chapter 7

8 3 0
                                    

>>>

Naiiyak ako sa mga sinabi niya, ' you're a girl who deserves so much effort ', he really knew paano ako kunin eh, did he also research na madali akong makuha ng mga salita?

" Naiiyak ako sa sinabi mo ha, " sagot ko sa kaniya.

" It's true tho, you do not deserve to be treated like garbage and to be someone's rebound. " He made it clear.

He was good with words, really good. Natatakot tuloy ako na baka isang araw may iba na, na baka isang araw magbago na siya, baka isang araw paggising ko sawa na siya sa'kin. Natatakot akong baka hanggang salita lang din siya, baka isang araw iba na siya sa unang pagkakilala ko sa kaniya.

I looked at him with admiration, love, caring, and fear. Nakakatakot lang isipin na pwede siyang umalis sa tabi ko anytime he wants. I set my thoughts aside and just focused on our date.

We talked about things related sa studies namin, then my phone rang. I took it out and sighed. It was Chesca.

" Excuse me, sagutin ko lang ito." I excused myself and went into a silent corner and answered it.

" Problema mo?" Bungad ko.

[ How did you solve this mathematical equation? I'm confused eh!!] Parang umiiyak siya.

" You interrupted my date. Mamaya nalang iyan pag-uwi ko, natapos ko na 'yan nakaraang araw eh, siguro naman nakauwi ka na, hindi ka naman siguro mags-stay ng ganiyan katagal sa bahay nila Sean, di'ba? " Tuloy-tuloy kong saad.

[U-uhm, yeah, sige laters nalang,] rinig na rinig mula sa kabilang linya ang pagliligpit niya, for sure uuwi palang iyon. Tsaka bakit hindi siya magpaturo sa baby niya, eh tutulungan naman siya n'on?

I went back to our table but he was nowhere to be found. I sat down, devastated, thinking na maybe naturn-off siya sa'kin, ito na nga bang sinasabi ko.

" Oh, sorry, nagbanyo lang ako. Didn't expect for you to comeback so fast, 'di mo tuloy ako inabutan dito. " He said, wiping his hands with a tissue served for us.

Phew. Hindi naman pala siya umalis, nagbanyo lang, ang oa mo naman mag-isip Maeve. Masyado ka ng walang tiwala.

" Anyway, may emergency call akong natanggap, so i'll head home na, " paalam nito.
" Also, the bill is paid na, see you on weekend Maeve. " He said, smiled at me and waved goodbye.

I smiled and waved back at him, okay it's time to head home na 'rin.

I was walking through the door when I heard someone calls my name, so I went closer to her.

" Bakit, Lidiya? " Tanong ko.

" Ka-date mo pala si Vance. " Panimula nito, nakatingin ng diretso sa mga mata ko. " Ingat ka diyan sa kanya ha? He's all words, and he is a cheater. " Sabi niya sa'kin bago ako tinalikuran.

Problema n'on? I ignored all the things she said kasi malay mo sinisiraan niya lang sa'kin si Vance. Baka may gusto siya kay Vance at nagseselos siyang makita kami on a date, tapos sinisiraan niya lang sa'kin si Vance para once na maghiwalay kami, magiging sila. Wala, ganiyan kasi ang mga nababasa ko sa libro.

I went out at mag-abang na ng jeep pauwi, hindi naman ako susunduin ni Sean eh. Sumakay ako ng jeep at nagbayad na kaagad. Habang nasa biyahe, napansin ko iyong barista kanina ay nakatingin sa akin. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin, siguro napansin niya nakatitig din ako sa kaniya. Tinakpan ko na lamang ng shoulder bag ang hita ko.

" Para po," sa tapat ng bahay nila Chesca ako bumaba, since tuturuan ko pa ito sa math. Napansin kong bumaba din ang lalaki kanina, lumampas lamang siya sa akin at nag-diretso sa katabing bahay nila Chesca. I shrugged and went inside.

" Nasa taas si Chesca, ija." Saad ni Aling Nena, ang lola ni Chesca, nagmano ako sa kaniya. Nagpasalamat ako sa kaniya at tinahak na ang hagdan paakyat. I knocked on her door, three times, before she opened it.

She was wearing a black pants and an oversized t-shirt. Her room was painted in two different shade of pink, she loves pink so much, even her desk is color pink.

" Tara na, tuturuan na kita." Kinuha ko ang notebook niya at isinulat ang formula.

I explained everything to her and asked her a few questions just to make sure na she understands it clearly. Luckily, she did. She went into the kitchen to grab us snacks and I waited in her room.

I scanned my eyes through the whole room. In her bedside table is a picture of us graduating from junior highschool and there's another picture frame, hanged above her small mirror, it's a picture of the three of us on our first day in senior high. We look so carefree in the photo.

'' Pa-picture tayo diyan kay kuya oh' suggest ni Sean, walang hiya talaga itong taong ito.

'Kuya pwede po mag-papicture?' Tanong ni Chesca.

Pinicturan kami ni kuya, nakailang pose na kami pero hindi pa rin nagpa-flash ang camera, naiirita na nga ang mga kasama ko habang ako natatawa. Problemado na rin kasi si kuya.

'Bakit hindi pa nagpa-flash kuya?' Nilapitan ito ni Chesca.

'Hindi ko alam kung paano gamitin miss eh,' napakamot sa batok si kuya. 'Hindi niyo kasi sinabi kung ano ang pipindutin eh, ' reklamo nito.

Memories of our journey together flash through my head. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami magkopyahan during junior high, kung paano kami mag-cutting para lang mapanood ang episode ng paborito naming palabas. Oh, to be back just to experience that once again.

" Huy, sino palang ka-date mo earlier?" Tinanong ako ni Chesca, bigla akong bumalik sa ulirat ko.

"Vance," I replied. "He's so perfect." Pahabol ko.

Her smile fade the moment I told her na I was on a date with Vance.

" Are you sure about him? Are you ready to take the risk once again?" She suddenly asked me.

Are you ready to take risk? Ready na ba akong mag-risk ulit? Susugal na ba muli ang isang Maeve? Handa na ba ako para sa mga consequences o pagsubok na aming haharapin? Tsaka bakit ko ba ito iniisip, eh hindi pa nga siya nanliligaw? Parang baliw naman ito.

" Ang advance ha, first date palang namin kanina," tumawa ako.

" Tinatanong ko lang naman, baka kasi kapag dumating 'yong araw na manligaw siya at maging kayo ay hindi ka pa pala handa." She reached for my hand and caressed it with her thumb. " Bago mo pa lang siya nakilala, hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero, mas mabuti na itong inaalam muna at kinikilala ang taong mamahalin. Huwag basta-bastang bumigay, 'wag ialay ang lahat sa kaniya, matutong magtira para sa sarili mo," she said and smiled at me.

Am I ready to risk it all again? For him? For my love? Wait, is it love or just infatuation?

War In BetweenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu