May 6,2022

9 1 0
                                    

Mahal hindi sapat ang mahal kita upang manatili pa,
Hindi sapat ang aking nararamdaman upang ikay hintayin pa,
Hindi sapat ang nasanay ako upang ipagpatuloy pa,
Higit na hindi sapat na dahilan ang masasaya nating pagsasama upang mahalin pa kita.

Sa paglipas ng panahon akoy nagiisa habang ikay sumasaya,
Akoy umiiyak habang ikay tumatawa,
Akoy naghihintay habang ikay may iba,
Tama na siguro ang lumipas na buwan at araw upang ikay tuluyan kong bitawan na ,
Tama na siguro ang dahilang ikay hindi na sa akin kundi sa iba na.

Minsan naisip ko kung naisip mo kaya ako sa kanya?
Naisip modin ba ang ating masasayang pagsasama,
Tuluyan konang isasara ang libro nating dalawa,
Hindi man tapos alam kong tatapusin mo ito sa iba.

Sana pagsisihan mong pinakawalan moko,
Sa kabila ng tapat na pagtrato ko sayo,
Hindi na kakailanganin ng tao sa tabihan ko,
Makakaya kodin lahat ng pinaramdam mo .

Hindi nako mangungulila sayo
Ibabaon kona sa limot ang mga ala- alang iniwan mo.
Pang hihinayangan morin ako.

Hindi na kita mahal at mamahaling muli.

Unsaid ThoughtsOnde histórias criam vida. Descubra agora