CHAPTER 1

19 0 0
                                    

Athara Shilo's Pov

(Shaylo)

"Naomi wait lang naman," sabi ko sa kaibigan kong minamadali ako dahil malelate na kami, paano ko bibilisan eh hawak ko ang instructional materials ko dahil demo ko pa man din ngayon.

"Ang kupad kasi, bilisan mo na, ikaw pa ang magdedemo, ikaw pa mahuhuli, siraulo ka ba?" asik nito sa akin kaya napanguso ako.

Binilisan ko ang paglakad habang maingat na nakahawak sa aking model ng volcano.

Sa paglalakad ko ay nakatuon ang paningin ko sa hawak kong bulkan dahil baka mamaya ay masira ito, "waaah!" sigaw ko nang matisod ako at maihagis ko ang aking bulkan.

Nakasalampak ako sa lupa ngayon at kulang nalang ay maglumpasay ako sa inis dahil panigurado na ang bulkan---eh?

May isang kamay na naglahad sa harap ko kaya napaangat ako at nakita si sir AU na hawak-hawak ang bulkan kong wala man lang sira.

Nakalahad ang kamay nito para tulungan akong tumayo pero ang mga mata nito ay wala man lang kabuhay-buhay.

Inabot ko lamang iyon at palihim na napakagat sa aking labi, "sa-salamat s-sir," I thanked bago pinampag ang sarili ko at kinuhang muli ang IM's ko sa kaniya, tumango naman ito at umalis na.

Napalobo ko ang pisngi ko sa hiya at maging si Naomi ay nanudyo ang kaniyang tingin, "girl, ang lambot ng kamay," mahinang tili ko dahil hindi ako makapaniwala, na ang isang AU ang maglalahad ng kamay para patayuhin ako.

"Bhie, pakicheck ang panty ko, feeling ko nakuha niya," nakatanggap ako ng hampas mula sa kaniya dahil sa sinabi ko, habang ako ay heto kinikilig at nawala sa aking isip ang klase.

Nag-alburoto kaming umalis at mabilis pumuntang COE, "good afternoon ma'am," bati namin dahil naabutan namin siya doon, "oh, saan kayo galing, magseset up ka pa Shilo," sabi ni ma'am sa akin.

"Sorry po ma'am, nadapa po kasi ako kanina," pag-amin ko at tumawa naman ito sa akin, "masiyado ka naman atang kinakabahan, sus, kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba," sabi ng kaklase namin kaya napanguso ako.

Mabilis na lang akong nagset up at inayos ang sarili ko, ibinigay ko kay ma'am Sablay ang rating sheet ko at ang lesson plan.

Agad ko ngang sinimulan ang demonstration ko, my topic is all about Volcanic Erruption, the demo teaching went well and engaging.

"Congratulations," huling bati sa akin ni ma'am Sablay matapos makapagbigay ng komento patungkol sa pagtuturo ko kaya tuwang -tuwa akong nagligpit.

Sinabi nitong tulungan akong buhatin ang gamit papunta sa susunod niyang klase, at dahil hindi ako tinatamad ay sinunod ko siya, "you're really doing great  Shilo, you are something, sure ka ba na education ang kukunin mong kurso?" tanong niya sa akin.

Napailing naman ako, "gusto ko po talagang magmedisina ma'am pero kasi ma'am, masiyadong matagal, gusto ko pong maging madali na lang lalo na at napakahirap po ng buhay namin, dalawang taon nalang din po naman ay makakapagtapos na ako, desperada na po akong matulungan ang magulang ko," ika ko pero hindi ako nagtunog na nakakaawa.

"Kaya ho ako nagscience major kasi kahit papaano ay inline naman sa gusto kong kurso, pwede ko naman pong gawing pre-med 'di po ba?" tanong ko tumango tango naman siya sa akin, nang maihatid ko siya sa sunod niyang klase ay agad na ako bumalik dahil sunod na ang klase namin sa Chemistry.

