Chapter 5

586 15 0
                                    

***

“Masayang- Masaya ako Angela Joy at naririto ka na. I’m sure matutuwa rin ang mga classmates natin dati kapag sinabi ko sa kanilang a-attend ka sa reunion natin.” Masiglang sabi ni Melyssa sa kaibigan ngayong magkasama sila ni Angel.

“Magkuwento ka naman. Alam mo bang lagi akong bumibili ng HFM magazine lalo  na kung ikaw ang nasa cover? Gusto ko kasing maging updated tungkol sa iyo.” Dugtong pa ni Melyssa. Nginitian ni Angel ang kaibigan.

“Hmmm, ano naman ang ikukuwento ko sa iyo maliban sa trabaho ko? Sabi mo nga ay lagi kang bumibili ng HFM so I’m sure alam mo kung ano ang nangyayari sa akin. Mabuti pa ay ikaw ang magkuwento. Sabi ni  Inay ay ganap ka ng doktora. I’m happy for you dahil natupad din ang dream mo.”

“Wait, siguro ay may boyfriend ka na.” biglang naitanong ni Angel

“Wala pa pero balak ko nang sagutin si Levin dahil matagal na rin nanliligaw sa akin ang lalaking iyon. Natatandaan mo pa ba si Levin, Angela Joy?”

Natigilan si Angel pagkarinig sa pangalang iyon. Paano ba naming hindi matatandaan ni Angel ang lalaking iyon…..

*Flashback*

“Hoy Ugly Duckling, ano’t hinihimas mo ang picture ni Aeron? Sabi ko na nga ba’t yung mga tingin mo kay Aeron ay may ibig sabihin eh. Huwag kang mag-ilusyon dahil hindi ka papatulan ng kaibigan ko.” Ang nang-iinsultong sabi ni Levin kay Angela Joy.

Huling-huli nito ang ginagawang paghaplos ng dalaga sa picture ni Jonathan Aeron na nakadisplay sa bulletin board sa labas ng gym ng IJA. Kasama si Aeron sa larawan nang iba pang miyembro ng Varsity Team ng basket ball ng kanilang school. Ang akala kasi ni Angela Joy ay nag-iisa na lang siya doon kaya naman hindi niya napigilan ang sarili kanina. Ganoon na lang ang pagkapahiya niya. At gaya ng inaasahan niya ay mabilis kumalat ang insidenteng iyon sa buong campus.

"Gosh, Ang kapal din naman ng mukha ng Angela na iyon. Biruin mo ba namang ang campus hearthrob pa ng IJA ang pagpantasyahan." ang usapang narinig niya mismo sa grupo ng mga babaeng nilagpasan niya. At hindi pa nagkasya ang mga ito sa pang-iinsulto sa kanya. Malakas pang nagtawanan ang mga ito.

*End of the Flashback*

"Hoy ano't hindi ka na kumibo diyan?" ang sabi ni Melyssa kasabay nang marahang pagtapik nito sa pisngi ni Angel.

"Ha? A-Ano nga ba ang sinasabi mo kanina?"

"Ang sabi ko, si Levin na kabarkada ni Jonathan Aeron ang malapit ko nang maging boyfriend. I'm sure, natatandaan mo pa siya."

"Of course I do remember him! Paano ko ba naman makakalimutan ang isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili ko ang lumayo kaysa ang manatili sa piling ng aking ina." Natigilan si Melyssa dahil sa sinabing iyon ng kaibigan.

"A-Angela... ano ang ibig mong sabihin?"

"Akala mo ba ay naging masaya ako dahil sa sinasabi mong kasikatan ko? Sa loob ng maraming taon ay nagdurusa ako dahil malayo ako sa nanay ko. Sa kabila ng mga palakpakan ng mga taong nakakapanood ng aking pagrampa sa entablado ay hindi ako kailanman nakaramdam ng fulfillment. Sa tuwing nananatili sa aking isipan ang katanungang hahangaan pa rin ba nila ako kung ako pa rin ang ugly duckling na lang tinutukso nina Levin?"

Napailing si Melyssa. Hindi siya makapaniwalang ang kaibigan niyang si Angela Joy ang nagsasalita ngayon sa kanyang harapan. Ano na ang nangyari sa dati niyang tahimik na kaibigan?

"Hindi ko akalaing dala-dala mo pa rin sa iyong dibdib ang galit dahil sa mga nangyari. Inisip kong makakalimutan mo rin ang lahat pagkatapos ng maraming taon. After all ay ito naman ang naging daan upang makilala ka bilang isang sikat na modelo sa New York."

Hindi na lang kumibo si Angela Joy dahil kapag nagpatuloy pa siya ay baka silang dalawa ni Melyssa ang magkasamaan ng loob.

"I'm sorry Angela sa mga nasabi ko."

"Ang mabuti pa ay iba na lang ang pag-usapan natin." ang sabi ni Angel. Pinilit niyang ngumiti upang mabawasan ang naramdamang tensiyon kanina sa pagitan nilang dalawa.

"O sige. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang tingin mo ngayon kay Aeron. Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin siya?" tanong ni Melyssa sa kaibigan. Iniiwas ni Angel ang tingin kay Melyssa.

"Ang akala ko ba ay iba na lang pag-uusapan natin?"

"Iba naman si Levin kay Jonathan Aeron diba?" pamimilosopong sabi ni Melyssa .

"Ang natatandaan ko ay galit na galit ka rin sa kayabangan ng grupo ni Aeron noon. How come na mukhang magkasundo na kayo ngayon?" ani Angel sa kausap.

"It's because we are all matured now. Ang kakulitan, kalokohan at kayabangan ng bawat isa noon ay dala lang ng atin kabataan. Pero ngayon ay nagbago na ang lahat siyempre and I could say that the changes are for the better."

"And that's the primary objective why we're about to have our reunion, to know the latest about each one of us. Pero teka hind mo pa sinasagot yung tanong ko eh, about kay Aeron."

"Ano naman ang masasabi ko about him? Alam mo namang ngayon lang kami nagkita ulit after eight long years. Kung hindi pa nga niya kami siguro nagkita ngayon ay hindi na niya ako maaalala pa eh."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan?" tanong ni Melyssa

"W-What do you mean? Isa pa ay ikaw ang nagsabi na comitted na siya so ano ang ibig sabihin nang pangingislap ng mata mo riyan?"

"Wala naman......kaya lang ay.... hindi na nga bale. Wala akong sinabi kanina na commited na si Aeron. Ang sabi ko ay may nagmamay-ari na ng kanyang puso."

"Pareho lang naman iyon diba?" naguguluhang tanong ni Angel.

"Hay naku, huwag mo na ngang isipin yun. C'mon let's talk about reunion na lang." pag-iiba ni Melyssa ng usapan.

***

VOTE AND COMMENT

Ugly Duckling AngelWhere stories live. Discover now