KABANATA 9- Glimpse of Yesterday

3 2 0
                                    

"Bakit dumilim ang paligid?" sabi ko pagkahawak ko sa malaking pulang box naaninag ko iyon dahil sa tingkad ng pagkapula niya parang binalot ng dugo na sobrang makinang.

"Mama, Papa! Ate! Kuya!" halos tawagin ko na lahat ng tao na kanina lang ay nasa paligid ko bago dumilim ang paligid. Nagka-brown out kaya? Bakit wala akong marinig na nagsisigawan o anumang boses ng mga tao?

Naglakad ako ng naglakad naghahanap ng liwanag. Kukunin ko sana ang phone ko sa aking bulsa dahil doon ko lagi inilalagay pero wala akong nakapa.

May natanaw akong pintuan na maliit bukas ito at may liwanag ng araw. Dali-dali akong tumakbo papunta dito. Ngunit ibang lugar ang aking nakita hindi ito sa venue ng debut ko. Ibang -iba talaga makaluma, parang probinsya  pero alam ko nasa manila ako. Hala ano to time travel ahaha.

"Nananaginip na naman ba ako?" pagsampal at kapa ko sa sarili ko. "Buhay naman ako hindi kaya nababaliw na ako?"sabi ko sa aking sarili.

May nakita akong isang babae na nakatayo sa gilid at parang may inaabangan. Kakaiba naman ang suot nito napakahaba ng damit nito at nakapusod ang buhok.

"Hello po ate, puwede po ba akong magtanong kung saan lugar ito?" tanong ko.

"Buenos días, qué puedo hacer por usted?" sabi nito sa akin sa ibang lenggwahe. Jusko wala bang translation need ko now huhu.

Kaagad na lang ako nagpasalamat at umalis kahit hindi naman niya ako naintindihan sa sinabi ko. Hala! Nasaan ba talaga ako.

Napansin ko na napapatingin ang mga tao sa akin. Siguro ay dahil iba ang kasuotan ko sa kanila. Para kasi silang may event na pupuntahan mga naka-blaser at maong ang mga lalaki at ang mga babae naman ay nakamahabang bestida.

Samantalang ako ay nakapang-iksi na damit at mini skirt. Sa paglalakad ko ay may natanaw akong isang babae at lalaki na naglalakad ng mabagal, sandali silang tumigil sa gilid at nakita ko ang mga mukha nila naka-sideview.

Napakapamilyar nito sa akin kaya sa kuryosidad ko ay sa kanila ko naibaling ang atensyon ko.

Nagsusubuan sila ng pagkain hindi ko alam kung ano iyon pero puti ito at nakalagay sa dahon mukhang masarap sa bagay lahat naman ng pagkain ay masarap sa akin. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang ito ramdam ko na puno sila ng pagmamahalan.

Nagpatuloy ako sa pagtanaw at pagsunod sa kanila. Ewan ko ba hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinag-aaksayahan ko ito ng oras.

---***

Hanggang sa mapunta sila sa isang lumang kubo na may 2nd floor simple pero napakaganda nitong tignan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero sobrang pamilyar talaga ng bahay na ito. Nakita ko na ito dati pero bakit hindi ko maalala? De javu?

Kung ikukumpara ko nga ito sa mga bahay kubo sa paligid nila ay ito yung bukod tangi na napakalaki at maganda ang pagkaka-disenyo. Parang mansyon sa panahon natin.

Nang hindi sadyang mapaharap sa direksyon ko ang babae ay halos mapabalikwas at napapunas ako ng mata ko sa tinataguan kong puno sa hindi kalayuan sa kanila.

"Bakit kamukha ko yung babae?!" gulat na tanong ko sa sarili. Kuhang kuha niya ang shape ng katawan ko! Siguro ay mas matanda ito ng 5-10 taon sa akin.

"Teka may ate ba ako? May hindi ba ikinukwento o may inililihim ba sa akin sila mama at papa?" para naman kasi akong nananalamin nito. Ganito pala ang feeling na may makita ka na kamukhang kamukha mo sa personal.

Iba kasi kapag sa internet mo lang nakita kaysa sa personal eh. Nakakataas balahibo naman ito.

Para kong pinapanood ang sarili ko.
Sa sobrang curious ko ay lumapit ako dahan dahan sa kubo buti at bukas ang bintana sa unang palapag  kaya may chance ako na makita ang loob.

Pinapanood ko lang sila dalawa sa ginagawa nila. Mukha na nga akong nagmamanman na kabit o magnanakaw dito jusko sana walang makakita sakin.

Hanggang sa napansin ko na m-may balat siya! I mean same kung saan may balat din ako. Bandang hita ito, nakita ko dahil nagpalit ng kasuotan yung babaeng kamukhang kamukha ko hindi kaya doppleganger ko nga ito? Hala mamamatay na ba ako?!

Kasi sabi nila delikado daw na makita mo yung kamukha mo eh. It means may dark meaning iyon.

At eto ang hindi ako makapaniwala napaharap yung lalaki sa direksyon ko pero sa babaeng kamukha ko ito nakatingin.

At...

Siya...

Hindi ako pwede magkamali...

"Y-yung n-nakabangga sa akin sa school last year! S-siya iyon!" napalakas pala ang boses ko kaya napalingon ang dalawa sa direksyon.

Nakapagtago naman ako kaagad. Buti at hindi ako nakita. At dali dali akong lumayo sa bahay na iyon. Takbo lakad ako dahil baka maabutan ako.

Napakaraming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon. Gulong gulo ako sa nangyayari.

Nagsimula lang naman ang lahat ng ito nung nagsimula ako sa college at mas tumindi pa noong papalapit na ang 18 na kaarawan ko.

Hindi ko alam bakit ako lumalayo halos naiiyak na ako imbes na harapin at tanungin ang magkasintahan kung sino sila at bakit ko kamukha yung babae at bakit kamukha iyon ni Paul? K-kaso baka hindi nila ako maunawaan.

Or worse natatakot ako sa pwede nilang magawa lalo na mukhang hindi ko ito panahon. Ngunit hindi nga ba??

---***

Naalala ko yung naputol na sinabi ni Paul nung nasa bahay namin kami. Nag-flashback sa akin yung sinabi niya kung gusto ko malaman ang totoo, alam ko kilala niya ang lalaking nakabangga at nasa panaginip ko at ngayon nasa harapan ko na at tinatakasan ko. K-kailangan ko makausap si Paul.




"Sino ba talaga ako? B-bakit ako biglang napunta dito sa lugar na ito?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ENDLESS LOVE - Where stories live. Discover now