4

15 3 0
                                    

Cylene's POV


"Ate?" i said while i was shocked nung nakita ko si Ate Maureen na nakatayo sa harapan ko sa loob ng kwarto. Nakasuot siya ng pulang bestida, iyon ang suot niya nung huli siyang nakita sa CCTV.


Ngumiti ito sa'kin. Ngumiti rin ako pabalik at halos mangiyak-ngiyak ako sa tuwa na makita siya ngayon. She looks so pale pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya. Straight ang buhok nito.


"Ate, sa wakas...Bumalik ka!" masigla kong sabi at ngumiti naman siya at tumango.


Nang tumagal ay napansin kong unti-unting nawala ang nakaka-awa niyang ngiti kanina at napalitan ito ng nakakapangilabot na ngiti. Para akong himatayin sa takot nang makita ko ang itsura niya na unti-unting nasira. Dumudugo ang buong mukha niya. Natatakot na ako at napaiyak na lang.


"A-ate. Anong nangyare s-sa'yo?" sabi ko habang naginginig sa takot. Hindi na ako matigil sa pag-iyak nang makita ko ang mukha niya. May dugo na dumadaloy mula sa ulo niya.


Tinignan niya lang ako ng masama at punong-puno ng galit ang mga tingin nito sa'kin. Nanginginig na ako pero parang hindi na makagalaw ang katawan ko. Nagsisigaw na ako pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.


"Tulungan mo ako, Cylene!" sigaw nito at nage-echo sa buong paligid at nabibingi ako nito.


"Tulungan mo ako, Cylene!" sigaw ulit nito pero this time mas malakas na ang pag-sigaw niya at palapit na siya ng palapit sa'kin.


"Tulungan mo ako, Cylene!" sigaw nito pero this time umiiyak na siya at parang may humihila sa kaniya palayo. Inilahad niya 'yung kamay niya pero hindi ko ito maabot dahil hindi makagalaw ang katawan ko.


Nakikita ko siyang umiiyak at nagmamaka-awa sa'kin na tulungan ko siya pero hindi ko magawa.


Nanginginig na ako sa takot at napapikit na lang. Ang sakit-sakit nung nakita kong nagmamaka-awa siya sa'kin.


"Cylene! Gising, anak binabangungot ka!" pag-alog ni Mom sa'kin.


Nagising na lang ako habang hinahabol ang hininga at dun ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko.


Niyakap ako ni Mom sa ulo habang umiiyak ko. "Mom, s-si Ate Maureen. Nagpakita siya sa'kin, she said she needs a help." i stuttered and crying.


When i mentioned her name napa-iyak na rin si Mama.


I know myself na panaginip lang 'yun pero alam ko din na magbibigay siya ng mensahe sa'kin. I cried again after that realization and guilt. Nagi-guilty ako na wala akong magawa para tulungan siya.


It's been a week since Ate Maureen declared missing. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, but i know i have to do something. I have to find everything out.


I know myself that there's something fishy going on there. Maraming nagsasabi na baka nag-tanan lang si Ate, pero i know na may hindi normal na nangyayare.


I've come up to this idea na pupunta ako dun sa Villa to investigate out by myself, or with Cameron.


Since summer naman and may 2-months school year break kami so pwede kaming tumira dun.


"Are you really sure about this?" my mom asked.


"Ma naman eh, wala pong mangyayare kung naghihintay lang tayo dito. Kung hindi tayo gagalaw wala talagang mangyayare. One week na since ate was declared missing yet wala pa rin tayong natatanggap na balita kung nasaan na siya." i almost cried while i said that. I'm desperate at hindi na ako mapakali. I know my sister needs my help. Nararamdaman ko 'yun.


"Pero anak, masyadong delikado!" my dad said.


"Dad, wala na akong pakealam! Habang buhay kong dadalhin ang konsensya ko kapag hindi ako kumilos. Kailangan ako ni Ate. I know na kahit panaginip lang 'yun ay may gusto siyang ipahiwatig." sabi ko and pinunasan ko na 'yung mga luhang dumadaloy sa mukha ko.


Lumapit ako kay Dad at niyakap siya. "Please Dad, ibigay niyo na sa'kin 'to. I will be safe." pagmamakaawa ko.


Umalis na ako sa pagkakayakap at nakita kong tumulo ang mga luha niya. Yumuko siya dahil nahihiya siyang ipakita ito, pero alam kong nasasaktan din siya.


"Basta mag-ingat ka anak ah. Ingatan mo 'yung sarili mo. D-dahil..." putol ang pagkasabi ni Dad at pinunasan niya 'yung luha niya.


"Dahil ayoko nang mawalan pa ng anak." his voice cracked and it melted my heart.


Now i understood kung bakit grabe sila maka-protekta sa'kin. All this time, i've been wishing na sana nagkaroon ako ng parents na hindi gan'to kahigpit pagdating sa'kin.


Pero now i've realized how lucky i am to have a parent like them.


"I promise Dad. Mag-iingat ako. At magbabayad lahat ng kailangang magbayad." he said.


Lumapit lang ako sa kaniya at niyakap siya. I gave them the assurance na magiging okay lang ako at mag-succeed ako.


Biglang pumasok si Cameron sa bahay. "I brought Cameron here, sasamahan ka niya." my Dad said and tumango lang ako. Okay na din na may kasama ako dito.


Nagtitigan muna kami ng ilang segundo ni Cameron at ngumiti kami sa isa't-isa. Sunod umakyat na kami sa itaas at tinulungan niya akong mag-impake para maka-alis na kami bukas. Ready na rin ang mga gamit niya.


"Buti pumayag sa ka favor ni Dad?" sabi ko pero ngumiti lang siya habang nilalagay sa maleta ko 'yung mga gamit ko.


"Oo naman, tsaka ayokong iwan ka dun 'no. Ikaw lang mag-isa dun, eh kung may mangyare sa'yo?" paninigurado nito kaya nginitian ko lang siya.


He's always so caring to me......


Kinabukasan ay nakahanda na lahat ng gamit namin at pinapasok na ito sa sasakyan, si Cameron ang magdadrive at sinend lang ni Dad sa'min ang address ng villa dahil dun na kami titira ni Cameron pansamantala habang magmamatyag.


Pagkarating namin dun ay namangha kami, tunay nga namang maganda ang villa. Napakalaki at Napakalawak nito actually at napaka-modernized ng bahay.


"Wow! Ang lawak ng spaces oh." namamanghang sabi ni Cameron na parang bata kaya tinawanan ko lang siya.


Pag-akyat namin dun sa second floor ay napansin ko agad ang isang malaking painting na nakasabit sa malaking pader. It was Ate Maureen's favorite painting.


I immediately remember her....


Nung nilapitan ko ito ng bahagya ay nagtaka ako dahil mayroon itong isang guhit na basag sa gilid nito. Mayroon ding kaunting gasgas sa left-side ng frame.

Maureen Is Missing!Where stories live. Discover now