CHAPTER 2

10 1 17
                                    

"Oi Shilo hindi ko gets paano yung naming dito sa aldehydes, nagets mo ba?" tanong ng kalase ko, kasalukuyan kasi kaming nagsasagot ng seatwork namin.

"Ito yung diniscuss ni sir kahapon 'di ba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman ito, heto na naman ako sa pagbibida-bida na kunwaring nakinig talaga kahapon, pero ang totoo niyan inaral ko lang kagabi ang nasa powerpoint ni sir.

"Ito oh nalilito ako, trans-5-methyl-3-hexenal," turo niya sa papel.

"Oh madali lang iyan, look hexenal, hexene, just follow the rules in naming aldehydes, like ito, bigyan kita example ah," ani ko at ipinaliwanag sa kaniya kung paano iyon idodrawing.

Tango naman ito ng tango bilang tanda na naiintindihan niya ako, "nakuha mo na?" tanong ko at masaya naman itong tumango, "ibang klase ka talaga Shilo, tanda mo turo ni sir," aniya.

"Gwapo ba naman nagtuturo sinong di magpofocus girl?" hinampas ko pa siya, hindi naman nakaligtas ang sinaabi ko sa pandinig ng mga kaklase namin, maging sila ay natawa.

"Ayy bakit gano'n? Samantalang sa akin nadidistract? Mas saulo ko pa muka ni sir kesa sa tinuturo niya eh," atungal ng isa naming kaklase.

'Ako din,'

I chuckled dahil kingina, mas kaabisado ko pa mga litanya niya, at muka niya, maging arko ng kilay, ang mata nitong nakakahipnotismo, shit, sarap angkinin.

Nang natapos nga iyon ay ako din ang nagcollect.

Pumaroon ako sa faculty para ilagay ang mga sinagutan namin ay saktong nagkasalubong kami mismo sa may pinto, sukbi-sukbit ang bag, nakasalamin at halatang kararating lang.

Ang bango mo sir, agad akong dumistansya at yumuko dahil nakatingin lang ito, "tapos niyo na?" tanong niya, tumango naman ako sa kaniya.

I handed him our papers, "thank you Athara, akala ko maabutan ko pa kayo, galing pa kasi akong RDET," he explained at bahagya pang ngumiwi.

Ano ba ang dapat isagot?

"Oh by the way, come to my office after lunch," utos nito bago pumasok ng faculty.

Nanatili akong nakatayo doon na animo ay nakikita ko pa rin siya.

Nang bumukas ang isa pang pinto sa kabila ay doon palang ako natauhan kaya agad akong napapihit pababa ng building at pumunta kay Naomi na naghihintay sa akin.

"Antagal mo," aniya kaya ngumuso ako, "may pogi kasi sa taas," anas ko at nakatikim ako ng batok.

Lumabas nga kami ng campus para kumain, at dahil nagtitipid ako ay sa karinderya lamang kami kumain, habang kumakain ay nag-uusap kami para sa reporting namin mamaya sa subject namin sa Personal Development.

"Nabasa mo na ba 'yung ppt na sinend ko sa iyo?" aniya kaya natatawa akong umiling, " kingina ka, mayabang ka talaga kahit kailan," aniya na lalo kong ikinahagikgik.

"Madali lang naman iyon, hindi namn iyan physics para paggigilang aralin," mayabang na anas ako, "speaking of physics, natapos mo na Discussion of Theory mo?" tanong niya sa akin.

"Naman ako pa," natawa siya dahil kahanginan ko, "akala ko kapag nagscience, expi-expirement lag, bakit may ganitong paphysics, ansakit sa utak," aniya na sinang-ayunan ko.

Tinapos nga namin agad ang pagkain at nagpasama ako sa kaniya na puntahan si Sir AU, noong una ay ayaw pa niya dahil natatakot daw ito.

Totoo, kasi napaka-intimidating ng aura ni sir AU, nakakahiya siya iapproach, pakiramdam mo ay napakataas ng kaniyang pader.

Gaya nga ng sabi ko ay pumaroon kami kay sir AU, nagtuturuan pa kami kung sino ang kakatok.

Kung sa faculty sana ito ay ayos lang, hindi ko kasi alam bakit may sariling opisina ito.

"Come in," napatayo kami ng tuwid ni Naomi dahil sa sinabi niya, hindi pa man kami kumakatok pero dahil ata sa ingay namin ay narinig niyang nagpipilitan kaming pumasok.

Nangangatal ang kamay kong pinihit ang door knob at sumalubong sa amin ang malamig na hangin mula sa aircon.

"G-good afternoon sir," nakurot ako ni Naomi dahil nautal ako kaya palihim ko din itong tinadyakan.

"Take a seat," utos nito at maging sa pag-upo ay nagtutulakan kami ni Naomi, pinapanood lang kami ni Sir bago nito inayos ang salamin at ngumiti sa amin.

Nakagat ko ang dila, ang gwapo talaga!

"I am just going to instruct you for our next Laboratory activity," panimula nito at naglabas na naman ng printed activity.

Ipinatong niya iyon sa mesa tapos sinabi na ang mga dapat naming dalhin sa susunod na laboratory namin.

Nakinig naman kami, pero mas tutok si Naomi dahil panay ako pag-iwas dahil sa akin siya nakatingin, hindi ako komportable.

Nang matapos iyon ay agad kaming nagpaalam, nakakasakal ang manatili sa office niya, nakakainis.

Paglabas na paglabas namin ay nasakal ako ni Naomi, "tangina girl! type ka ata ni sir!" bulong niya sa akin kaya siniko ko siya.

"Sana magdilang anghel ka Naomi, malay mo kami talaga ni engineer, ackk!" napatili pa kami sa kalandian ko, langhiya talaga.

"Nasaulo mo naman lahat ng sinabi ni sir 'no?" tanong ko sa kaniya, "gaga, nirecord ko kasi inoobserbahan ko kayo, walanghiya girl, para akong hangin doon, sana ikaw na lang pumasok, sa iyo lang nakatingin buong oras habang nagsasalita," aniya, hindi ko mailingid ang pamumula ko at kilig ko dahil doon.

Girl! Kahit sino magkukumahog na maangkin si sir!

Nagtungo na lang kami sa first subject namin ngayong hapon, which is Personal Development.

Nagset up si Naomi ng projector at naghintay na lang kami ng mga kaklase namin, kamerge namin ang mga Math major  sa subject na ito.

Nga lang ay medyo may alitan sa pagitan ng bawat isa dahil masiyado silang mayabang.

When our instructor arrived, Naomi faced them with grace and stood with fierceness.

Para ipakita sa mga math major na kaya din ng science.

Napangisi ang mga kaklase namin dahil sa natural na taray ni Naomi sa pagdidiscuss, habang ako ito, taganext ng slide.

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga math major na agad namang inacknowledge ni Naomi.

"Bakit karamihan habang tumatagal parang walang natututunan, as we age hindi ba dapat nagmamature ka din?" tanong niya, matunog na ngumiti si Naomi.

"What do you think?" She threw back na ikinairap nila.

"You know miss lady in pink, maturity doesn't go along with age, I think you already knew what I mean, do I need to explain it further?" she asked na ikinatahimik na lang ng babae.

The discussion went well hanggang sa ako na, walang nangahas na barahin ako dahil an'linaw naman ng pagpapaliwanag ko.

I CHERISH YOU [SERIES #1] • On goingWhere stories live. Discover now