June 8, 2022

7 0 0
                                    


Mahal ko,
Mahigit isang taon na ang nakalipas ng huli kitang nakita,
Hindi pa nalilimutan ang huling binitawan mong mga salitang  " muli kang babalik upang magpakasal tayong dalawa",

Kasabay nang ating mahigpit na pagyayakapan,
Nakangiting nakatingin sa iyong mga mata,
Bago tayo bumitaw at landas ay nagkaiba.

Hanggang ngayon, ako'y naghihintay,
Nagbabakasakaling sa aking paghihintay ay babalik ka,
Kahit pumapasok sa isipan na sapat na ang aking paghihintay upang ako'y lumisan na.

Ang aking natitirang pag asa ay gumuho ng malaman kong ika'y may iniibig nang iba,
Akala ko'y sapat na ang matagal nating pagsasama,
Upang may rason ka upang bumalik at muling magsama.

Ngunit mali ako, hindi sapat ang mga ito,
Upang ako'y balikan mo,
Upang tuparin mo ang mga katagang binitawan mo.

At sa huling mensahe ko para sa iyo mahal ko,
Sapat na siguro ang oras at panahon upang ika'y palayain ko,
Sapat na siguro mga ito.

Huling sandaling ipapaalala na ika'y mahal ko,
At huling paghihintay ko sa iyo,
Sana'y balang araw ay mabasa mo ito,
At sa araw na iyun, siguro'y masaya na tayong pareho.

Hindi man sa piling ng isa't isa,
kundi para sa isa't isa,
Hanggang dito na lamang,
Paalam Mahal.

Unsaid ThoughtsWhere stories live. Discover now