Napanguso ako nang maalala ko na si Sir AU ang teacher namin, he's a chemical engineering graduate pero heto siya nagtuturo, napakadami na niyang natapos.

Contractual lang ito pero kalidad kung magturo, magaling magturo, sadyang ako nga ang problema dahil nadidistract ako sa muka niya.

Ang hirap magfocus kasi ang gwapo niya, kamakailan lamang ito grumaduate at talgang sa VSC pa pala galing, napakaquality ng unibersidad na iyon.

Lumipas nga ang oras na siya lang pinag-aralan ko, hindi ko na alam kung paano ang ginawa niya nomenclature, buti na lang at naglalagay ito ng slides niya sa google classroom kaya tuturuan ko na nalang ang sarili ko mamaya para makapaready sa quiz at seatwork namin next meeting.

Nang makaalis ito ay siniko ako ni Naomi, "kingina ka girl, matutunaw si sir sa 'yo, nakakahiya ka, wagas ka makatitig," sabi nito kaya napatakip ako ng muka.

"Gago, seryoso ba?" nahihiyang ani ko, "oo tangina mo, alam kong gwapo si sir pero huwag ka naman parang nangangarap diyan, takte ka, ako ang nahihiya sa 'yo," aniya, alam kong namumula ako dahil nararamdaman ko ang pag-iinit nito.

Walanghiya.

Maya-maya ay bumalik ito at muntik pa akong mapaigtad, walang bahid ng emosyon ay dumako sa akin ang kaniyang tingin, kinabahan naman ako bigla dahil doon, "come with me," aniya at napaamaang pa akong nakaturo sa sarili ko.

"Yes," patay tayo diyan, mukang lagot ako.

Nalunok ko ang sarili kong laway at nilingon sa Naomi na binigyan ako ng 'lago-ka-look,' inirapan ko naman siya at sumunod nga kay sir AU, literal na para akong aso sa likuran niya, ano kaya ang sasabihin niya?

Huminga ako nang malalim nang makarating na kami sa faculty, pumasok kami doon at pinaupo niya muna ako sa upuan niya at may kinalkal sa kaniyang maliit na kabinet.

Inilabas nito ang printed activity at inilapag sa harapan ko.

Yumuko ito na halos magpantay ang muka namin, "wala ako bukas, I am not able to meet you and I am giving you this seatwork para ikaw na ang magdistribute sa kanila, collect mo din mismo sa araw na iyon at ilagay mo dito sa table ko kapag natapos," aniya.

Halos nanayo lahat ng balahibo ko dahil boses nya at hiningang dumampi sa aking balat.

I stiffened nang hawakan niya ako sa balikat, "you look tense, loosen up," aniya kaya napanguso ako, kinuha ko ang printed activity naman bago ako tumayo.

"Chat ko na lang po kapag sir kung nailagay ko na dito," ani ko at tumango naman ito at tumingin lang ng napakalamig.

Lumabas na nga ako ng faculty at bumalik ng room para magklase na ulit para sa susunod na klase.

Nang matapos muli ang klase namin ay ibinigay ko na ang mga activity sheet namin, matapos no'n ay umuwi na nga ako.

Nagpamasahe na lang ako pauwi, may isang oras na biyahe bago ako makarating sa bahay, agad kong kinalkal ang bag ko at kinuha ang naipon kong pera na bigay ding allowance sa akin nina mama at papa at ibinigay sa kanila, hindi na sila nagtanong at kinuha na lang.

Nasanay na siguro sila sa akin dahil palagi akong ganoon na kapag may naiipon ako ay ibinibigay ko sa kanila

Sana naman mapabilis na ito para grumaduate na ako, alam kong hindi madali ang magiging pagkatapos, pero kailangan ko ng magkapera para sa pamilya ko.

I CHERISH YOU [SERIES #1] • On goingWhere stories live. Discover now