CHAPTER 8

17 1 24
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tawagin niya ang pangalan ko, dahan-dahan akong lumingon ng nakangiti, hiyang-hiya sa itsura ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito kaya napanguso ako.

"Magbebenta ng ukoy sa mga bangkay," tumawa ito sa sagot kong pangtanga, "come here," tawag niya, kaya nakanguso pa rin akong sumunod papunta sa kaniya.

Agad nitong dinungaw ang nasa basket na hawak ko.

"Mm, mukang masarap ah," aniya at inamoy pa 'yon.

"Naman, parang ako sir," natiklop ko agad ang bibig ko dahil doon, nakakahiya ka Shilo!

"Really? Magkano naman ito?" He asked eyeing at me.

"Five pesos lang sir," tumango-tango naman ito at binili lahat ng tinda ko.

"Taga dito ka pala?"

"Oo nga pala sir, bakit ka napadpaad dito?" hindi nasagot ang tanong niya, hindi ito nagsalita at nilingon ang nityo kaya pati ako ay napalingon.

"Luciana Nickeila Fabiala," basa ko.

"Gagi!" ngayon ko lang napagtanto kung sino ito, "s-sir, kilala ko pala ito," anas ko, "matagal na po ito, siya po pala ang binabanggit mo? Ang bait-bait po niya ni ate Nick, napakaganda pa, sayang lang dahil nalunod," dere-deretso ang pagkakasabi ko at matiim itong nakatingin sa akin.

Napamaang ako at unti-unting lumingon sa kaniya, "n-nalunod," he heaved a sigh at umiling.

"She just died five years ago," dumeretso ang tingin nito sa kawalan.

Nangunot ang noo ko.

"Ha? Sir hindi lang po,"

Umiling-iling siya sa sinabi ko.

"I am with her the whole time, nanirahan ito sa Isla, dito lamang siya inilibing nang mamatay," lumunok ito at napangiwi.

"Hindi siya nalunod," natuon ang tingin ko sa kaniya, hinihintay kung ano ang sasabihin niya.

"Sh*t, " pagmumura nito, "hindi ko alam kung kaya mo o kung pwede ko ba sabihin,"

"S-sir, ayos lang po sa akin, kung kaya niyo pong ikwento," sabi ko at ipinakita ang pagiging interesado ko.

Malalim na hininga ang pinakawalan niya at matagal pang nakatingin sa langit.

"She was killed by her brother," dahan-dahan at mabibigat nitong bigkas dahilan para matahimik ako.

Si kuya Liam o Lian?

"Yung sinabing pagkalunod, hindi totoo iyon, sinaksak siya ng kapatid," bigkas nito na animo para itong mauubusan ng hininga.

"Itinapon ang katawan nito sa ilog, but she was found somewhere ng sarili din niyang ina, she was hospitalized for months at nawalan ng ala-ala," natutok ang mata ko sa nityo na para bang nakikita ko si ate Nick.

Ang sakit sa dibdib, hindi kami close pero magkakilala kami.

"She started her new life in Isla El Dorado," umiling-iling ito na para bang hindi na niya kaya pang magkwento.

"To make the story short nalang, binaril siya ng kapatid nang makatakas ng kulungan," hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ako makapaniwala dahil sa rebelasyong ito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, para akong sinasakal.

Parang mas mahirap tanggapin na namatay ang kasintahan kesa ang nanloko e.

"S-sorry for you lost, sir," ani ko at bahagya pang yumuko, narinig ko ang maabigat na buntong hininga niyo at bahagya pang nasampal ang sarili.

Kinuha nito ang tray ng ukoy ko at linantakan niya iyon, hindi ako nagsasalita at hinahayaan siyang kumain.

"Ang sarap," biglang aniya na akala mo ay hindi ito nanginginig kanina.

"Bilhin ko lahat ha," ulit niya, nilingon ko ito at wala ng bahid ng kung anong sakit, pero alam kong sa loob-loob nito'y parang pinipiga.

Hindi ko nalang muling binanggit at pinanood siyang kumain, na maging ang suka ay kulang nalang inumin niya.

"Gusto mo? Masarap," natawa ako sa kaniyang sinabi, may pagkamadungis itong kumain, hindi mo aakalaing kakain ito ng ganitong klase ng pagkain dahil kung titignan ito ay ni halos lahat ata ng pagkain niya ay dapat ginto rin.

