chapter 8

10 3 0
                                    

>>>

“ O, sige alis ka na,” aba, pinagtatabuyan na ako?Tse. “Naiirita na ako sayo,” dagdag niya.

“Excuse me? Ikaw ang nag-aya sa akin na pumunta dito,” nagdadrama akong humawak sa aking dibdib.

“Sabi ko nga dapat hindi na ako nagsalita.” Saad niya at pinadaan niya ng daliri ang kaniyang mga labi, tila ba izinizipper ito.

Inirapan ko na lamang siya.

Tinalikuran ko na siya at bumaba na.

“Uuwi na po ako.” Paalam ko kay Lola Nena.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa aming bakuran, pagbukas ko ng pinto, inexpect kong salubungin ng isang sampal o sermon, pero wala. Nasaan kaya yon?

Bahala na. Nagluto ako ng pancit canton, hey, don't judge, taghirap ngayon. Habang kinakain ko ang aking niluto, biglang bumukas ang pinto. Revealing, mom… hand in hand with someone!?

Putangina, sino naman ito? Mukhang mayaman, sopistikado, at gwapo din.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at akmang lalakad na patungo sa aking kuwarto. Baka need nila ng privacy.

“Anak… halika,” tawag sa akin ni Mama.

‘Anak’ napahinto ako at natulala, hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Ang salitang iyan… hindi ko narinig simula pagkabata… ang sarap pakinggan.

Pinunasan ko ang aking mga luha at buong lakas na humarap sa kanila.

“B-bakit, Ma?” Tila ba tinutusok ang puso ko.

Lumapit ako sa kanila, marahan ang bawat hakbang parang umiiwas na gumawa ng kahit na anong ingay.

“Si… Astrio,” turo niya sa kaniyang kasama.

“U-huh?” Sagot ko at nagpamaywang, nagtataka sa inaakto niya.

“We’re… uhm, dating.” Sagot niya at napakamot sa ulo.

What the!?

“Uh, are you serious… about him?” I said, looking down.

Probably scared na baka after nito, hindi niya na ako kausapin.

Pfft… hindi ka na talaga kinakausap niyan, Ave.

“Oo. I love him anak.” Sagot niya at inilagay ang kamay sa balikat ko. “Sana…okay lang sa iyo.” Dagdag niya pa.

“O-of course,” I looked at Astrio. “Hello, I'm maeve.”
Nilahad ko ang aking mga palad na agad niya namang tinanggap.

“Astrio, your mom mentioned you earlier, you're prettier than I imagined.” He smiled as he shook my hand.

I smiled awkwardly. HAHAHA did she also mentioned na sinasaktan niya ako? Of course, not.

“Uhm, sige. I'll study na. Nice meeting you, Astrio.” I smiled again and walked off.

Okay, I need to calm down. Malay mo once na maging sila, Mom will stop hurting me, maybe Astrio will change her.

I took a deep breath and dialed Chesca.

[Oh… Ah… Is something wrong?] She answered, I can hear her panting from the other line.

Huh!? Anong nangyari?

“Uhm, yeah, may dinedate si Mama… I don't like him.” I said.

She pants again. [Baka… oh, first impression mo lang ya- Ah!] Sagot niya.

“Hello? Are you okay?” Tinanong ko na.

[Yeah, nothing to worry… oh, ah…]I swear, she was panting.

War In BetweenWhere stories live. Discover now