CHAPTER 6

13 0 0
                                    

Dedicated to fewinkimi

"Feeling ko crush ka ni sir," parang bumaligtad sikmura ko dahil sa biglang kilig na naramdaman ko, "malabo gago, hindi pa nakamove on, paano ko masusungkit," sagot ko.

Kasalukuyan na kaming nandito sa boarding naghahapunan.

"Paano mo nasabi? Nag-uusap ba kayo?" tanong niya, umiling ako, "nabanggit lang niya," her eyes widened at tinutukan ako.

"Kwento ka naman!"

"Girl! You know ba? Nagbibiruan lang naman kami, ganito kasi nangyari," kwinento ko sa kaniya naging usapan namin.

Hindi ko alam pero parang kinukurot na naman puso ko.

"Ahhh gagi! ang sakit no'n, kung ako siguro mas gugustuhin ko nalang na lokohin niya ako kesa mamatay siya habang masaya ang relasyon namin, kingina," I agreed.

I can't imagine how painful it was for him.

"Dagdag mo pa girl, 'ka mo hindi dahil sa sakit ang kinamatay, think for the worse, what if naaksidente? Gago!"

Nakakalubog ng puso, magdamag kong inisip ang bagay na iyon, nabagabag ng isip ko.

Hindi ko alam pero feeling ko kasi hindi na basta pagkagusto ang nararamdaman ko kay sir!

Langhiya naman kasi!

Crush ko lang naman kasi!

I pouted at ibinaon ang muka ko sa unan nakakainis.

"Anak ng tilapia, natulog ka ba?" Bungad ni Naomi sa akin kinaumagahan.

"Hindi ako pinatulog ni sir! Kasalanan niya 'to!" paninisi ko.

"Shuta ka! Malala ka na talaga! Paano ka pa nakakapag-aral ng maayos?" ngumuso ako at sinalampak ang sarili sa upuan at dunukdok sa mesa.

Hindi ko naman talaga naililingid kay Naomi ang nararamdaman ko pagdating kay sir, alam niya ang pantasya ko dito, pero gaya ko akala ko ay paghanga lang.

"Lilipat na ata ako ng univ, ayoko na dito, pero baka mamiss niya ako, kawawa naman,"

"Ulul!" sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya ako.

Gumayak na kami, at kung sineswerte ka ay siya pa talaga ang first subject namin, nabasbasan na naman ang umaga ko.

"Goodmorning, class. Kumusta kayo?", pagbati niya sa buong klase, pero syempre iisipin ko na namang para sa'kin lang 'yon. Kanya kanya na 'to no.

"May chemistry pa rin kami ng jowa ko, sir", sagot ng isang kaklase namin.

" Attracted to each other pa rin sir, kahit magkaiba kami ng ugali", patawang sagot ng maharot naming kaklase.

"Good to know, sana alam niyo rin na may quiz tayo today. Bring out 1/4 sheet of paper", nakangiting litanya niya pagkatapos ng kumustahan nila. Pa-fall din talaga 'tong isang 'to e, ngiti nang ngiti, sana araw-araw siyang masaya.

"Write your names and number your paper 1 to 10." Sana, huwag siyang magsawa sa passion niya sa pagtuturo, aba gusto ko kayang sa pag alis ko sa institusyong to, siya magsasabit ng award sa akin, hehe.

"Shilo" Ingay naman, nagpapantasya pa tao dito e.

"Ms. Herschel, what are you doing?"

"Ay, palaka ka!", paksh3t na 'yan, muntik na akong mahulog kay sir, I mean sa upuan!

"U-uh hehe daydreaming sir" shet bakit niya ako tinatanong, crush niya siguro ako, omgggg, wish come trueee na ba me??

"I said bring out 1/4 sheet of paper," nakangiti, nahihiya akong yumuko at humarap kay Naomi na tinatawanan ako.

"Pasensya na sir, hindi nakatulog ng maayos kagabi, hindi ko natimplahan ng gatas niya," umani iyon ng tawa kaya nahampas ko siya.

Sir AU eyed me with teasing smile kaya ngumuso ako at hinablot ang papel kay Naomi.

Agad flinash ni sir ang mga tanong sa harap na mabilis ko lang nasasagutan, "mind your own papers," anas nito na malamang ay may nakikitang mga nagkokopyahan sa likod.

"Next?" tanong nito na ikinareklamo ng iba dahil hindi pa sila tapos.

Nagtama ang tingin namin ni sir, "Napuyat ka ata Athara," puna nito sa akin, hindi nakatakas sa panidinig ko ang hagikgik ni Naomi.

"Ikaw ba naman mapanaginipan sir, aba'y solid ang bangungot," napansin kong agad tumalikod si sir, nailang ata, marahil sa pagbanggit kong bangungot siya o overwhelmed na napaginipan ko siya.

I will accept the latter, sir.

Sir AU flashed the last slide at iniwan kami, agad na akong binato ng tanong at walang nagawa nang pinagpapasahan na ang aking papel.

Hindi din ako nakaligtas sa pangangantyaw nila dahil sa sinabi ko kay sir kanina.

"Pero gagi, hindi na gano'n kaintimidating si sir, ginayuma mo 'no?" umirap naman ako sa kanila.

Ano ako? Witch?

Agad nilang naibalik ang papel ko nang makita ang anino nito.

"Let's check?" tanong nito na sinang-ayunan ng lahat, as usual, I got the highest score, "sana all talaga," atungal nila.

I flipped my hair, "si sir ba naman magturo, ay talaga naman," he smirked at me, ang sexy!

"I'm honored," he said, at halata dito na aliw na aliw sa akin.

Ganiyan nga sir, fix your eyes on me, matuwa ka sa akin, maaliw ka sa akin.

Nakagat ko ang labi ko dahil may kung ano akong naramdamang kakaibang ikot sa aking tiyan.

Hindi ako tanga para itanggi na kinikilig ako.

Weird, sa dinami-dami kong kaedad sa pitong taong gulang ang agwat talaga ako magkakagusto.

Napanguso ako, hindi ko na din namalayan ang pag-alis ni sir.

"Huy, ang lakas ng tama mo,"

"Tama kay sir? Aba'y oo!"

Akala nila biro ko lamang pero hindi nila alam, totoo 'yon.

"Nga pala, natapos niyo na ba 'yung pinapagawa ni sir Abog?" tanong nila at sunod sunod ang atungal nila kesyo ang hirap daw.

Tahimik lang ako dahil abala ako kakaisip kay sir.

Ang landi talaga!

"Oi, yung ano pa, gagawa tayo ng prokaryotic at eukaryotic cell model out of edible materials, sa lunes na iyon, ano gagamitin niyo?" tanong nila at magsisuggest naman sila.

"Eh kayo Shilo?" Bumaling ako sa kanila, "abs ni sir-aray!" daing ko dahil sabay-sabay nila akong hinampas.

"Kahit isang oras lang Shilo kalimutan mo naman si sir!" pananakal nila sa akin.

Kingina, hindi ako mamatay sa kursong ito pero mukang mamatay ako dahil kay sir AU!

Tinigilan lang nila ako nang hindi na ako makahinga.

"Mga animal kayo!" sigaw ko sa kanila pero isang hampas na naman natanggap ko.

"Sasagot ka o gigripuhan kita sa tagiliran?" banta ni Jamie sa akin.

"Gelatin, nips, gummies, okay na?"

"Yun lang?"

"Tapos si sir-" malakas akong napahalakhak nang layasan nila akong lahat.

Walanghiya!

I CHERISH YOU [SERIES #1] • On goingWhere stories live. Discover now