Gusto kita,
Gusto kita ngunit hindi ito sapat na dahilan upang sugalan ka,
Hindi sapat ang aking nararamdaman upang ipaglaban ka,
Wala pang sapat na dahilan , upang piliin ko ang alam kong panandaliang kasiyahang kasama ka.Mananatili ako sayo bilang isang kaibigan,
At mananatili ka sa aking tabihan,
Hindi ko hahayaang magpadala sa aking nararamdaman, hindi masisira ang ating samahan,
Dahil alam kong ito ang siguradong may pang matagalan.Hayaan mong maging masaya tayong pareho sa ating pamamaraan , patuloy na magsusuportahan,
Sasabay sa agos ng panahon, at habang buhay na mahihintay sa tamang kaorasan,
Kung saan pang habang buhay na sasang ayunan,
At masayang mapagbibigyan ang ating mga kahilingan.
![](https://img.wattpad.com/cover/312217467-288-k12464.jpg)
YOU ARE READING
Unsaid Thoughts
RandomThis story is about sa mga thoughts na hindi nasabi , naparamdam at napakita sa mga tao sa palagid. Piniling mag-isa, manahimik at mananatiling sa walang kibo sa nangyayari sa kanyang paligid. Patuloy na susuporta , magpapakumbaba, at iintindi sa ta...