is it true?

4 0 0
                                    

Tunay na nga bang pagmamahal ang nararamdaman?
Kung may kapalit pagkatapos ng kasiyahan.
Nagsakripisyo dahil lamang sa nararamdaman.
At sa paglipas ng panahon ay magbabago rin naman.

Kay tamis ng mga salitang binitawan , mga ngiting walang katapusan.
Dinala sa inyong tahanan, pangako sa magulang ay di sasaktan.
At sa tagal ng paghihintay ay nagkaroon ng kasagutan.

Matamis na oo sa kabila ng pagliligawan,
Sa pagdaan ng mahabang panahon tila kasabay ng paglabo ng pagsasamahan,
Hindi mawari ang kinalulugaran , kung sa piling niya'y wala nang maramdaman.

Tunay nga ba ang kanilang pagmamahal?
Kung sa paglipas ng panahon ay magbabago lang rin naman.
Nagtitiis at nagiisip sa kawalan, pilit humahanap ng mga dahilan upang magkaroon ng panibagong panghahawakan.
Matagal na relasyon ang dahilan, kaya't nanatili sa samahan.

Nanaisin mo pa bang maging masaya?
Kung katapusan ay ika'y masasaktan.
Handa mo bang sugalan?
Kung panahon ay walang kasiguraduhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now