KABANATA 6- Play in Love or Fall in Love?

7 2 0
                                    

"Say ahhhhh" sambit ni Buli habang pilit na isinubo kay Ytang ang kwek-kwek na mainit at kaluluto pa lang. Agad kaming naghiyawan sa kilig at pang-aasar sa dalawa.

"Bw*sit ka bumalik ka dito! Ungg*y ka!" sigaw ni Ytang habang paikot-ikot na naghahabulan sa harap ng mall papunta dito sa kinakainan namin na tusok tusok sa gilid. Buti at hindi maarte mga kaibigan ko sa pagkain at basta daw pagkain kakain mamahalin o mumurahin yan lahat, huwag lang daw basura ah ahaha.

Mula nung naging komportable na pakiramdam namin sa isa't-isa eto kami para kaming mga bata at bumubuo ng fake couple sa loob ng barkada namin. Para naman kapag stress sa academic ay libangan namin isa't-isa. Kung sino naisipan namin i-ship ay yun ang pagdidiskitahan namin.

"Nako, ganyan na ganyan ang mga Lolo at Lola namin dati!". Sigaw ni dang sa dalawa na ngayon ay biruang nagpipisikalan.

"Lolo at Lola na tawag namin sa inyo ah bawal pumalag! Ang pumalag inlove" sabi ni majo kila Ytang at Buli.

"Oo nga, kayo na ang unang love team sa barkada natin, Nako sino kaya susunod na Mami at Dadi?" pagpaparinig ni Vyvy sabay tingin samin ni Paul.

"Wag ganyan ilipat niyo ang tingin kila Chay at Dang oh! Ang sweeeeettt!" sabi ko. Pero totoo naman para nga sila mag-jowa na dahil hindi mapag-hiwalay eh.

"Ipapasa niyo sa amin eh kayo nga bagay ni Paul" bawi ni Chay.

"Tara na nga papa Chay baka ano pa masabi mo diyaan!" agad na hila na may lambing ang boses at akbay ni Paul kay Chay.

"Eeeww" sabi ni Dang sa dalawa.

Pumasok na kami ng mall at nag-window shopping. Narating namin ang palaruan kung saan mayroon mga Videoke, basketball-an, claw machine at iba pa.

"Mukhang may tambayan na tayo na malapit sa school kapag mahaba vacant natin ah". Sabi ni Jean. Himala nagsalita na din. Siya kasi ang pinakamahiyain sa grupo namin at bibihira ang pagsama sa amin gaya sa library kanina umuwi ng bahay dahil isang kanto lang daw sa school para makatipid daw at nagluto ang nanay niya sabi nga namin next time ay doon kami sa kanila pumayag naman. pero yung  awra niya sobrang gaan ng pakiramdam mo sa kanya.

Nagkantahan kaming walo. As usual sila Chay at Dang nakabukod nandun sa claw machine nag-eenjoy. Pumili na kami ng mga songs na kakantahin namin hanggang sa umulan sa labas.

Unang kumanta si Paul ng "Sa iyong ngiti" at nakatingin sa akin buong pagkanta niya. Jusmeyo as usual alam na, sobrang ingay namin sa loob. Pero hindi ko din siya masabihan na ihinto ang ginagawa niya dahil may part sa akin na gusto ko kung ano ang ginagawa niya ngayon.

Alam ko naman na laro lang naman at asaran namin magkakaibigan ito kaya hindi dapat ako mag-expect ng kahit ano. At hindi ko dapat ito seryosohin.

Kasi hindi ko naman alam kung ano talaga ang nararamdaman niya sa akin eh. Mahirap umasa at masaktan sa huli. Ayoko mag-first move, ayoko umasa. Itatago ko na lang ang nararamdaman ko at makikisabay sa trip ng mga tropa ko. Pero meron sa loob ko na sana ay may pag-asa.

Fast forward, pabalik na kami ng school at kasalukuyang nasa last subject na kami.

"Okay class, sa next meeting natin kailangan niyo i-review ang unang chapter na diniscuss natin today at may pa-short quiz ako to test kung nakinig kayo sa lesson natin today, Class dismissed!" sabi ng professor namin.

"Hala quiz agad! Hindi pa naman ako nakinig dahil si Ytang tumatakbo sa isipan ko maghapon". banat na ka-kor ihan ni Buli.

"Tumigil ka" sabi ni ytang at naiwasan ni Buli ang notbuk nito na ihahampas dapat sa kanya.

"Tara San kayo daan guys?" sabi ni majo.

"Sabay sabay na tayo sa kanto medyo mahaba pala lalakarin natin" sabi ko.

"Oo nga tapos doon na tayo maghiwa-hiwalay" sabi ni Chay.

Nang malapit na kami sa kanto ay napatigil na ang chikahan namin lahat. At nagpaalam na sa isa't-isa.

"Next time ah punta tayo sa mga bahay bahay natin overnight haha". Sabi ni Dang na sinang-ayunan namin lahat.

Dumiretso na ako ng tawid sa kabilang lane ng biglang--- "Tekaaaa Waiiiitt! si Paul nakasunod sakin?

"Oh diba pa-bulacan ka? Sa kabila ang way mo dito lang ako sa Caloocan." sabi ko sa kanya.

"Hatid na kita!". sabi niya sa akin. "Hindi ba gabihin ka naman niyan dahil sa akin? Wag na kaya ko naman umuwe noh" sabi ko na halong tawa dito.

"I'm independent duuhh ahaha". sabi ko. "No, gusto ko makita na safe ka pauwi at para malaman ko na din san ka nakatira". Ayy gentleman nito ah.

"Bakit? Akyat bahay gang ka ba? Ahaha" pang-aasar ko.

"Loka hindi haha, para kapag tayo na alam ko kung saan kita susunduin palagi at para makapag-adjust sila mama at papa ay esteee Tita at Tito sa akin haha".

"Ay wow bilis ah! Dahan dahan naman!". sabi ko

"So may chance?" sabi nito sa akin.
Medyo uminit pakiramdam ko sa narinig ko kaya binilisan ko paglalakad ko.

"Luh akwardddd! Ahaha"  pero deep inside gusto ko yung mga sinabi niya ayaw ko lang agad agad dahil gusto ko naman mas makilala ko pa siya ng lubos. Pero grabe ang saya ko.

"Hindi kita mamadaliin, ayos lang naman sa akin na magkaibigan muna tayo e". pagtingin ko sa kanya sincere yung mga mata niya.

May pagka-joker o funny type person kasi si Paul kaya nagugulat lang ako kapag nagseryoso.

"Salamat sa paghatid ah, Ingat ka mahaba pa naman biyahe mo next time ako maghatid sayo haha" Natanaw ko na nakasilip ang Lola ko sa taas.

"Hayaan mo next time pakilala kita sa kanila". Sabi ko dito.

ENDLESS LOVE - Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang