February 9,2022

10 0 0
                                    


Ramdam ang pisikal at emosyonal na kapaguran,
Habang sarili'y hindi na maintindihan,
Naglilibang kung saan saan,
Upang nararamdaman ay makalimutan.

Nakatingin sa kapaligiran,
Naglalakad sa damuhan,
Nabibingi sa katahimikan,
Takbo ng isip ay hindi na mapigilan.

Sari- saring  emosyon ay hindi mapigilan.
Binibilang ang bawat hakbang sa kawalan,
Sa isip ko'y ako na mismo ang gagawa ng paraan,
Upang matahimik na ng tuluyan.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now