***
"Now that you already gave yourself to me ay wala ng dahilan para manatili pa dito ang Ervhin na yan. Tell him to pack his bags and go back to where he came from. Kaunti na lang at makakapanapak na ako talaga. After today, we are going to have a long talk so we could have our plans for the future."
Habang sinasabi ito ay isa-isa naman isinuot ni Aeron ang mga nahubad na damit. Lumapit siya kay Angel na hanggang ngayon ay nakahig pa rin sa kama at dinampian ni Aeron si Angel ng mabining halik sa mga labi.
Matipid na ngumiti si Angel.
Pero paglabas na paglabas ni Aeron sa silid na iyon ay hindi niya napigilang lumuha.
Wala siyang pinagsisihan dahil mahal niya si Aeron, noon.....ngayon... at natitiyak niyang kahit sa mga darating pang panahon. Kaya lang ay bakit hindi pa rin maalis sa kanya ang pangamba na hindi magkakaroon ng katuparan ang sinabi ni Aeron?
"Don't be a paranoid Anegl. Hindi ka ba naniniwala kay Aeron?" ang sabi niya sa sarili.
Narinig mo naman ang mga sinabi ni Aeron na kanyang binitiwan diba? Pero iyon ay noong nasa kainitan ginagawang pagpapadama ng pag-ibig sa isa't isa. Kagaya rin noong gabi ng aming reunion.... I Love You Angel, ang sabi nto pero hindi ba't iyon ay dahil na rin sa aming paghahlikan? Pero pagkatapos noon ay hindi na niya muling narinig iyon kay Aeron. Bakit kasi sa mga pagkaraniwang pagkakataon ay hindi man lang nababanggit ni Aeron ang tungkol sa damdamin nito sa kanya? Mahal ba siya talaga ni Aeron o nadala lang ito ng kagandahang taglay niya ngayon?
***
VOTE AND COMMENT
YOU ARE READING
Ugly Duckling Angel
Romance(Completed) Ang lahat ng panlilibak at pang-iinsultong tinatanggap ni Joy ay tinitiis niya kahit na may kirot sa kanyang dibdib mula pa sa noong nasa Kindergarten hanggang mag fourth year high school siya. Naghimagsik tuloy ang kanyang kalooban at i...