Chapter 3

726 14 0
                                    

***

"Jonathan Aeron Sto. Domingo!"

"Sabi ko na nga ba at kilala ko ang lalaking yun eh. It's been eight long years na hindi ko nakikita ang lalaking iyon pero ano't ganoon pa rin ang epekto niya sa akin?" Tanong ni Angel sa kanyang sarili

Napangiti si Angel nang maalala ang malaking pagbabago sa binata. Lalo naging gwapo ito ngayon. Pero ipinagtataka ni Angel kung bakit nandito sa New York si Jonathan.

"At saka bakit ganoon ang pagkatingin niya sa amin kagabi? Imposible namang nakilala niya ako dahil napakalayo na ng itsura ko ngayon sa Angela Joy na kilala niya at naging kaklase noon sa Infant Jesus Academy. Hindi na ako ang ugly duckling na lagi nilang niloloko noon."

Muling naiisip na naman ni Angel ang nakaraan.....

*Flashback*

"Alam niyo ba na ang tukso pala ng mga kabarkada ni Jonathan Aeron kay Angela Joy ay ugly duckling?" ang sabi ni Miss Amores sa iba pang teacher na nasa loob ng Faculty Room ng Infant Jesus Academy.

Hindu sinasadyang narinig ni Angela Joy ang sinabing iyon ng kanilang teacher sa Music habang lumalakad siya patungong library. Alam niyang labag sa kagandahang asal ang makinig sa usapan ng may usapan subalit sa pagkarinig ng pangalan ng lalaking tinukoy ng kanyang guro ay nanatili siya sa labas ng kwartong iyon.

Si Jonathan Aeron Sto. Domingo ay kaklase niya mula pa ng elementarya. Anak ito ng Gobernador ng kanilang lalawigan at ang ina ay kialalang mapagkawanggawa sa kapwa. Dala na rin marahil ng posisyon ng asawa sa pulitika.

Natatandaan niyang malimit siyang kausapin ng lalaki noon pero dahil nga sa alam niyang hindi siya maganda ay lagi siyang umiiwas sa lalaki dahil iniisip niyang pinagtritripan lang siya nito. Hindi rin niya kasi mapigil ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing mapapalapit sa kanya si Jonathan kaya mas pinipili niya ang lumayo.

At saka nag-aalala siyang makita ng mga kabarkada nito na nakikipag-usap sa binata dahil for sure na tutuksuhin siya. Pero makulit si Jonathan. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip kung bakit sa dinami-rami ng babae sa IJA ay siya pa ang napiling pagtripan nito.

"A-Angela Joy, o-okay lang ba sa iyo kung tayo na lang ang maging magpartner sa JS Prom natin?" ang minsang tanong sa kanya ni Jonathan Aeron month before ng kanilang JS Prom.

Sino ba namang matinong babae ang tatanggi kay Aeron? Bukod sa gwapo ay sikat pang basketball player ng IJA. Pero imbis na matuwa ay ganoon na lang ang galit niya rito dahil pakiramdam niya ay ininsulto siya ni Jonathan Aeron.

"Are you sick o gusto mo lang talagang pagtawanan ako ng lahat?" ang lumuluhang tanong ni Angela kay Jonathan Aeron

"Hey, bakit ka umiiyak? Kung ayaw mo ay....." Hindi natapos yung pagsasalita niya dahil nagsalita si Angela Joy.

"If you want to amuse yourself don't do it at my expense. At wala akong planong pumunta sa JS Prom na iyon."

Wala nagawa si Jonathan kahit na nagtataka siya, sinundan na lang niya ng tingin ang tumatakbong si Angela Joy. Tumigil lang siya sa pagtakbo nang malayo na siya. Nangingitngit pa rin siya kay Jonathan Aeron... ang ugly duckling.... kinukuhang partner ng campus crush ng bayan? Gusto ba nitong lalo siyang pagtawanan ng mga kaklase nila? At saka ang buong barkada ni Aeron... sa pangunguna nina Levin at Karrol, ano na lang ang magiging reaksiyon nila? Hindi ba't ang mga ito ang nagpapasama ng kanyang loob dahil sa mga pambubuska sa kanya?

Araw-araw ay iniiyakan niya ang mga panlalait ng mga ito sa kanya pero lagi naman niyang pinipigilan si Melyssa kapag gusto na ng kanyang kaibigan na kumprontahin ang mga ito. Ayaw kasi niyang mapaaway pa si Melyssa ng dahil sa kanya. Gusto niya ng katahimikan at kapanatagan ng loob kaya naman nagpasya na lang siyang tumigil na sa pag-aaral.

Ugly Duckling AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon