chapter 10

6 1 0
                                    

>>>

"Magreview kayo." Paalala ng last teacher namin for the day bago siya lumabas ng classroom.

"Kainis, exam na next week, gusto ko ngang humilata buong weekend." Si Chesca.

"Ay, sige una na ako, may work pa ako." Kumaway ako at tumakbo na palabas.

Tumakbo ako ng tumakbo, wala ng time para umuwi, didiretso na ako sa shop, may iniwan naman akong shirt at pants doon last time.

Wrong move, umulan. Wrong timing naman oh.

"Kainis." Sigaw ko habang tumatakbo, sa sobrang bilis kong tumakbo, naiwan na ang sapatos ko, hindi ko na kasi napansing nabadbad na pala ang sintas nito.

Isinuot ko ito uli, wala ng time para sumilong.

Habang isinusuot ko ang sapatos ko, medyo...hindi ko na naramdaman ang ulan sa likod ko, tumingala ako...nakita ko yong lalaki nakaraang araw, yong kapitbahay ni Chesca.

"Pareho tayo ng pinagtatrabahuan. Sabay na tayo." Malamig na sabi nito.

"Sige." Tanging nasabi ko.

"I left my car, kaya ito." He said. "Share ko lang." Dagdag nito.

I chuckled.

Lumakad kami, tahimik pareho, walang naglalakas ng loob na nagsimula ng usapan.

Nakarating na kami sa cafe...parehong mukhang basang sisiw.

Binigyan ako ng tuwalya ni Lidiya, at nagbihis na ako.

Maya-maya pa ay huminto na rin ang ulan.

Buti naman.

Nagtrabaho na ako, bati dito, bati diyan, ngiti doon, ngiti diyan. Nakakangalay.

Tinext ko nalang si nanay na uuwi ako ng late dahil sa trabaho ko.

Around 9:30 pm nag-end na ang shift ko. Naupo ako sa isang table at hindi nagtagal umupo na sa tabi ko si Lidiya.

"Sino yon?" Tanong ko at nginuso ang lalaki kanina.

"Ah, si Cian." Tumango tango ito. "Tahimik yan, napakatahimik, hindi sin madalas na makihalubilo sa mga kapwa niya workers." Dagdag pa nito.

"Halata nga, nasa gang ba iyan?" Tanong ko.

"Mukha kang gangster eh, sabi nga ng iba anak daw ng mafia, ewan ba." Salaysay nito.

Bumubulong lang ito, tila ba iniiwasang may makarinig ng sinasabi niya.

"Gwapo siya." Saad ko.

"Kaya nga eh, pero walang nagkakagusto sa kaniyang worker, parang hindi siya mukhang approachable eh. Nakakatakot." Kwento niya pa ni Lidiya.

"Mukha naman siyang mabait, tahimik lang talaga." Sagot ko.

"Ewan ko, hayaan mo na." Sagot nito." May exam na pala next week ’no? Kaya mo kayang ipagsabay ang trabaho at pagrereview? Sunday lang pa naman ang whole day mong free." Sagot niya, tila ba nag-aalala.

"I think, I can handle it naman. Don't worry." Salaysay ko.

"Oh, okay, basta always rest." Sabi niya. " I'll go ahead na, kunin ko lang ang gamit ko, I'm going home na." She said and waved.

Hays. Bata pa siya noong iwan ng tatay, ang nanay niya naman namatay sa aksidente, inaalila pa ito sa bahay ng tita jem niya.

Nakakaawa siya.

"Hey, don't look at me with pity in your eyes." Kumunot ang noon nito, palabas na pala ito. Hindi ko napansin.

I went home after an hour. It's 10:30 na. Tinext ko na din si mama.

War In BetweenWhere stories live. Discover now