KABANATA 4- Stranger Guy

10 2 0
                                    

Nakatingin kaming lahat sa kanilang dalawa nang biglang magtilian at magyakapan ito. Nakatingin na din ang mga tao sa paligid namin.

"Bestie! Ang tagal na natin hindi nagkita dito pa pala tayo pagtatagpuin ulit!" sabi ni Vyvy with matching hawi sa buhok.

"Kaya nga e huling kita natin grade one pa lang tayo mula nung lumipat kayo ng bahay dito sa manila" *pout* sabi nung babaeng mataray kanina lang.

"Hayaan mo na atlis pinagtagpo tayo ulit dito sa unibersidad diba. Magkikita at magkakasalubong tayo. By the way this is Shaima ang kababata ko sa probinsya namin, meet my new friends nga pala". At Isa Isa kaming pinakilala ni vyvy sa kanya.

"Nice meeting you all. I'm sorry nagtaray ako sa una nating pagkikita. Don't worry mabait ako haha." sabi ni Shaima.

-----** Bells Ringing **-----

Sabay-sabay na kami umakyat ng hagdan papunta sa susunod naming subject sa 6th floor ito kaya hingal na hingal kami.

Yung elevator kasi puno e ayaw naman namin ma-late dahil 1st day. Ako ang nasa hulihan sa pag-akyat.
Hindi pa naman pwede sa akin ang sobrang hingal dahil may asthma ako. Bawal ang sobrang pagod kahit sa ganitong pag-akyat sa 6th floor. Medyo nahihilo na nga ako e.

Nung naglalakad na kami papasok sa room ay biglang may lalaking **booogggsshh**

[( CLINIC )]

Paggising ko nakahiga ako sa isang maliit na parang kwarto pero madaming mga kasangkapan si gilid. Medyo masakit ang ulo ko nung nahawakan ko. Bakit ako naandito.

"Teka, saan ba to? Nasaan ako?" bulong ko.

"Hello? May tao ba dyan?" Napakatahimik naman kasi ng lugar. Inihakbang ko ang paa ko sa sahig at humakbang dahan-dahan pero dama ko pa din ang hilo.

"Oh, ayos ka na ba?" sabi ng isang babae na pumasok sa kwarto.

"Nasaan po ako?" sabi ko. " Nandito ka sa clinic ng school, hinatid ka ng mga kaklase mo dahil hinimatay ka."

"Hinimatay?! Bakit po ako hinimatay?" bigla kong naalala na late na ako. Patakbo sana akong lalabas kaso sabi sakin inom daw muna ako ng gamot. Nurse pala sya ng school.

"May nakabangga sayo na isang lalaki tingin ko dati iyong estudyante dito pero hindi ko na masyado maalala pa. Siya ang nagbuhat sayo papunta dito sa clinic kasama ng mga kaklase mo. Actually hindi lang dahil sa pagbangga niya kaya ka nahimatay dahil inatake ka na din ng asthma mo. Palagi ka magdala ng inhaler ha at huwag masyado magpagod"sabi ng nurse.

"Yung kaibigan ko po ba yung si Paul? yung medyo chubby pero gwapo?" tanong ko dito.

"Oh eto inumin mo na ang gamot tapos pwede ka ng bumalik sa klase mo. Hindi sya chubby e medyo payat siya na medyo may katandaan pero hindi ganoon katanda ha. Hindi ko na nakuha ang name niya dahil nagmamadali siya. But I think he is a third year businessman dahil sa suot niya naka-blaser pa eh. Eto naiwan niya" sabay bigay sa akin ng necklace na paru-paro na may puso sa ilalim nito. Kakaiba parang sinaunang panahon pa ito ah.

Tinitigan ko lang ito dahil sa ganda ng necklace na paru-paro na hawak ko ngayon. Sino kaya siya?

Lumabas at pumasok na ako sa elevator papunta sa klase ko. Agad ko na lang sinabi sa prof namin ang nangyari at naunawaan naman nito.

Fast forward natapos na ang pangatlong klase namin.Lumabas na kami lahat at tulala lang ako. Kinakausap na pala ako ni Paul.

"Eyyy mukhang matindi ang pagkabangga natin ah haha" pang-aasar nito.

"Nakilala niyo ba kung sino yung lalaking iyon?" sabi ko.

"Oo kilala ko siya, gusto mo ba malaman kung sino iyon? " Biglang lumungkot ang awra nito kaya hindi ko na sinundan pa ng kasunod pang tanong. Siguro next time nalang at itatago ko na lang itong kwintas na paru-paro.

Sino kaya iyon lalaking iyon sana makita ko ulit siya at Loko Loko kasi bigla ba naman umalis matapos ako banggain hays.

"Guys, vacant natin 3hrs napakahaba ng oras natin saan tayo?" Sabi ni rang.

"Library muna tayo saglit tapos mall tayo may mga foodtrip doon." pag-aaya ni dang.

"Tara, pero siguro bukas hindi muna ako makasama sa inyo dahil may duty ako sa scholarship ko e." Sabi ko sa kanila.

"Oh e di samahan na lang kita, gusto ko mag-gratitude eh" sabi ni Paul.

"Yieeeee" sabay-sabay na sama ng mga bago kong tropa.

"Baka mamaya magkatuluyan kayo nyan ha, inform nyo agad kami ah. Invite nyo kami sa kasal haha" pang-aasar ni vyvy.

"Mga Loko!!! Tara na nga sa library!!" Pag-iwas ko sa pang-aasar nila sa akin kay Paul. Kita ko naman na namula ang mga pisngi nito.

ENDLESS LOVE - Where stories live. Discover now