chapter 11

4 1 0
                                    

>>>

"Sige, bye, ingat ka." Kumaway ako sa kaniya.

"Bye, ingat ka, I've had so much fun today." Ngumiti naman ito bago pinaandar ang sasakyan at umalis na.

Pumasok akong nakangiti.

"At bakit nakangiti ka?" Tanong ni mama na ikinagulat ko, bigla-bigla ba namang magsasalita.

"N-nagbeach po kasi...kami." Sagot ko.

"Ah ganon ba. Siguraduhin mong hindi ka babagsak niyan, talagang palalayadin kita dito, hindi ako nagtatrabaho para magbulakbol ka." Sagot nito bago umakyat sa kaniyang kuwarto.

Akala ko ba okay na kami? Putangina, akala ko ayos na kami? Akala ko na nagbago na siya? Well, it's free to dream naman, Maeve.

I slept na after that. Exam na bukas, nakapagreview na din ako so, feeling ko hindi ko naman ibabagsak.

Vance Logan
good luck sa exam, baby

"Okay, girl, are you ready?" Tanong ko kay Chesca.

"Ready? Amp, ayokong mag-exam tapos tatanungin mo'ko kung ready na ako? Hindi, hindi pa ako ready bumagsak." Sagot ni Chesca.

"Ulol. Hindi ka ba nag-review?" Sagot ko.

"Hindi, pero nagdasal ako, sana effective." She crossed her finger.

Akala mo talaga papasa eh. Joke lang.

"Okay, I will be distributing the test paper, ayokong may makitang ibang gamit except sa ballpen or lapis sa ibabaw ng inyong desk, and keep your eyes on your own paper." Paalala na ma'am bago ipamigay ang test papers. "Get one and pass." Dagdag pa nito bago isinuot ang kaniyang salamin at umupo.

Shit. Hindi ko na ito maalala, nagreview naman ako ah? Kainis bahala na. Guide me my pen, ikaw na ang bahala sa akin.

Nanalangin ako habang nagsasagot, grabeng utak ito, kakareview ko lang nito pero yong goodluck ni Vance ang naalala ko.

Vance, umalis ka na sa utak ko, ayoko na sayo, lumayas ka.

Nagfocus na lang ako sa mga question at sinubukang alahanin ang mga nireview ko, so far mayroon naman akong naisagot, nakatulong naman ang pagfocus.

"Wooh!!! Natapos din ang unang pagsubok, tangina, first exam Math agad, edi tuyo agad ang utak." Saad agad ni Chesca pagkatapos na pagkatapos ng exam.

"Words, Ms. Aliyah Franchesca Biolina." Mayalim na tiningnan ng guro namin si Chesca.

"Peace maam." Sagot niya at nahihiyang tumawa. "Epal naman." Bulong pa nito.

"Gago." Tawa ko.

"May naisagot ka sa exam?" Tanong niya.

"Aba malamang, paano matatapos kung wala akong nasagutan?" Sarkastiko kong sagot.

"Aba, gago ito ah, wag mo'kong simulan, mainit ulo ko." Umirap ito.

"Bakit? Wala kang naisagot ’no?" Inaasar ko ito.

"Mayroon naman, pero hindi ako sure kung papasa ang score ko o pasang awa lang." Sagot nito at tumango-tango.

"Papasa ka." Humawak ako sa balikat na at tinapik ito.

"Wow, thank you ha!? Siguraduhin mong papasa ako kung hindi, susunugin ko bahay niyo." Sagot nito at akmang sasapakin ako.

"Sige lang, sunugin ko cellphone mo." Sagot ko.

"Huwag, alam mo namang hindi ko kayang mabuhay ng walang cellphone diba? Buhay ko na iyan teh, mawala na ang lahat-lahat pati ikaw wag lang ang cellphone ko, that is my lifeline, that is my everything, that is my source of oxygen." Sagot naman nito at humawak pa sa ulo, tila umaarte sa isang teleserye. Pinipilit pang umiyak.

War In BetweenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora