KABANATA 7- Love against Us

5 2 0
                                    

May isang salita si Paul yun ang napansin ko sa kanya makalipas ang isang taon. Oo isang taon na nakalipas mula noong sinimulan niya akong ligawan.

Umakyat siya ng ligaw sa tahanan namin. Masyado bang makaluma? Nang-harana siya at pormal na kinilala ang aking pamilya. Pinakilala din niya ako sa parents niya.

Bat sadly since mga menor pa daw kami ay sinabihan kami ng kanya- kanya naming parents na huwag magmadali muna at mag-focus sa studies. Naging mas mahigpit sila lalo na sa akin dahil ako ang babae.

If ever kasi na maging kami ni Paul ay siya ang first boyfriend ko.

Kailangan 6pm ay nasa bahay na ako. Like what the? Eh until 9pm ang last subject namin sa ibang araw e kaya pinayagan si Paul na ihatid ako dahil delikado na din ang daan.

Minsan nga pagkagaling namin sa school ay napasarap ang tambay namin sa park ng mga barkada small celebration dahil nakapasa kami lahat sa semester at 2nd year college na kami sa susunod na pasukan!

Inabot kami ng halos lagpas midnight. I think around 1:15 am that time nakarating kami sa bahay! Like gosh! Hindi ko napansin ang oras noong time na iyon kaya todo-sermon kami dalawa ni Paul. Daig pa nga ako ng time ni Cinderella na 12am eh ako 10pm lang kahit pa-bakasyon na pinakiusapan pa iyon ah.


Naihagis pa nga ang mga gamit ko sa labas pati damit buti at nandoon ang pinsan ko tinulungan kami ibalik sa bahay at mahinahin na lang namin kinausap. Buti at madaling araw tulog mga kapitbahay jusko kahiya talaga kapag umaga ito nangyari.

Tinawagan din ang mga tropa namin sa messenger na nagpatotoo na nagkasayahan lang kami dahil natapos namin ng matagumpay ang 1st year college.

Yes, parang anak na din kasi ang turing nila kay Paul kahit hindi pa kami. Ayaw daw nila na makagawa kami ng pagsisisihan namin sa huli dahil hindi pa kami parehas handa. Ang akala nila ay nagtanan na kami. Hala menor de edad pa lang kami we're only 17 years old.

Balak ko talaga sagutin si Paul sa ika-18th debut birthday ko. So bali ilang months na lang. Anim. Anim na buwan na lang. Sana makapg-hintay pa siya. Na alam ko naman na oo.

Gusto ko ang ugali ni Paul more than expectation ang pinagdasal ko. He is a God-fearing, gentleman, may pangarap sa buhay , may isang salita, maunawain, masayahin, palakaibigan at higit sa lahat? mahaba ang pasensya sa akin ahahah.

Alam ko na medyo mahirap gumalaw dahil madaming bawal sa amin kaliwa't kanan ang mga matang nakaabang sa amin. Pero alam naman namin na hindi sila mabibigo sa amin.

Nagpa-clearance na kami sabay-sabay buong klase at pagkatapos ay nagkayayaan ng swimming sa Cavite.

Naku, mukhang malayo sana ay payagan ako lalo na at overnight pa. Once in a blue moon nga lang ako payagan mag-overnight e kung hindi mga kamag-anak kasama ay expected na sobrang habang eksplanasyon ito!

"Tita, Tito, pangako po iuuwe namin ng buhay ang anak niyo". Si Buli na ang pinagpaalam namin barkada kasi siya naman ang pinakamalakas at paborito sa mga ka-barkada ko.

Ayon sa huli pumayag din. Sa WAKAS mag-e-18 na ako nakatikim din ng kaunting freedom ahaha. Ayon syempre sa bakasyon na ito sinulit ko talaga.

Habang nasa biyahe kami ng bus parang nakita ko na naman sa stop area ng bus yung lalaki sa school na nakabangga sa akin. Ang creepy na niya. O baka naman namalik-mata lang ako. Pinikit ko na lang ang mata ko sandali bago tumingin sa bintana ng bus.

"Oh eto na yung dala kong carbonara, lumpia at graham mula sa puso ko". sabi ko. Kanya kanya kasi kaming ambag.

"Sana pagkain na lang din ako para galing sa puso mo". sabi ni Paul na palaging bumabanat wala pa din pinagbago.

"Rice sa akin tatlong kaldero!" Lapag ni Buli sa gilid ng lamesa namin na may mga dahon na biningwit sa likod bahay nila. Malinis naman daw e pang-boodle fight!

"Ako na mag ihaw nitong barbeque na dala ko" sabi ni Chay na tinulungan naman ni Dang na may dalang pansit bilao at puto.

Spagghetti bilao dalawa kay Ytang, kay Majo ay napakataas at laki na Cake at soft drinks na halos isang box ano to wala na uwian ahaha wala pa naman may birthday ahaha.

As usual wala si Jean dahil umuwi daw ng Ilocos. Si Paul parehas ng dala ko nag-ambagan kami dalawa at sabay namin niluto sa bahay nila buti at pumayag si Tita e. Kapalit naman noon ay pinaglaba namin siya ng damit at naglinis para pumayag na makaluto doon at makasama si Paul sa amin ahaha.


---***

Sobrang saya ng bakasyon namin ng mga barkada ko. Mabilis na lumipas ang panahon at eto 2nd year high school na kami.

Malapit na pala ang Christmas season!  Lumalamig na naman ang simoy ng hangin. At malapit na din ang ika-18th na kaarawan ko!

"Invited kayo lahat ah" sabi ko sa mga classmates ko sabay abot ng blue invitation ko. Oo lahat sila gusto ko invite.

Sinorpresa kasi ako ng pamilya ko at sa church namin hindi daw pwede na hindi ko maranasan ang debut minsan lang daw kasi dumaan sa buhay ng tao iyon.

Ang alam ko kasi ay simple lang na handaan ganoon pero ang nais pala nila ay may pa-gown pa ako at blue ang motif ko. Yung mga handa at decorations surprise daw ulit.

Grabe ang supportive naman nila. Palagi akong nakakalibre una sa tuition fee na aabot sana ng 50k + kung hindi ako scholar tapos ngayon debut ko libre pa ang venue/place, foods at iba pa na aabot sana daw ng 80k plus kung pabonggahan. Thank to our creator talaga sobrang blessed ko dahil pina-experience niya ito sa akin.




---***



"I'm officially 18!!!!" bulong ko with excitement pagkapatay ko ng alarm clock ko.

This will be the day. Double celebration. Double memories. Pero biglang nagpatay sindi ang ilaw ko....

ENDLESS LOVE - Where stories live. Discover now