10

6 0 0
                                    

SPO1 Antonio Juarez's POV


Magto-two months na simula nung nawala si Maureen Janna Lopez.


"Kape muna oh, SPO1!" approach sa'kin ng kasama ko dito sa police station na si Miguel.


Tumango lang ako at tinanggap ang kapeng binigay niya sa'kin.


"Oh, ba't ang lalim ng iniisip na'tin, Chief?" tanong ni Miguel sa'kin pero nakatulala lang din ako.


"Ahh, 'yung kaso na naman po ba 'yan ni Maureen Janna Lopez?" tanong ulit nito nang mapansing hindi ako sumasagot. Tumango lang ako at uminom ng kape.


"Magpasa-hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng pamilya niya ang katawan niya. Maaaring patay na nga ito pero hindi natin alam kung ano talaga ang totoo. Kung patay na ito ay edi sana nahanap natin ang bangkay, hindi ba?" tanong ko pabalik kay Miguel at tumango naman siya at napaisip din.


Para sa'kin, alam kong may hindi tama rito eh. Hangga't hindi namin nahahanap ang katawan ni Maureen ay hindi pa rin ako maniniwala na patay na nga ito.


"Eh, pa-pa'no na 'yan chief?" tanong ni Miguel sa'kin habang ako naman ay nakatulala pa rin at pinaglalaruan ang ballpen.


"Kailangan kong hingan ng pahayag lahat ng mga malapit sa buhay ni Maureen. Kailangan matapos ang kasong ito." sabi ko at sumang-ayon naman si Miguel sa'kin.


Desidido akong tumulong sa pamilya ni Maureen, dahil naging kaibigan ko na'rin siya. Naging kaklase ko siya noong high school kaya nung nalaman ko ang nangyare sa kaniya ay kinuha ko agad ang kaso, ako ang tatapos sa gulong ito.


Hintayin mo'ko, Maureen. Hahanapin kita.



Tumawag ako sa pamilya ni Maureen na papuntahin sa police station ang laha ng mga kakilala mapa-kaibigan, kasintahan, dating kasintahan, tito, at tita. Kailangan kong hingan ng pahayag ang mga ito para maliwanagan ako.


Pumunta naman sila dito at kompleto.


Naandito din ang mga magulang ni Maureen kasama nila ang dalawang tita ni Maureen na si Agnes at Alice. Kasama rin kaibigan nitong si Carmilla.


Pero bigo kaming mahanap ang dating kasintahan nito dahil ang sabi ng pamilya niya ay huli na daw nang malaman nilang may dating kasintahan si Maureen.


"Okay, simulan na'tin sa'yo. Carmilla." sabi ko at tumango naman siya..

Maureen Is Missing!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz