Ugly Angel

3.3K 30 1
                                    

PROLOGUE

"Mommy, sino po ba ang kamukha ko?" tanong ng batang Joy sa kanyang inang si Marissa.

"Bakit mo naman naitanong iyan anak? At saka itinatanong pa ba iyan? Ako ang nanay mo kaya ako ang kamukha mo."

"Eh, bakit ang sabi sa akin ng mga kaklase ko, maganda raw kayo? Baka raw hindi ikaw ang nanay ko."

Galit para sa mga kaklase ng anak at habag naman kay Joy habang pinagmamasdan siya ng kanyang ina. Hindi man direktang nagsasalita ang anak ay batid niya ang hinanakit nito sa kanyang kapwa bata. Madalas kasing maging tampulan ng tukso ang anak niyang si Joy sa eskwelahan.

Mahaba ang buhok ni Joy at itim na itim ngunit hindi naman kalambutan kaya may bansag din sa kanyang Joy alambre. Makapal ang tubo ng kilay nito na halos magtampo na sa pagitan ng dalawang mata kaya matapang tignan ang mukha. Medyo may kalakihan din ang ilong nito at dahil may mga sungking ngipin, bahagyang nakaangat ang labi. Sa madaling salita ay malayo talaga ang mukha ni Joy sa kanyang inang ligawin noong kabataan.

Ngayong isa na siyang dalagita ay dala-dala pa rin niya ang bansag na ugly duckling. Kung tutuusin ay hindi naman talaga maituturing na walang maganda sa dalagita.

Expressive ang mapupungay nitong mata, malalalim ang mga biloy sa magkabilang pisngi at natural na mapula ang labi, sumasapat ang ganda para makaakit ng lalaki. Bukod doon ay makinis at maputi pa ang kutis nito, resulta rin ng maingat na pag-aalaga ng inang si Marissa. At higit sa lahat ay nagtataglay siya ng magandang pag-uugali.

Nakakalungkot lang isipin na halos lahat ng kilala nila ay tumitingin lamang sa kagandahang nakikita sa mata.

At iyon ang lalong ikinasasama ng loob ng mag-ina, lalo na si Marissa.

"Huwag mong intindihin ang mga sinasabi nila sa iyo anak. Hindi nila naiintindihan na ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Iyon ay nasa puso, sa ganda ng kalooban. Lahat tayo ay magaganda sa panigin ng Diyos, lalo na kung ang kanyang bawat utos ay buong puso nating isinasabuhay. Hayaan mo na lang ang mga taong humuhusga sa iyo anak. Basta't para sa akin ay napakaswerte ko sa pagkakaroon ng isang anak na katulad mo. At natitiyak kong ganoon din ang sasabihin ng tatay mo kung nabubuhay pa siya."

Napapawi ang sama ng loob ni Joy sa tuwing naririnig ang mga salitang iyon ng kanyang ina. At pansamantalang nalilimutan niya ang hinanakit sa kanyang mga kaklase.

***

Author's Note

Hi guys! New story ko :) Itutuloy ko pa ba?

VOTE AND COMMENT

Ugly Duckling AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon