CHAPTER 5

8 1 14
                                    

Nagdaan pa ang mga araw hanggang sa dumating ang araw ng event sa kung saan ako ang emcee kaso nandito palang ako sa Burgos, takte wala pa akong masakyan!

Panay ang tingin ko sa aking relos dahil kingina, anong oras na baka hindi ako makaabot, magpaapalit pa ako sa boarding ko mamaya.

Inis na inis na ako dahil wala pang jeep na dumadaan.

Panay ang tanong ko kay Naomi kung sino ba pwedeng magsusundo sa akin dito kahit bayaran ko na pang gas

Muli ko siyang tinawagan, "Bessy wala ako mahanap, bebe ko naman busy," aniya kaya napanguso ako, "Si Laurence? Pasuyo nga Naomi, please," I pleaded, nahihimigan ko din ang pagkataranta nito.

"Tawagan mo kasi, hindi ko siya mahanap,"

"Offline nga e," halos pagpawisan na ako dito dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Sya, sya, bahala na ako, gawan ko ng paraan, kung mahihiram ko sasakyan ng bebe ko, ako na susundo sa 'yo,"

"Tangina Naomi, mahal ko pa buhay ko,"

"Nyenyenye!" pinatayan na ako nito ng tawag.

Halos magdugo na labi sa pagkakagat ko nagbabakasakali na may dumaang sasakyan.

Muli kong dinial number ni Laurence, nakailang ring pa ito bago niya sinagot, "oh? miss mo na naman ako," bungad niya, hindi ko na  pinansin iyon.

"May ginagawa ka ba? Pasundo ako oh, please,"

"Wow, nagmakaawa siya, bago 'yan ah," I stomped my feet in annoyance "Laurence naman," asik ko pero tinawanan lang niya ako.

"Tangek ka, andito pa ako Aurora," lalo akong napaatungal dahil wala pa rin, pinatayan ko na lang siya ng tawag.

Nagdadalawang isip na ako kung lalakarin ko na ba ito.

"ANO BA!" Nabato ko ng bottled water ang sasakyan na bumusina sa akin, dahil nakapagilid na nga lang ako!

Hindi ko makita kung sino ang nasa loob kaya masama ang tingin ko handa na akong sugudin ito paglabas niya.

Mayabang akong humarap nang bumukas ang pinto niyo at inaabangang bumaba.

Maglaalakad na sana ako nang biglang lumabas doon si sir AU na tawang tawa sa akin.

"Relax, ako lang ito," pangkalma niya sa akin, bigla akong nahiya dahil sa inasta ko kanina, pero lamang talaga sa akin ang inis kaya nasimangutan ko siya.

"Halika na, nagpapasundo ka daw sabi ni Naomi," napamaang ako dahil sa sinabi niya

"Hala sir, hindi ko sinabing ikaw," pakiramdam ko ay namumula ako kaya napahawak pa ako sa muka ko.

"Pinuntahan ako, sinabing nagpapasundo ka," kung pwede lang magpalamon sa kaniya este sa lupa eh!

Mamaya talaga sa akin iyang Naomi na 'yan!

Napangiwi ako and he laughed at me, wtf!

How can he laugh at my misery!

"Halika na, malelate ka na," he said at binuksan pa ang pinto para sa akin.

Kung 'yung dati mo sanang sasakyan ang ginamit mo, e' 'di hindi sana kita nasungitan!

Ibang sasakyan kasi, aba malay ko bang siya pala ang driver non!

Nahihiya man ay nakasimangot akong pumasok sa sasakyan niya, habang pinagtatawanan niya ako.

"Sir, nakakahiya na," asik ko at nagcross-arms pa.

"Wow, ngayon ka pa talaga nahiya,"

"Ayy grabe ha sir Ginto, mayroon din naman ako no'n," depensa ko, nasa daan man ang tingin niya tumatawa pa rin siya.

Lintik, kinikilig ako!

"You reminded me of someone," he said na ikinalingon ko lalo, he took a quick glance at me and smiled.

"No one dared to call me Ginto before, siya lang at ikaw," he chuckled tapos napailing pa.

"Sino po siya?" I asked out of curiosity, "someone special," napanguso ako ng palihim.

Bakit naman gano'n? Mukang wala naman akong pag-asa.

"Girlfriend mo sir?" hindi ko na talaga napipigilan ang hangal kong bunganga.

Sumilay ang ngiti sa labi niya, parang kinurot tuloy puso ko.

"Almost,"

"Hala, binasted ka sir? Ang tigas naman po ng muka! Aba kung ako 'yan, sasagutin ko agad," agad kong natutop bibig ko dahil sa sinabi ko.

Did I just lowkeyly confessed?

Natalikuran ko siya dahil napalingon ito sa akin habang may ngiti sa labi.

I heard him heaved a sigh kaya unti-unti ko ring nilingon.

"She's an angel now," he smiled but I saw how his eyes glistened sa namumuong luha.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung masasaktan ba ako o mahihiya.

"S-sorry po s-sir," I apologized, umiling naman ito sa akin.

"It's okay, its been years, namiss ko lang," sir naman eh!

"Ano pong pangalan?" gusto kong batukan ang sarili ko.

You are being insensitive Shilo!

"Ciana, Luciana Nickeila, but I used to call her Yla," kakaiba ang ngiti nito nang banggitin niya ang pangalan ng babae.

"Ang ganda ng pangalan," akala ko sa isip ko lang iyon nasabi.

He agreed, "as she is,"  ang swerte mo po sana ate Ciana.

"Nagkasakit po ba siya?" may kirot na sa aking puso dahil sa nalaman, hindi ko alam na may ganito siyang nakaraan.

"Sana nga gano'n nalang ang nangyari, mas hindi katanggap-tanggap pagkamatay niya e," he whispered, hindi na ako umimik dahil baka may masabi pa ako.

Hindi na kami nag-imikan ni sir hanggang sa nakarating na kami agad ng campus, pero sinabi kong bababa ako ng boarding and he insisted na samahan na ako.

Mabilisan lang ang pagpapalit ko dahil nakakahiya namang paghintayin si sir.

Pagkarating namin ng campus ay talagang sa gym niya itinigil ang sasakyan, noong una hindi iyon pinapansin ng mga estudyante, medyo may hiya sa akin, baka biglang issue.

Akma na akong bababa nang biglang nagbukas iyon, hindi ko man lang napansin ang pagbaba ni sir, at heto na siya ngayon, hawak ang pinto ng sasakyan at hinihintay akong makababa.

Nagsimula ang hiyawan ng mga estudyante dahil sa amin.

Preskong naglakad si sir papunta sa upuan ng mga faculty habang ako ay nahihiyang umakyat ng stage habang namumula.

"Kaya pala late ang partner dahil may date ata sila ng Gintong kamahalan," pang-aasar ng co-emcee ko.

"Inggit lang kayo e, body guard ko 'yan si sir Ginto, chariz," umani iyon ng tawa, ingay at hiyawan, maging mga faculty, nailing naman si sir habang nakangiti sa akin.

Napailing iling din ako bago ma namin sinimulan ang programa.

I CHERISH YOU [SERIES #1] • On goingWhere stories live. Discover now