Chapter 13

597 17 0
                                    

***

Kakaiba ang husay na ipinapakita ngayon ni Angel habang lumalakad sa rampa suot-suot ang bagong ilalabas  na wedding gown ng HFM Collections.

Ang kanyang bawat paghakbang ay punug-puno ng sigla, pakiramdam nga ng dalaga ay talagang ikakasal siya kaya naman nangingislap ang mga mata niya habang lumalakad patungo sa kanyang naghihintay na groom, si Ervhin.

Katulad ni Bettina ay pinagalitan din siya ni Ervhin sa ginawang pag-alis ng Pilipinas ng walang malinaw na dahilan. Pero nang sinabi ni Bettina kay Ervhin na ito na ang huling pagrampa ni Angel dahil babalikan niya ang iniwang pag-ibig ay natuwa ito para sa kanya.

Gaya ng inaasahan, when Ervhin and Angel take their final vow tanda na tapos na ang fashion showm ay hindi magkamayaw ang lahat ng mga manonood sa pagbibigay ng support para kay Angel.

Nagpunta sa gitna ng stage si Mrs. Lindsay Cooper to thank everybody and also announce that ngel would soon be leaving HFM magazine. Kaya nalungkot ang ang lahat at pati na rin si Mrs. Cooper. Masaya na rin siya dahil another spectacular even ang mangyayari sa buhay ng kanyang modelo, ang ipaglaban ang kanyang pag-ibig,

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Mrs. Cooper ay may nag-abot kay Angel ng mga bulaklak.

Napaluha si Angel dahil alam niya kung kanino ito nanggaling. Nagtaka siya dahil may card na ngayong nakakabit sa bulaklak at lalong siyang lumuha dahil sa nakasulat doon na nakalagay ay Will you mary me?

Tuwang-tuwang itinuro ni Ervhin kay Angel kung saan naroroon si Aeron. Hindi pa man natatapos ni Mrs. Cooper ang mga announcement nito ay bumaba agad ng stage si Angel.

"I LOVE YOU, ANGEL. I'm sorry kung hanggang ngayon ay inaakala mo pa ring nasaktan kita noon pero I swear na noon pa man ay ikaw na ang naririto sa puso ko kaya hindi ko talaga magagawang saktan ka. Wala akong pakialam noong kung ikaw man ang ugly duckling ng ating school. Ikaw lang ang babaeng itinuring kong makapagpapasaya sa akin kaya naman kahit patuloy mo akong iniiwasan noon ay hindi ako nawalan ng pag-asa." madadaming sabi ni Aeron pagkatapis niyang salabungin ng yakap ang lumuluhang si Angel.

"I love you too, Aeron. Pero nasaktan ako nang labis ng hindi ka magpakita s aakin after what happend in the beach. Ang akala ko tuloy ay bahagi pa rin iyon nang pananakit mo sa akin, at hindi totoong mahal mo ako."

"I'm sorry sweetheart kung pinagdudahan kita. Nasaktan kasi ako nang makita ko kayo ni Ervhin na naghahalikan noon sa cottage. Hindi ko matanggap na after we made love ay nagawa mong makipaghalikan sa ibang lalaki. Kung hindi ako umalis noon ay nakagawa na ako ng isang bagay na maari kong pagsisihan."

"B-But w-we were just saying goodbye. Ervhin knew na ikaw ang mahal ko at buong puro niyang tinanggap iyon kaya naman when he asked me if he couldkiss me goodbye ay pumayag ako but it meant nothing."

"Yeah, I knew. Ervhin explained everything to me after I confronted him. Actually ay tinakot ko pa nga ang Kanong iyon eh. Iyon pala ay  hindi na kailangan dahil ako naman talaga ang love mo. Pero don't you ever dare do that again because I am very possessive lalo't pagdating sayo. Remember the incident at TONY's? I could have stangled him that night kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko."

"Bakit ka nga pala naroroon?" nagawang itanong ni Angel dito.

"Sinundan ko kayo gaya ng mga ginagawa ko when you started going out with him, watching concertsm dinning out, etc. Pero hindi ako nagpapakita sa inyo dahil he was really behaving well pero that night ay hindi ako nakapigil dahil alam ko na he was about to kiss you. At nagagalit ako sayo dahil mukhang gustong-gusto mo naman na magkahawak kayo ng kamay."

Napangiti si Angel dahil sa nga sinasabi ni Aeron. Pero hinayaan lang niyang magpatuloy ito.

"The day before na umuwi kayo ni Bettina ay naroon na ako sa Pilipinas. I told Melyssa about your plans of going home, that you would be suprising your mother. At natatawa ako sa iyo dahil gaya ng sinabi ni Bettina, ang lakas ng loob mo pero hindi mo alam na pag-alis mo ng Pilipinas noon ay napakarami ng naging developments."

"Pero teka, naalala ko ang sinabi ni Melyssa dati. Sino ang sinasabi niyang nagmamay-ari na ng puso mo?" tanong bigla ni Angel.

"Ikaw at wala ng iba. All our classmates ay alam iyon especially Melyssa, Levin and Kerrol. Pasensiya ka na kina Kerrol pero alam mo bang guilting-guilty pa rin ang dalawang iyon hanggang ngayon dahil sa mga ginawa nila sa iyo? Kahit nga ang iba pa nating mga kaklase eh."

"To tell you the trurth, ay wala na sa akin ang lahat ng iyon. Sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko ay tuluyan nang nabura ang mga hinanakit dito sa aking dibdib."

"Does that mean payag ka ng maging abay natin sila sa ating kasal? At papayag kaya si Mrs. Cooper kung bibilhin ko ang wedding gown na iyan? May palagay akong ikaw ang magiging pinakamagandang bride kapag isinuot mo ang gown na ito sa araw ng ating kasal."

"Bakit pumayag na ba?......ummmmp!"

Hindi na natapos ni Angel ang gagawin sanang pagbibiro niya kay Aeron dahil bigla siya hinalikan sa kanyang labi. At dahil iyon na rin naman ang gusto ni Angel kaya pumikit na lang siya upang namnamin ang tamis ng halik ni Aeron.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao naroroon pati na din sina Mrs. Cooper, Ervhin at Bettina.

Bakit nga ba nila nakalimutang marami palang tao ang nanonood sa kanila Hindi bale... baka naman ay nauunawaan ng mga taong ito na walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman nila ng mga oras na iyon.

It's just like a fairy tale.... The ugly duckling has turned into a beutiful swan.

THE END

****

A/N: THANK YOU SA MGA NAGBASA NG STORY NA ITO! :) KAHIT NA ANG TAMAD KONG MAG-UPDATE XD I LOVE YOU GUYS! :* SANA BASAHIN NIYO DIN YUNG MGA IBA KO PANG STORY! ^3^

****

Copyright © 2013 by HanaKwan Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of these stories may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Ugly Duckling AngelDove le storie prendono vita. Scoprilo ora