May 8,2022

9 1 0
                                    

Natapos ng hindi nasisimulan,
Hindi nasabi ang tunay na nararamdaman,
Dahil noong gabi ay iba na ang iyong pakiramdaman,
Pinakilala sa ating usapan, babaeng nais mong           pormahan.

Hindi malaman ang dapat na mararamdaman,
Walang maayos na usapan,
Bote ng alak ang nasandalan,
Sa magulo nating usapan.

Nais kolang malaman mo,
Ako'y nahulog sa mga ipinakita mo,
Akala ko'y ako'y mahihintay mo,
Ito pala'y naiwan lamang sa isipan ko.

Sa tagal ng ating masayang pagkakaibigan,
Siya namang nalamatan ng tuluyan,
Walang maayos na pagkakaintindihan,
Sa kung ano ang tunay na nararamdaman.

Alam mong suportado ako,
Sa kung anong magiging dahilan ng pagsaya mo,
Alam ko sa sarili'y limitado lang ang kaya ko,
Kaya mas magandang iba na nga lang ang piliin mo.

Magiging masaya para sayo,
Nakaalalay lamang sa likuran mo,
Siguro nga'y hindi sang ayon ang panahon,
Upang ikaw at ako ay magkaroon ng relasyon,
Mananatili sa isat isa bilang sandalan.

Hindi ko hahayaang matibag ang nabuong samahan,
Mapanatili kalang sa aking tabihan,
Sasamahan magpakailanman,
Gusto kita aking kaibigan.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now