KABANATA 1 - High School days

36 2 2
                                    

"Break na tayo" message ko sa kalandian stage ko sa facebook. "Pang-ilan na ba siya?" sabi ko sa sarili ko habang isinusulat ang name niya sa notebook ko.

Yes, hindi ko itinuturing na boyfriend ang VIRTUAL o sa online ko lang nakilala. Alam din naman ng mga iyon at napag-usapan namin kung hanggang kailan lang itatagal namin sa relasyon. Kaya walang nasasaktan ni isa sa amin at walang nadadamay na iba. Ang labas ay parang fake jowa ba ganun. Gusto ko lang talaga ma-experience na may mag-a- I love you at magtatanong na nakauwi ka na ba at kung kumain ka na ba. Eto ang uso sa kabataan ngayon e nakakalungkot pero ito ang reyalidad.

Meron nga taga-probinsya, ibang bansa at manilenyo. Marami na din akong naging EX pero sa online world lang, hindi ko masabi kung ilan na sila at hindi sila kasama sa past ko it's only a past time lang at hindi pa oras na magseryoso ako sa mga ganyang love life dahil bata pa naman ako. Pero bitter naman kapag may nakasalubong na mag-jowa na naghahalikan at nagyayakapan.

Oh don't judge me muna ha. Lahat naman tayo ay may kalandian na taglay pero nasa sa atin kung paano natin ito iha-handle. Priority ko talaga ang pag-aaral. Umiiwas at nag-iingat ako sa sinasabi nilang Teen-age pregnancy na mga menor de edad. Ayoko na nawawala ako sa honorable mention. Kada-baitang mula elementarya hanggang ngayon high school ay hindi ko binibigo ang aking magulang na bigyan ng medalya. In short perfectionist na maldita with a heart ako. Pero masayahin at palakaibigan naman ako kaya walang magiging problema.

Isa pa kahit sa personal ay madaming nakapalibot sa aking kalalakihan kapag hindi ko na kasama ang group of friends ko. Kaya hindi ako maiwan-iwan mag-isa nang mga friends ko at baka mawala daw ang pagka-birhen ko. Mga loko din.

**--KRINGGGG!!!!! (Bells Ringing)--**

Tapos na ang lunch break. Tumayo na kami ng mga kaibigan ko at busog na busog kami sa kinain naming fried chicken ,sandwich at juice sa canteen.

"Aray!" sabi ko sa bumangga sa akin. Nilingon ko siya. Bumungad ang nakataas na kilay nito at tatlong babae na nasa likod niya na mga feeling famous. Yes! Kaklase ko sila.

"Anong problema mo girl? Bakit ka nangbabangga?" sabi ko.

"Oops sorry, ayoko lang kasi sa mga taong mang-aagaw ng crush!" sabi nito.

"Excuse me! Me? I'm the muse at our room tapos mang-aagaw lang ako? And I have a standard. And I don't care sa crush mo kung bakit ako ang crush niya." pang-aasar ko na lalong kinaiinis niya. Mabait ako pero kapag sinaktan mo ako ay hindi mo magugustuhan ang pagtataray ko dahil hindi kita talaga uurungan. At nag-walk out siya at pati na din ang nakabuntot na mga friends niya.

Sa totoo lang kasi ay crush ko din naman talaga si Odsey. Pero ayoko po talaga mag-jowa eh. Kasalanan ko bang ako yung nililigawan non? Kaya ko naman mag-commute minsan nga pinapaderetso ko na lang sa school namin yung sasakyan pero lagi niya akong inaabangan sa kanto ng bahay namin pero pinatigil ko siya. Kaya ayon sa may pintuan ng school niya ako inaabangan at sabay kaming papasok sa room.

Ang ending? Hindi ko naman din sinagot. Una pa lang ay alam naman na niya iyon. Ewan ko ba pero masaya naman kasi ako sa group of friends ko e sapat na muna ako sa ganong pangyayari sa buhay ko. Hinahayaan ko lang naman sila na sumabay sa akin minsan sa pagkain, sa paghatid- sundo pero hanggang dun lang muna as a friend.

