until we meet again

8 0 0
                                    


                                Ipagpatawad mo kung ika'y aking nasaktan.Hindi pa muli kayang magmahal, hindi pa hilom ang sugat sa nakaraan. Pasensya kung hindi kita mapag bibigyan. Napakabuti mo, lahat ng nais kong trato at maramdaman ay ipinaramdam mo. Yung tipong hindi muna kailangan mag isip at mag tanong sapagkat sasabihin mo. Magkukusa ka para lamang masiguro na ayos ako.Ayos lamang sayo na wala kang matanggap na balik sa nararamdaman mo, basta ang nais mo lamang ay maparamdaman ang  pagmamahal mo. Aaminin ko gusto ko ang atensyon na binibigay mo,ngunit hindi kita kayang ipanalo. Ayoko rin namang ikulong ka sa hindi sigurado. Pasensya kailangan kong putulin ang ugnayan ko sayo. Kailangan kong maayos ang sarili ko, kailangan ko muna maggrow, at maging best version ng sarili ko at kung sa muli nating pagkikita ay ako pa, sisiguraduhin kong ipapanalo na kita. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now