November 11,2021

24 0 0
                                    

Sayo pa mismo nagmula ang mga katagang sa akin ay sisira,
Hinayaang lumisan para sa iba,
Kwento mo ay kakaiba,
Siguro nga'y hindi na kita kilala.

Sa paglisan mo, pananahimik ang pinanatili ko,  Naisip na kailangan mo, pero parang mas kailangan ko.
Akala ko sapat nang manahimik ako,
Para manahimik nadin ang paligid ko.

Sa pagbabago mo, ay siyang paglayo ng loob ko.
Hindi lubos na maisip na aabot sa ganto,
Upang mapalabas na malinis ka sa tingin ng tao,
Kahinaan ko'y ginagamit mo, upang ikaw ang manalo sa gulong ginawa mo.

Sana maging masaya ka, dahil masaya ako para sayo,
Sabi ko sa sarili ko deserve mo yung nararanasan mo ngayon dahil hindi ko naman talaga naparanas sayo,
Hindi kita masisisi sa paglisan, pero sana hindi moko binitawan sa kawalan,
Alam mong ikaw lamang ang sandalan, ngunit pati ikaw ay ako'y nilisanan,
Hindi nagbago ang aking nararamdaman, pero pagkatao ko'y mapapaltan.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now