KABANATA 2 - College days

20 2 4
                                    

Naglalakad ako sa campus at hinahanap ang room ko na nakasulat dito sa registration form ko. "4A" ibig sabihin kailangan ko pang umakyat sa 4th floor ng building.

8:45am. "Oh my, baka ma-late pa ako"sabi ko habang tumatakbo na paakyat ng hagdan. Kung mag-eelevator pa kasi ako ay malamang baka uwian na nandoon pa din ako sa daming estudyante ngayon dahil 1st day.

"Sesexy talaga ako nito eh" bulong ko ng biglang "Ay tatlong bibeng duling!" Sigaw ko dahil may nakapatid sakin.
Get worse pa ay nadaganan niya ako!
Pilit kong itinatayo ang katawan ko at tinutulak siya dahil nasa ilalim ako ng lalaking ito.

"I'm sorry. Okay ka lang miss?" sabi nito. Obvious ba kuya ha! sabi ko sa isip ko habang iritang pinapagpag ang palda ng uniform ko.

"Ayos lang" tipid na sagot ko dahil ayaw ko naman masira ang unang araw ko sa paaralan. Ngumiti na lang ito pabalik sa akin. Ako naman ay tuluyan ng lumakad nasa bungad lang naman ito ng 4th floor kaya madaling makita. "Bakit Room E agad ito dapat Room A kakaiba ah haha" bulong ko.

Napansin ko na nakasunod sa akin yung kaninang nakabangga sa akin. Nairita na naman ako kasi naman ang lusog lusog ng katawan niya ramdam ko pa ang sakit e.

Binilang ko ang room at nakita ko na ang Room A. Pumasok na ako at umupo sa bandang gitnang bakante. Pagtingin ko sa orasan ay 8:56 am na. Mabuti at wala pang guro. 9am kasi ang first class ko.

Iilan pa lang naman ang mga kaklase ko dito at tahimik pa. Infairness first day e for sure after 1 week ay napakaingay at gulo na dito.

Pagtingin ko sa pinto ng classroom ay bumungad sa akin ang mukha ng lalaki kanina. Hala kaklase ko pala siya! At same pala kami ng kinuhang kurso.

"Hi" bati nito sa akin. "Pwede bang dito na lang ako sa tabi mo? Wala pa kasi akong kakilala dito transferee ako."

Tumango na lang ako hudyat na pumapayag ako. Kakausapin pa sana niya ako kaso biglang dumating yung professor namin.

"Good morning beautiful and handsome" sabay ikot nito na parang nagmomodelo. Aba hindi pala straight na lalaki itong si sir.

"Good morning Sir" bati namin lahat. Umupo muna ito at hinawakan ang index namin. Aba, ang aga niyo magpa-quiz first day ah joke.

"Sanchez, Paul" nagtatawag na ito ng mga estudyante na magpapakilala sa harapan isa isa.

Oh so Paul pala ang name niya. Nagpakilala na ito at mahilig pala siyang maglaro ng ML, kumain at gumala haha. Mukhang magkakasundo kami nito ni bangga boy sa pagkain ah.

"Brillantes, Elle Jade" tawag sa akin ni sir. Eto na at magapapakilala na ako sa harap. Grabe nakakakaba Buti sanay ako sa public speaking.

"Hi, my name is Elle Jade Brillantes. I'm 15 years old from Ilocos Norte Cagayan but I temporary lived here in Manila for my studies. My hobbies is more on adventures and eating."
Nakita ko na napangiti si Paul sa gilid dahil sa mga sinabi ko.

Tapos na ang unang subject namin. Tumayo na kami at dala ang mga gamit para naman sa next subject na SocSci o Social Science. Yes my favorite.

May isang oras pa naman bago ito magsimula. Naupo muna ako at nagbasa ng libro sa desk ko. Tahimik pa din ang mga kaklase ko sa ngayon.

"Halika sa canteen, kain tayo" sabi ni Paul.

"Hindi mamaya na lang siguro kapag lunch break na natin" sabi ko.

"Libre ko naman saka para malibot na natin itong facility ng campus natin para mapamilyar na din tayo."

Sa pangungulit niya ay napapayag na niya ako. Tumayo na ako at sabay kaming naglakad papuntang canteen.

ENDLESS LOVE - Where stories live. Discover now