintayin. :)


Tiningnan niya pa ang suot niya sa salamin after mabasa yung text ni Luis.


Okay na siguro to.


Lumabas na siya ng unit niya. Bumaba na rin siya at lumabas na ng condo..



Pupunta na sana siya sa parking lot nang makita ang isang taong di niya inaasahang makikita niya ngayong gabi...


"Hi." Medyo nahihiya na bati nito sa kanya. "Pupunta palang sana ako sa unit mo.." Medyo parang may tinago ito sa likuran pero di na yun inintindi ni Rhian..

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now