14

16 1 0
                                    

Cylene's POV


Babalik ako at maniningil.


It was covered with blood at ang paligid ng vault ay may dugo.


"Pinagloloko mo ba kami, Kaiden??? Akala ko ba sabi mo patay na si Ate Maureen?" galit na sabi ko.


"Hindi pa ako patay, Cylene."


Nagulat kami nang may biglang nagsalita sa likuran namin. Parang familliar 'yung boses. Paglingon namin ay tama nga kami.


It was Ate Maureen. Ate Maureen is alive.


"Maureen???!!!" sabay naming tanong nang makita namin si Ate Maureen na nakatayo sa harap ng hagdanan.


Nakakulay red na dress ito. It was the same dress she wore nung nag party siya. Nakatayo lang siya dun at may dalang hand-bag.


Andaming nagbago sa looks ni Ate Maureen. Mas gumanda siya ngayon at straight na rin ang buhok niya na dating wavy. Nagulat kaming lahat dahil kahit nagbago ito ng kaunti ay kitang-kita pa rin sa mukha niya ang dating siya.


"Oo, ako nga. Si Maureen Janna Lopez. Ang dalawang buwan nang nawawala." sabi nito at napatahimik na lang kaming lahat at hindi pa rin nagsi-sink in sa utak namin ang nangyayare.


To the point na iniisip kong panaginip nanaman 'to pero hindi eh. It's real.


"Maureen, anak. Buhay ka!" sabi ni Mom habang papalapit siya kay Ate Maureen at niyakap niya ito at niyakap rin niya pabalik si Mom. Nag-iyakan sila.


"Maureen, anak." sabi ni Dad at nginitian siya ni Ate Maureen.


"It's good to see you alive, Maureen." sabi ni SP01 at ngumiti agad si Ate Maureen sa kaniya. Probably namukhaan niya si SP01.


"M-Maureen, buhay ka nga." sabi ni Kaiden pero sinamaan lang siya ng tingin ni ate.


"Yeah, i'm wearing a red dress. The same red dress i wore the last time i was spotted alive. Do you get déjà vu, Carmilla?" Ate Maureen said nang nakataas lang kilay.


"Maureen! I missed you." sabi ni Carmilla habang paiyak na pero tinignan lang siya ng masama ni Ate Maureen.


"I'm sorry, Carmilla. But i don't missed you." sabi ni Ate Maureen kaya nagtaka kaming lahat.


"Let's just say na, bumalik ako para maningil. Bumalik ako para pagbayarin kayo." sabi ni Ate Maureen habang nakatingin kay Carmilla at Kaiden.


"Ano ba'ng sinasabe m-" putol na sabi ni Carmilla.


"Shut up, Carmilla! stop pretending." sigaw ni Ate Maureen sa kaniya.


Nagtitigan sila ni Ate Maureen at nagsimula na ring tumulo ang mga luha niya. Nasasaktan akong tignan siyang ganun dahil ganun ang mukha niya noong nakita ko siya sa panaginip ko. Puno ng sakit at galit.


"Why, Carmilla? Pa'no mo nagawa sa'kin 'yun?" her voice cracked. "Naging magkaibigan tayo for like more than a decade yet you still betrayed me." pumiyok si Ate Maureen.


"Naging mabuti naman akong kaibigan sa'yo ah? Anong ginawa ko sa'yo at ginawa mo 'yun sa'kin nang wala akong kamalay-malay?" tanong ni Ate Maureen sa kaniya pero umiyak lang si Carmilla.


Unti-unting lumapit si Carmilla kay Ate Maureen at hahawakan niya sana 'yung mga kamay ni ate pero winaksi ito ni Ate Maureen.


"Anong nangyare ate? please tell us. Naguguluhan na kami." i said and she nodded.


"I will explain that later on. But before that let's put these two in jail!" sabi ni Ate Maureen at hinatak na ni SP01 si Kaiden at Carmilla pero mukhang nahihirapan si SP01 kaya tumulong kami.


Punong-puno ng galit ang mga mukha namin dahil sa ginawa nila. Nandito na si Ate Maureen sa'min pero hindi namin alam kung ano talaga ang tunay na nangyare. At kung buhay nga naman talaga siya, bakit hindi namin siya nakita?


Bakit hindi siya nagpakita?


Idinala na sa presinto sina Carmilla at Kaiden para interviewhin ulit. Doon na sila magpapaliwanag ng side nila, for now ang mahalaga sa'min nandito na si Ate Maureen.


Nang makaalis na sila SP01, Dad at Cameron ay niyakap namin si Ate Maureen.


"Ate please, explain to us anong nangyare?" i asked at umupo na kami sa sofa sa living room.


"'Di ba nag party kami? May lumapit na misteryosong lalake na magpasahanggang ngayon ay hindi ko matukoy. Lumapit siya sakin at kinausap ako. He's attractive and neat so hindi ako nagexpect na masamang tao pala siya. Nung uminom ako nung wine ay dun ko na napansin na parang nahihilo ako at bigla na lang ako bumagsak. Nagising ako sa sasakyan niya at dun nakita ko may dalawang lalake na kinausap niya sa labas ng kotse. Pagkatapos nun ay hinila ako ng isang lalake palabas ng sasakyan. I know there's something on that wine kaya nanghihina ang katawan ko at hindi ako makalaban. They raped me. I was screaming for help but i know na walang nakarinig nun." she said and sobbed.


"But don't worry, everything's fine. Aayusin ko na ang lahat ang magbabayad ang dapat magbayad. Sisimulan ko 'yan kay Carmilla at Kaiden. Dahil mabubulok na sila sa kulungan." Ate Maureen said.


"But how? wala pa rin tayong sapat na ebidensiya, Ate." i said.


"Don't worry, Tita Agnes and I have an evidence." she said and tapped my shoulder. Ngumiti lang si Tita Agnes sa'min pero nagtaka lang kami.


"Anong ibig mong sabihin, anak?" tanong ni Mom.


"Yeah Mom, ikukwento ko lahat sa kung paano ako nakatakas sa kamatayan." she said.

Maureen Is Missing!Where stories live. Discover now