"BAGONG KAIBIGAN"

0 0 0
                                    

“Halika, pumasok ka.” Pagyayaya ko sa bata, masyado siyang mahiyain.

[⚠️ disturbing elements ahead]

“Dali.” Nakangiti kong salubong sa kaniya, Ipinagbukas ko ng pinto ang bisita ko, napatingin naman sa akin ang asawa ko na kababa lang ng hagdanan bitbit ang mainit niyang kape. Nginitian ko lang si Henry at ibinaling kong muli sa bata ang paningin ko.

“Ano ka ba, ‘wag kang mahihiya sa bahay namin.”Saad ko habang inilalapag ang meryenda sa hapag. Nginitian niya lang ako at saka dumampot ng tinapay. Nasa dinning room kami ngayon at inaya ko siyang magmiryenda muna.

Siya si Fhryña, Yna naman ang palayaw niya, nakilala ko siya sa hospital. Naiintindihan ko naman kung bakit siya mahiyain, naikwento niya na kasi sa akin noon ang sitwasyon niya sa bahay nila.

Hindi kasi siya pinapayagang makipagkaibigan o makipaglaro sa labas ng bahay nila, at ang masaklap pa, ang step father niya lang ang palagi niyang kasama, at alam niyo na kung ano ang kawalangyaang ginagawa nito sa kaniya, kaya isang araw, nagpasya siyang tumakas, tumalon siya sa bintana para makatakas.

“Hon, pagtapos mo d'yan, umakyat ka na ng kwarto at magpahinga ha?” Saad sa akin ni Henry saka binigyan ako ng isang halik sa noo.

“I love you Honey, don't forget to take your medicine, okay?”

“Okay, Hon! I love you more!” Nakita kong nakatingin lang sa akin si Yna, nginitian ko lang siya at isinenyas ang meryenda, “Kuha ka pa. Marami pa ‘yan.”

Napatingin si Henry sa gawi niya, ngumiti rin ito pero alam kong hindi siya sang-ayon na papasukin ko sa loob si Yna, siguro ay ayaw niya lang akong ma-stress kaya hindi na siya nagreklamo pa.

Umalis na siya matapos niyang magpaalam, nakipagkwentuhan pa ako kay Yna, tahimik siya pero nakikinig naman siya sa mga kwento ko.

Ilang sandali lang at nagpaalam muna ako upang kunin ang gamot sa kusina. Kumuha na rin ako ng mansanas para bigyan ang bata, pagkatapos kong mainom ang unang gamot, nakaramdam ako ng antok.

Minabuti kong balikan muna si Yna para magpaalam na muna at para makapagpahinga na rin ako.

“Nasaan siya?” Laking pagtataka ko, wala na si Yna sa kinauupuan niya.

Agad kong hinagilap at baka naghanap lang siya ng banyo pero walang Yna sa banyo kaya umakyat sa itaas.

“Yna? Nasaan ka?” Pagaalala ko, pero wala rin siya sa taas ng bahay namin. Nakita kong bukas ang bintana ng kwarto ko kaya napadungaw ako roon. Nagaalala na ako, nasaan na ba ang bata na iyon. Ano kayang nangyari sa kaniya.

Nako po!

Hindi kaya ay lumabas na siya ng bahay?

Baka mapano siya sa labas. Dali-dali akong tumakbo sa labas para hanapin si Yna

“Yna!” Aligaga akong naglalakad, pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilabutan ako, tumatayo ang balahibo ko, ayaw kong isipin na baka may masama nang nangyari sa bata.

“Yna!?” Sigaw ko at sapat iyon para maagaw ko ang atensyon ng lahat ng tao sa paligid.
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko na may halong pagkahilo, hindi ko maintindihan, naiiyak na ako sa nangyayari, hindi ko siya makita, nasaan ba kasi si Yna.

Naramdaman kong may biglang humawak sa dalawang braso ko, nakaputing damit sila at pilit nila akong pinipigilan.

Sa ‘di kalayuan, sa wakas ay naaninag na ng mga mata ko si Yna, nakatayo lang siya at diretso ang tingin sa akin. Nakangiti siya, oo, nakangiti siya ngunit bakas ang lungkot sa mga mata niya, bakit parang umiiyak siya.

“Yna, bakit?!” Sigaw ko ngunit nakatingin lang siya sa akin, ayaw pa rin akong bitawan ng mga lalaking ito na nakaputi, may dumating na isa pang nakaputi at may hawak siya panturok kaya lalo akong nagpupumiglas at tumakbo palapit sa bata.

Huli na para makakalas ako, naramdaman ko ang turok ng karayom sa kung saang parte ng katawan ko, na naging dahilan ng matinding pagkahilo ko. Nakita ko si Henry na tumatakbo papalapit sa amin.

Si Yna naman, nakaposte sa kinatatayuan, tumatawa lang siya pero malungkot ang mga mata niya, umiiyak rin siya, hindi ko siya maintindihan.

“Honey!!!” Pag-aalala ni Henry at binuhat ako kasama niya ang iba pang nakaputi. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

Nakatulog ako.

* * * *

Hindi ko alam kung ilang oras o araw ako walang malay pero nagising ako sa pamilyar na kwarto, nagising ako sa boses ng dalawang lalaking naguusap, nakakasilaw ang liwanag ng mga ilaw sa paligid, nakita kong magkausap si Henry at ang doctor. Napatigil sila sa paguusap nang mahalata nilang gising na ako.

“Honey, are you feeling okay now?”Magkahalong saya at pag-aalala ang nakita ko sa mga mata niya. tumango lang ako sa kaniya at agad niya akong niyakap.

“Hon, you promise you'll never leave me, no matter what, di'ba?” Umiiyak ako sa pagkakayakap sa kaniya. Humahagulgol. Naramdaman ko tuloy na humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Yes, honey, hindi kita pababayaan, no matter what.” Saad niya habang pinapatahan ako sa pag-iyak. Matapos ng paguusap namin, pumasok ang isa pang nurse, “Sino po ang relative ni Ms. Zyna?”

Agad naman lumapit ang asawa ko. “Yes po? I'm his husband.”

“Base sa examine, possible po, after consecutive months, kapag nag-improve ang lagay ng mental health condition niya, makakauwi na po siya.”

Written by Genesis W.

MAPANAKIT STORIES- Short Stories collection.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon