"Come here, Frits!"

Napalingon ako sa pinang galingan ng boses. Para kasing narinig ko ang pangalan ni Frits. Hinanap ko ang boses na iyon.

"C-Come back!"

Huminto si Frits, tapos lumapit ang babae. Nakatalikod sa'kin ang babae kung kaya't hindi ko makilala kung sino. Kaharap ko si Frits. Pero dahil nagtago ako sa malaking halaman at madilim sa gawing iyon. Hindi niya ako napansin.

"Leave me alone!" Sigaw ni Frits.

"Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" Sabi ng babae.

Tinitigan lang siya ni Frits..

"Kiss me!" Sabi pa ng babae. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kong saan ng gagaling.

"Kiss me Frits!"

Pero hindi siya pinansin ni Frits. Tumalikod si Frits. Pero hinila siya ng babae at hinalikan si Frits. Natuptop ko ang bibig ko. Buti na lang hindi ako napasigaw. Baka kasi mahuli ako. Bakit gano'n? Parang may kirot sa puso ko. Habang pinagmamasdan ko sila. parang may sariling isip ang mga luha ko ng makita kong tinutugon na din ni Frits ang halik ng babae. They kissed in a public place. Although ako lang ang nakakita. Parang may kutsilyong tumarak sa puso ko. Hindi ako makahinga, nagse-selos ba ako? "PAIN" iyon ang unang rumehistro sa'kin. It's still same hurts. That i was felt before.

"Ally! Nandiyan ka pala kanina pa kita hinahanap."

Tumayo ako. Hindi ko na nagawang itago ang sarili ko.

"Luke?" Sabi ko. Alam kong nakita kami ni Frits at narinig. Bumitaw siya sa babae.

"Frits?" Gulat na gulat na bigkas ni Luke. Pabaling-baling ang tingin niya kay Frits at sa babae.

"Luke? Anong ginagawa niyo dito?" Nakita kong tumingin si Frits sa'kin. Nakayuko lang ako. Ayokong ipahamak ako ng sarili kong damdamin.

"Ikaw ang dapat naming tanungin. Bakit mo kasama si Maddison?" Tanong ni Luke.

Inangat ko ang mukha ko. Si Maddison nga. Siya pala ang kasama ni Frits. Nakaramdam ako ng galit para sa dalawa. Tinapunan ko ng tingin si Frits.

"Mali ang ini—?"

"Luke, Umuwi na tayo!" Fake smile.

Tumalikod ako habang kusang pumatak ang luha ko. Hindi ko na hinintay si Luke. Nauna na akong naglakad sa kanya. ayoko ko kasing makita niya ang luha ko.

Sandali lang Ally!" Narinig kong sabi ni Frits.

Pero nagmadali ako. Hanggang sa makasakay ako ng kotse. Pumikit ako. At inantay ko na lang na dumating si Luke, hindi pa rin ako dumidilat hanggang sa dumating si Luke.

"Umuwi na tayo Luke." Sabi ko tapos pumikit ako. Hindi ko kayang titigan si Luke. Mahahalata niyang umiyak ako.

"Mali ang iniisip mo Ally!'

Teka? Boses ni Frits iyon ah! Bakit siya ang naririnig ko. Nahihibang na yata ako eh, bakit boses niya ang naririnig ko?

"Wala kaming relasyon ni Maddison."

Boses nga ni Frits. Unti- unting kong idinilat ang mga mata ko. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nagda-drive.

"Teka? Bakit ikaw ang nagda-drive ng kotse ni Luke?"

"Nagpalit kami ng kotse, sorry!"

"Nagpalit kayo?" Kainis na Luke 'yan. Hindi man lang sa'kin sinabi na magpapalit sila. Hu-hu-hu!

"Oo, wala kaming relasyon ni Maddison."

" Eh, ano naman ang pakialam ko sa inyo? Kahit kayo pa. Wala ako pakialam."

"Akala ko kasi. Nagseselos ka kanina. Tumakbo ka kasi habang umiiyak."

"H-Hindi, napuwing ako kanina. Feeling mo naman. Magse-selos ako. Tsaka hindi naman tayo ah!" Alibay ko.

Halos magkanda utal-utal ako sa pagsasalita, kinakabahan kasi ako.

"Ako na maghahatid sa'yo sa bahay nila Luke. Kahit ayaw mong aminin. Na nagse-selos ka sorry pa rin."

"Tse! Feeling mo rin, noh!" Inirapan ko pa siya. Ang yabang kasi masyado. Humanda sa'kin ang si Luke. Hinayaan akong ihatid ng iba. Nakakagalit.

"Hoy! Ang lapit lang ng club house sa'min. Bakit ang tagal nating makarating? Karo ba itong sinasakyan ko? Bilisan mo nga inaantok na ako."

"Siguro nga karo. Dahil ang puso ko patay na patay sa'yo. At ililibing ko na diyan sa puso mo!" Kumindat pa siya.

Napangiwi ako. "Eeww! Corny mo."

"Ayaw mo ba?"

"Ayoko! Baka maging corny din akong katulad mo."

"So it means gusto mo rin. Ha-ha-ha!"
"Paghindi ka tumigil! Bababa ako dito? Hindi tayo close. Kaya wag mo akong kausapin okay!"

"Bakit naman?"

"Dahil baka maniwala na naman ako. At magpakatanga na naman ako sayo." bulong ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Frits. Tapos bigla itong nanahimik.

"Bakit hindi mo muna subukan para malaman mo ang sagot!" Ani Frits.

Yumuko na lang ako. " Geez! He can read what's on my mind." Tumahimik na lang ako. Nilagay ko ang earphone sa tenga ko.  At nakinig na lang ako ng music. Ayoko na kasing pahabain pa ang usapan pa. Ayoko siyang kausapin. Dahil Kahit anong gawin niya hindi na ako maniniwala sa isang katulad niya. Dahil nagtanim siya ng sakit sa puso ko. kaya ngayon umu-usbong na.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now