"BEHIND MY DREAMS"

11 2 1
                                    

Written by Genesis Alvarez

* * * *

Alam kong malungkot siya kaya pansamantala akong tumigil at humarap sa kaniya, “Mahal, babalik ako, okay?”

Hindi siya kaagad na sumagot, isang mapait na ngiti ang natanggap ko sa kaniya na pilit niyang ikinukurba sa mga labi, pero hindi marunong magsinungaling ang mga mata, kaya naglabas ito ng ebidensya ng kalungkutan, she's crying.

“Behave ha, ...  wala ako don ...walang mag-aalaga sayo don.”Habilin niya, ang paborito niyang linya, dahil don, napayakap ako sa kaniya nang mahigpit at ganon rin siya, ibinigkis niyang mahigpit ang mga kamay niya sa katawan ko.

“Mahal ko, 'wag kang magalala, sabi ko naman sayo hindi ako pababayaan ni mama don, saka, babalik din ako after graduation, promise!”

I kissed her forehead bilang tanda ng halik nang katapatan sa kaniya. Maya-maya pa ay tinawagan na ako ni Tito, wala naman akong magagawa kun'di ang kumalas sa pagkakayakap namin, seeing her crying makes my chest even heavier.

“Ako lang maganda ha?” Pahabol nito, napangiti ako sa biro niya. “Oo naman, ikaw at ikaw lang mahal ko, pangako..”

Iniangat ko ang kamay ko sa kaniya at napatingin naman siya rito, I showed her a bracelet. Kagaya ng suot ko.

“This, kahit malayo tayo sa isa't-isa, magiging simbolo ito ng pangako na'ting hindi tayo paghihiwalayin ng mundo sa pagiging isa.”

“I... I love you John!”

Bago ako tuluyang humakbang ay naramdaman ko ang biglaang paglapit niya.

Nagulat ako sa ginawa niya.

it was the first time she kissed me, I never done that to her dahil ayaw na ayaw kong minamadali siya.

Tumigil pansamantala ang paligid sa halik niyang iyon at hindi ko maikakaila, mamimiss ko 'yon sa maraming taon na lilipas. Isang halik na parang wala nang susunod, na parang ito na ang huling pagkakataon.

-*

At least, yon ang naalala kong detalye bago ang huli naming pagkikita, years ago. Napangiti na lang ako sa bracelet na suot ko habang hinihila ang maleta palabas ng airport..

Hindi ko alam pero ang bigat ng bawat hakbang ko, parang nanghihina na hindi ko malaman kaya nagpaalalay ako kay Jef hanggang sa makasakay kami ng Van.

“When is the last time na nakausap mo siya?”

Napayuko na lang ako sa tanong ni Jef, at ibinalik niya ang tuon niya sa kalsada habang nagmamaneho.

“Matagal na rin, simula nang nag-away kami dahil sa selos ko.”

“Bakit mo naman pinagdududahan 'yong tao eh ikaw nga 'tong nag-US? dami kayang magandang dilag don.”

“Sira ka talaga, alam mong siya lang ang gusto ko.”

“Oo na, ikaw na, eh bakit nga kasi kayo nag-away?”

“Nainis ako eh, lagi na lang siyang late sumagot sa mga message ko, hindi sumasagot sa videocall ko, at kung magkakausap man kami, naka-off cam pa, feeling ko tuloy may tinatago siya sa'kin.”

“So... Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin?”

-*

“Hindi, hinding-hindi...” Saad ko habang nakatayo sa harap ng isang puntod. Sarah S. Dela Fuentes.

Bitbit ko ang isang papel na inabot sa akin ng kapatid niya. It's her letter to me. Parang ayaw ko basahin.

“No, nagbibiro lang kayo Nico! hindi yan ang ate mo, hindi siya yan!” Hagulgol ko at napatumba ako sa sitwasyon na 'to, hindi kinakaya ng tuhod ko ang ganito. Parang dinurog ang buo kong pagkatao.

Sinugod nila ako sa hospital.

Pagkagising ko, hindi ko alam kung nasaang clinic ako pero una kong hinanap ay ang sulat ni Sarah,  nasa tabi lang pala ito ng unan.

Nagmamadaling binuklat ko ito at binasa ang mga nakasulat.

To My Man, John.

“Mahal, kahit alam kong masakit dahil malalayo ka sa'kin, hindi na rin ako tumutol pa na sumama ka sa mama mo sa US para tuparin ang pangarap mo, dahil alam kong matagal mo na siyang gustong makita, at alam ko ring mahalaga sayo ang pangarap mo.

Mahal, siguro natupad mo na ang pangarap mo ngayong hawak mo na ang sulat ko, kaso hindi ko tiyak kung ako ang mag-aabot nito sayo o si Nico.

I'm sorry, hindi na kita binigyan pa ng alalahanin,  I was diagnosed with cancer, hindi ko na binanggit sayo dahil ayaw kong mapuno ka lang ng lungkot at pag-aalala sa abroad, hindi ka rin makakapag-focus sa pagaaral mo.

Gusto kong malaman mo na, masaya ako sa kung ano mang narating mo ngayon, you did great mahal ko!

Gusto ko, tuparin mo ang pangako mo, na hindi mo pababayaan ang sarili mo at mangako ka ulit na sakin na magiging okay ka, at magpapatuloy.

And lastly,

Mahal ko,
behave ha? wala ako d'yan,
walang magaalaga sayo.
I love you, I miss you! Hanggang dulo— Nagmamahal, Sarah.”

Iyon na pala ang huli naming pagkikita, ang huli naming yakap, sana pala, tinagalan ko na, sana pala sinulit ko na, sana pala hindi na ako umalis.

Punong-puno ng magkahalong lungkot, panghihinayang, ang nararamdaman ko ngayon.

-*

Dahil don, isang malakas na hampas ang inabot ng balikat ko sa kaniya. “Aray!!”

“Buset ka, ang sakit mo naman gumawa ng kwento, saka ba't mo ko pinatay sa story, gusto mo na talaga akong mamatay no?”Dahil don ay natawa ako sa reaksyon niya.

“Of course not, story lang naman 'yan, at kung sakali mang totoong buhay yan, mas pipiliin ko pa ring manatili sayo, at tuparin ang pangarap natin, at hindi ng pangarap ko lang.”

Kahit alam kong kaiiyak niya lang dahil sa story ko, nakita ko ang labis na kasiyahan sa mga ngiti niyang iyon at gaya ng inaasahan, alam kong yayakapin niya ulit ang leeg ko at hahalikan ito sa pisngi.

Isinulat ng inyong lingkod, Genesis Alvarez.
—Wakas

MAPANAKIT STORIES- Short Stories collection.Where stories live. Discover now