Chapter 6

595 14 2
                                    

A/N: Hi Readers! :) Pakiplay na lang po yung nasa side :D Mas bagay kasi kapag may background music eh! :)) Kapag may nakita kayong youtube sa side pakiplay ahh!  Enjoy!

 ***

Pagkatapos nilang maghapunan ay nagtungo sa salas sina Angel at Bettina upang magkuwentuhan. Ayaw kasing pumayag ng kanyang nanay na sila Bettina ang maghuhugas ng pinggan kaya ipinagtabuyan sila nito palabas ng kusina.

“Nakapagpahinga ka bang mabuti kanina?” tanong ni Angel sa alalay na very sexy ang pagkakaupo ngayon sa sofa.

“Yeah, talagang nakatulog ako kanina. Ang sarap pala ng pakiramdam na wala akong inaalalang shows, press conference at kung ano-ano pa. Hindi rin ako natataranta sa pag-aayos ng schedules mo.” Sabi ni Bettina kay Angel. Napataas naman ang kilay ni Angel.

“Ayun at nagrereklamo na ang bakla. Mabuti na lang at nalaman ko para naman makahanap ako agad ng makakapalit mo.” Pananakot at pagbibiro naman ni Angel kay Bettina. Nanlaki tuloy ang mga mata ni Bettina.

“Angel…. Bruha ka… Don’t you ever dare. Kukurutin kita sa singit, sige ka.”

Pinagtatawanan lang ni Angel ang pag-e-emote nito. Dahil sa pagkapikon ay sinigod ni Bettina si Angel at pinagkikiliti sa tagiliran. Maya-maya pa ay gumaganti na rin sa pangingiliti si Angel.

Naputol lang ang katuwaan nila nang biglang may nagsalita sa pintuan.

“Mukhang nagkakasayahan kayo ah.” Tinig ng bagong dating

Sabay napalingon sina Angel at Bettina sa pintuan at nang Makita nila kung sino ay magkaiba ang nagging reaksiyon ng dalawa.

( ~Now Playing: Only One by: Boa)

Si Bettina ay kinikilig na nginitian ang binatang kararating lang. Habang si Angel naman ay pagkailang dahil sa paraan ng pagtitig nito at pagkalito rin dahil sa may nasisinag na galit ni Angel.

“Ikaw pala Aeron, Halika tuloy ka. May gusto lang sana akong sabihin kay Angela Joy.” Ang maarteng anyaya ni Bettina kay Aeron.

“Ah salamat pero okay na ako dito. May gusto lang sana akong sabihin kay Angela Joy.” Ang sabi naman ni Aeron.

“S-Sa…..a-akin?”

Hindi tuloy naiwsang mag-stammer si Angel. Ano naman kaya ang sasabihin ni Aeron sa kanya?

“A-Ah…..eh…mukhang seryoso ata ang pag-uusapan ninyo so maiwan ko muna kayong dalawa.” Ang sabi ni Bettina.

At bago pa man mapigilan ni Angel si Bettina ay tuloy-tuloy na itong umalis patungo sa kwarto nito kaya nakapagsolo sila ng binata sa salas.

“Hindi na kita kakamustahin dahil alam ko naming you’re doing fine. Gusto ko lang ipaalam sa iyo Angela Joy na natutuwa ako at narito ka na dahil masasabi mo na sa akin ang totoong dahilan kung bakit ka umalis noon.”

“Bakit sa akin mo itinatanong iyan? Hindi ba dapat ay ikaw ang mas higit na nakakaalam ng tunay na dahilan? Ikaw at ang mga kabarkada mo? You made my life a living hell.” Ang nasusuklam na pahayag ni Angel.

“Wait Angela Joy, hindi ko alam ang sinasabi mo.”

“Ha.....huwag ka nang makaila Mr. Sto. Domingo. Walang araw na hindi ako umiyak dahil sa sama ng loob. It was not my fault that I was an ugly duckling then. Bakit hindi man lang ninyo ako binigyan ng chance para mapabilang sa inyo?”

Ugly Duckling AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon