"STATUE"

0 0 0
                                    



“Nandito lang yun!” Ang excited na si Kai, makahatak naman 'to.

“According to legends, nagiging bato raw ang sinumang hahalik sa sculpture na yan.” Gigil niya. Hawak ang notebook niyang 'di ko alam saan nanggaling.

Maskulado nga naman at mukhang kaakit-akit ang itsura nito nang pagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Napaka puro ng pagkakaukit. A solid based sculpture, I don't know kung sa anong bato ito yari.

Iba talaga yumari ang isang artist.

“Bakit naman hahalikan nila ang bato, ano sila nasisiraan ng bait?” Nagtawanan kami.

“Mira, legend nga 'di ba? Sa ancient times daw natin dito sa pilipinas, may sabi-sabi na kapag daw nahalikan siya ng naka-destiny na babae, babalik raw siya sa pagiging tao.” Napasapo ako sa noo.

“That's why lot of women who tried to kiss him will be faded like ash, kaya nga pinalibing siya ni King Ophir sa ilalim ng kweba sa Northern Samar.” Dagdag niya pa, ang talino talaga ni Kai, dinaig niya pa ang tour guide dito.

“2024 na, naniniwala ka pa sa alamat?” Iniabot ko sa kaniya ang hawak kong totebag at saka humakbang sa red fence na siya nitong pinakabakod. Natigilan naman ang lahat ng mga nakakita sa akin, para bang nakakita sila ng magandang artista na nasisiraan ng bait.

Magandang Artista, oo, nasisiraan, no.

"Baliw ka! Anong gagawin mo? Bumaba ka na nga!” Alam kong gusto na akong ikaila bilang kaibigan ni Kai sa dami ng nakatingin sa amin. Natatawa na lang ako sa isip e.

“Mira!” Pagsaway ni Kai at binigyan niya ako ng na 'Bumaba-ka-d'yan-nakakahiya' look.

Gusto kong patunayan kay Kai na hindi totoo ang mga pinagsasabi niya kaya sa harap ng marami ng tao, ay hinalikan ko ang lalaking istatwang ito. Magiging bato kaya ako, o Kaya ako ang bu-buhay sa natutulog na lalaking ito? O isang nakakatawang alamat lang ang lahat?

Hindi ako basher ng mga alamat pero gusto ko lang gumawa ng kabaliwan, natatawa na lang ako habang naglalakad kami ni Kai pauwi, hingal na hingal e. Habulin ba naman kami ng mga guard sa museum. Mabuti na lang at siksikan ang mga kaya hindi kami naabutan.

Nasa kwarto Kami ngayon.

“Oh, ba't 'di ako naging abo? Ibigsabihin ba niyan magiging tao si Mr. Statue?”

“Ewan ko sayo, be, ipapahamak mo pa tayo sa kalokohan mo, grabe ka.”

“Natatawa ako sa reaksyon ng mga tao e.” Natatawa pa rin ako hanggang ngayon.

“Knock! Knock!” May tao sa labas. Ang aga naman dumating ng order ko.

Nalaglag sa sahig ang baso na hawak ko nang tumambad sa harap ko ang isang lalaking pamilyar. Tila ako ang naistatwa sa nakita ko.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nagbibiruan lang naman kanina pero mukhang totoo nga ang alamat.

“Kumusta?” Pagngiti ng lalaki, na siyang ikinahimatay ko. [ackk!]

-

Nagising na lang ako sa isang kwarto na puno ng ilaw, may lalaki rin sa gilid ng kama na hinihigaan ko. “Ayos ka na ba? Kumusta pakiramdam mo?”

Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong niyakap, yakap na pamilyar, yakap na nagsasabing, 'dito ka lang, ligtas ka sa'kin'.

Hindi ko maintindihan, ni hindi ko nga siya kilala e, “Sabi sayo, dito lang ako, kahit araw-araw mong makalimutan ang pangalan ko, kahit pinagpalit mo na ako sa estatwang inukit ko mismo.” Natatawa siya at mas malakas ang tawag ni Kai na nasa likod pala.

“Anong nangyayari, Kai? Ano to?”

“Honey, happy 5th year anniversary, mahal na mahal kita at kung kinakailangang manligaw ako sayo ng paulit-ulit dahil sa sakit mo, I will keep doing it.” Maamong boses niya saka dumampi ang halik niya sa labi ko.

Para akong istatwang nabuhay na muli, it's my man, Timothy. Naalala ko na. The man who stayed despite my mental condition.

Collaboration with Kai Pereyra
- Sinulat ni Genesis.

MAPANAKIT STORIES- Short Stories collection.Where stories live. Discover now