"SANA SUMUGAL TAYO"

1 0 0
                                    


‘After 7 years of abroad, finally got home, I remember, I told mom not to open my room until I came back here, kaya kung paano ko iniwan ang kwarto ko, ganon ko rin ito namataan, medyo maalikabok nga lang.

Habang hinahalungkat ko ang mga lumang gamit na nakatambak sa kabinet, tumapon ang paningin ko sa isang kahon na nakabalot pa ng makapal na skatch tape.

Nagtaka ako at 'di ko na rin maalala kung ano ba ang laman nito kaya inutusan ko si Raf na kunin ang cutter sa kusina.

“Is she your...” Tumango lang ako.

“Grabe kuya, ang ganda niya.”

Napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko. Kinuha niya sa akin ang litrato at tinitigan ng ito ng mabuti.

manghang-mangha?

Ako naman ay ipinagpatuloy lang ang paglalabas ng mga gamit kong nabulok na sa kalumaan, mula sa mga drawers ko at mga karton.

Kahit renovated na ang buong bahay, nanatili sa dating anyo ang kwarto ko, to preserve my old life, kung saan ako nagsimula.

“Miss mo siya no?”

‘Di ako nakasagot, napahinto lang ako sa ginagawa ko. “Why didn't you pursue her?”

“Hindi sa ganon, kilala mo naman si kuya bunso, alam mo kalagayan ng family natin before, right?”

“Yes, Kuya, Mom told me everything.”

“Her parents doesn't want me to be their daughter's man, so they cut all our connection.”

“Dahil ba sa mahirap lang tayo no'n, kuya?”I smiled bitterly, “Yes, one thing I understand, siguro di' ba? they just want to insure that Ysabel, my girl, would have her bright future, a secured one.”

“Sabagay, pero kuya, do you still have feelings for her, Kuya Lon?”

“Sabihin na nating nandito pa rin ang lungkot, pero masaya ako sa kung nasaan man siya ngayon, ganon talaga, hindi natin hawak ang Plano ng Diyos.” Ibinalik niya sa kahon ang litratong kanina niya pa hawak-hawak.

Ang una at huling litrato namin ni Ysabel, noong una ko siyang inayang lumabas, nagalit pa nga sa amin ang mga magulang niya dahil hindi pala siya nagpaalam. Pasaway na babae 'to.

Ang rason niya, kahit naman raw kasi magpaalam siya, hindi pa rin siya pinapayagan.

Ang hirap ng sitwasyon pero naniniwala talaga ako noon na kaya naming maitawid lahat ng 'yon. Hanggang sa nagsimulang maging abala na siya sa pagaaral, tuluyan na nga siyang inilayo sa akin ng pamilya niya. Wala na akong balita sa kaniya.

“Sir, Lon, nandito na po yung maglilinis ng room.”Naputol ang usapan namin ni Raf.

“Ganon po ba, papasukin niyo na po, inang, kakausapin ko ho kamo.”
Tumayo na ako at nagpagpag ng damit.

“Pasok na raw ho kayo, kakausapin kayo ni Sir.”

“Good morning po, Sir.” Bati niya sa akin at tumindig ako ng maayos at tinitigan ko ang mga gamit na handa ko nang ipatapon.

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kaniya.

“Good morning rin, kaunti lang naman ang lilinisin, pakilinis na lang ho ng mga bintana, yong mga gamit sa cabinet ko, napiliian ko ho iyan, pwede niyo nang ibasura.”

“Ito pong mga picture frames sir?”Nakatingin siya sa mga ito ng may panghihinayang sa muka.

'Itatapon ko ba?' bulong ko sa isip ko.

“Ahh, kasama na 'yan, or iuwi niyo na lang, baka magamit niyo pa sa inyo.”

“talaga po sir? salamat po.”

“You're welcome ..Ysabel.”

End-

Original story of Genesis Alvarez

MAPANAKIT STORIES- Short Stories collection.Where stories live. Discover now