Chapter 16

209 1 0
                                    

#LGS1Alibis #LGS1chapter16 #LaGrilla1

***

HABANG pababa ng hagdan ay natanaw na ni Imee ang kapitbahay na si Cecil, ang panganay na anak ni Judith. Kasama nito ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Stephan, Carl, Heidi, at Princess. Sila-sila rin ang mga kasama niyang sumayaw noon sa party nina Greggy at Mara.

Nang mahuli niya ang halos sabay-sabay na pagtingin ng mga ito sa kaniya ay minadali niya ang pagbaba ng hagdan. Dumeretso siya sa silong ng kanilang bahay, binuksan ang malaking drum na ipunan ng kanilang mga garbage bag.

Katatakip lang niya sa drum nang malingunan ang mga kaibigan niya.

“Hoy, Imeng!” panggugulat sa kaniya ni Cecil bago nagtawanan ang mga ito. “Akala mo ga, hindi kami nakahahalata?”

Nag-aalinlangan man ay nginitian niya ang mga ito. “Nakahahalata na ano?”

“Hindi ka na madalas sumama sa pagtambay namin sa niyugan o sa malaking kubo.”

“Nagpapaligoy-ligoy ka pa, Cecil,” nanunuksong singit ng boses ni Carl habang nasa kaniya ang makahulugan nitong tingin. “Deretsuhin mo na lang ng tanong si Imeng—”

Inawat ito ni Princess. “Ano pa ang itatanong, e—”

Shatap, Carl, puwede?” saway ni Cecil dito bago siya nakangiting hinarap uli. “Anyway . . . Imeng, okay lang naman kung hindi na mapapadalas ang bonding natin. Pero huwag mo naman kami paglihiman. Aba’y magtotropa tayo rine!”

Iba-iba man ang mga sinabi ng mga kasama ni Cecil ay puro pagsang-ayon iyon sa sinabi nito.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa lima. “A-Ano ’yon ga?”

“Wala ka nang time sa tropa kasi busy ka na sa boyfriend mo,” prangkang ngisi sa kaniya ni Heidi. “Walanjo naman. Huwag mo na i-secret, hindi naman kami magagalit. Ayieee!”

At nagsimula na nga ang kinikilig na mga panunukso ng mga ito sa kaniya. Hindi malaman ni Imee kung matatawa ba o ano.

“Grabe, gurl, nagbunga ang paghihintay mo nang maraming taon! Napansin ka rin sa wakas ni Atorni!” kurot ni Cecil sa tagiliran niya.

Imee sheepishly smiled and lowered her eyes. “Ibinalita ’to nina Inay sa inyo ga?”

“Anong ibinalita? Gurl, katabi lang ng bahay n’yo ang bahay namin! Siyempre, witness kami ni Nanay no’ng nahuli kayong nagki-kiss d’yan sa bakuran n’yo!”

At kinikilig na naghiyawan at nagkantiyawan na naman ang mga ito.

“Imee!”

Napaangat siya ng tingin dahil sa tumawag sa kaniya. Napalingon naman sa babaeng lumapit sa kanila ang kaniyang mga kababata.

Humahangos na hinawi ni Ligaya sina Stephan at Princess para makita siya. “Imee, puwede ba tayong mag-usap?”

Nakita ni Imee ang pag-aalala sa mukha ni Ligaya kaya sa tingin niya ay umabot na rin dito ang balita tungkol sa kanila ni Leo. Ito pa naman ang panay ang paalala sa kaniya na huwag magpapadala sa binata! Naku, paano siya magpapaliwanag dito?

La Grilla #1: Come HereWhere stories live. Discover now