Ganoon ang cycle ng buhay pag-ibig ko nitong high school. Madaming sumusubok manligaw mayroong nagbibigay ng flowers at chocolates pati sa ibang room pero basted lahat.

Mas gusto ko pa nga na mag-isa lang kapag valentine's day at manood sa mga nagde-date na mga lovers pero hindi ko naman maramdaman kasi nga sobrang mapagmahal Ng mga kaibigan ko. Oh Diba, sa kanila pa lang panalo na ako. No need na ang jowa jowa na iyan.

Kaso may mga hindi naman ako makokontrol na bagay gaya Ng may biglang umamin din na isa sa group of friends ko, si Balbin. Habang nagro-role play kami sa stage about sa Noli Me Tangere ay bigla ba namang may binanggit na salita na wala sa acting script namin!

Tinitigan ko siya at sinenyasan pero sincere ang mga mata nito at nagtataka din ako dahil maging ang mga guro namin ay ay kinikilig pati mga classmates ko.

"What's happening?" bulong ko kay Balbin. "Umayos ka wala naman ganyan kay Maria Clara non! Baka mabawasan points natin.

"Elle!" tawag ng mga kaibigan at kaklase namin sa akin. Napalingon naman ako sa gilid ng stage. May hawak na tarpaulin ang mga ito at may nakasulat dito.

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?
AND SOON TO BE WIFE?"

My gaash!! pagkakita ko non ay nabatukan ko ng wala sa oras si Balbin. "Loko ka talaga pati sila sir ay kinasabwat mo pa! Siguraduhin mo lang na hindi ito makaapekto sa grades natin ah yari ka talaga sa akin.Kaya pala ang aga niyo sa place ng praktis natin".

"Sorry bes, pero inaamin ko nahulog loob ko sa iyo. Alam ko ramdam mo iyon pero hindi kita minamadali. Hihintayin kita" sabay tayo nito mula sa pagkakaluhod at yakap na mahigpit nito sa akin.

Meron pa nga isang Araw ay pinagseselosan pala ako ay nilait ang brand ng phone ko at trabaho ng nanay ko. Halos lahat pinuna sa pagkatao ko. Ano ka ate CCTV? Judger lang.

Aba! hindi ako papatalo. Binawian ko ayon asar talo. Pati mga kaibigan ko ay inasar na din yung feeling magandang hipon na iyon. Muntik pa nga kami ma-guidance nun buti at mabait si teacher. Loka na iyon balak pa dungisan ang malinis na record ko!

Hanggang sa naka-graduate na nga ako and guess what? Honorable mention ako! Yes! Nagbunga lahat ng ginawa ko.

Masaya akong umakyat ng stage nang tawagin ang aking pangalan. Nandoon ang mga ka-pamilya ko sa gilid at sobrang saya sa puso na makita sila na sobrang proud sila sa na-achieve ko.

Tigda-dalawa ang tawag sa bawat mag-aral na aakyat sa stage ng paaralan. Isang boy at isang girl. Natapat yung isang nanliligaw din sa akin na katabi ko sa classroom namin si Leo. Nagulat ako ng maghiyawan sa stage ng marinig na tawagin ang name namin.

Grabe naman mga ka-estudyante ko ano to? Highschool loveteam? Eh hindi ko nga siya sinagot.

Masayang masaya ako kasi sa wakas magka-college na din ako! Panibagong kabanata! Panibagong mga classmates, mas challenging sa pag-aaral at sana matagpuan ko na yung taong magiging 1st boyfriend ko sa college.

Oo, yun yung gusto kong standard kapag high school hahayaan ko lang silang manligaw iba-ibang nga nakakasama ko non eh pero hindi ko sila pinapaasa sinasabi ko naman na hanggang friends lang.

At sabi ko sa sarili ko pagtungtong ko ng kolehiyo kung sino man iyong pinagdarasal ko na ibibigay ko ang matamis kong "OO" ay sana siya na ang maging 1st boyfriend ko at siya na ang last. Darating na kaya yung The one and only ko?

ENDLESS LOVE - Where stories live. Discover now