Sa pananamit, sa ayos, sa gamit, ay humihiyaw ang karangyaan, "kung gutom ka, kumain ka din sa ukoy, huwag ako ang titigan mo, dahil hindi mo naman ako makakain," pag-aagaw nito sa ang diwa ko na kulang nalang ay ilipat ko ang kaluluwa ko sa kaniya.

Nakaramdam ako ng hiya pero hindi ko nalang iyon pinahalata.

Mas masarap ka pa nga ata diyan sir.

"Kain ka, ako naman magbabayad," langhiya, e' tinda ko iyan, malamang alam ko na lasa niyan.

Hindi nalang ako sumagot at kumuha din, at talagang ini-offer pa nito ang cup niya na may lamang suka.

Dahil malandi ako, aba makikisawsaw na ako, acckk!

Indirect kiss!

Inamoca Shilo, ikalma mo  naman!

Grabeng date ito, date sa sementeryo.

"Matagal mo ng ginagawa ito?" Tanong niya, "hindi naman po sir, basta kung anong trabaho ang maaring gawin, pinapatulan lang, minsan nagtatanggap ng labada, minsan nakikiharvest sa mga magsasaka o 'di kaya nagbebaby sitter ganoon sir, kapalit ng pera," kwento ko na para bang napakadali noon.

Pero bigla akong nagsisi na sinabi ko ang mga iyon dahil baka isipin nito na nagpapaawa ako.

"Pero kagustuhan ko naman po, ayos naman kami ng pamilya ko, gusto ko lang makatulong," I lied, we're not okay.

My father is dying!

Si nanay hindi na alam kung paano na mabuhay!

I smiled at nilingon si sir na hindi pala nakikinig sa akin dahil busy sa pagnguya.

Sumimangot ako at tumawa na lang din dahil mas mabuti na iyon.

Hindi nga siya nagbiro nang sabihin nitong uubusin niya ang paninda ko dahil sa isang upuan talaga ay naubos niya, nagawa pa nitong tanggalin ang butones sa pantalon dahil sa kabusugan.

"Hindi masarap," napalo ko naman ito sa braso ng wala sa oras, "talaga lang sir ha? kanina 'ka mo ang sarap, naubos mo na lahat-lahat 'tsaka mo sasabihin hindi masarap? Wow! Ihukay din kaya kita," may pagkapikon sa aking tinig.

He laughed heartlily kaya napakagat ako sa aking labi, ang gwapo!

"Huwag ka ngang tumawa sir! Ang pangit mo!" asik ko pero pinandilatan ako nito ng kaniyang itim na itim na mata, "akala mo hindi ko nahuhuling tinititigan ako kapag nagtuturo ako," nahampas ko na naman ito dahil sa kahihiyan.

"Nagpofocus kasi tawag doon sir!" kung wala lang ang suot kong lapresa, kingina, nangamatis na ako dito!

Tawa lang siya ng tawa, kingina, hindi naman ganito ito sa school, para kang taong tambay tumawa, ang lakas!

Hinintay kong humupa ang tawa niya bago ako magpaalam sa kaniya pero sumunod pala ito sa akin, gusto daw ako ihatid sa bahay.

'Pwede ka na din mamanhikan sir, kung gusto mo!'

Gaya ng sabi nito ay inihatid niya ako, hinihintay pa ata niya akong patuluyin ko siya pero wala akong balak na patuluyin ito dahil nahihiya ako, hindi nga siya nagtagal kaya agad akong pumasok at nakita ko si nanay na salubong ang kilay na at nakapamewang na naghihintay sa akin.

Agad kong kinuha ang napagbentahan ko at inilahad sa kaniya, hindi niya binalingan ang pera, deretso lang ang tingin nito sa akin.

"Naglako ka ba talaga o katawan mo ang ibinenta mo!?" pag-aakusa nito sa akin, "nay! anong sinasabi mo?" gulat kong tanong at naibaba ang pera.

"Umayos ka Shilo, dahil kapag nalaman kong naglalandi ka, papaikutin ko ang ulo mo, tangina ka," bumuntong hininga na lang ako at inilapag ang pera sa mesa ng may sama ng loob.

Pumuntang kwarto para kumuha ng damit pamalit.

Naligo ako at hindi na nagpaalam na aalis ng bahay, dahil babalik na ako ng boarding, bwisit!

I CHERISH YOU [SERIES #1] • On goingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora