"Sh*t! Fvck you woman!" sigaw nya sakin. Akmang hihigitin nya ulit ako nang sipain ko ang mukha nya palayo kaya nawalan na ng malay.

"Zen!"



Agad akong napalingon kay kole ng tawagin nya ako. Nakita ko syang papalapit sakin. "Are you ok?, Saan masakit?" sunod sunod nyang tanong sakin.


Umiling agad ako."Ayus lang ako" Nang tingnan ko ang pwesto ni Xavier ay wala na itong malay sa sahig. Tumingin agad ako kay kole. "Tara, baka maabutan pa tayo ng iba"


Tumango agad sya. Hinawakan nya ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo. Kaliwa kanan, kaliwa kanan ang daan namin. Agad din naman kaming nakalabas sa pinaka exit ng event. Pero natigilan kami ng makita ang ilang nag babarilan doon.




"Milan! Nine! -" malakas kong sigaw ng makita sina milan na nakikipag bugbugan doon. Nandun din ang ibang section A sa labas habang nakikipag away, Marami nang bagsak sa sahig at lahat ng iyun ay tauhan nina Xavier.

Agad silang lumingon sakin. Si milan agad ang nakita kong sinuntok muna yung kasama bago mabilis na tumakbo sa akin. "Ate zen!Zen!".


Naluha agad ako ng dambahin nya ako ng yakap. Narinig ko agad ang malakas na hikbi nya kaya mahina akong natawa.


"Alam mo bang ilang araw akong walang tulog ha?! Saan kaba kasi nag punta?, Hindi ka namin mahanap kung saan tapos malalaman naming kinuha ka pala nina Xavier ---" Pag susumbong nya sakin. Mas malakas syang umiyak bago humiwalay sakin. Agad kong pinunasan ang luha nya.  " "Akong bahala dalawang unggoy na mag kapatid na yun zen! *Sniff*Sniff* Para hindi kana nila makuha! Tatanggalan ko sila ng kamay!"




"Hoy teka--" lumingon agad ako kay nine ng sumigaw sya. Agad syang sinuntok at sinampal ng isa yung kaaway nya bago ito bumagsak sa sahig. Mabilis syang tumakbo sa pwesto namin kasama ang ibang section A na kasama nila. "Zen! Ka tropa nandito na si zen!".


"Zen ayus kalang? Kiss kita!"

"Madami na kaming binagsak! Makakauwi kana!".

"Na miss kita zen!".

"Ayus na zen, Matatapos din ito".

"Mag papahinga din tayo, Huwag kang mag alala zen!"


"Nandito lang kami!! Kami na mag tatanggal ng itlog sa mga hinayupak na yan!"

Napangiti ako ng yakap nila akong lahat. Nakarinig pa ako ng ilang mura ng mag siksikan kami, kahit si kole na
Nananahimik sa gilid ay hinigit nila.


"Group hug! Hugy hugy!" sigaw ni milan kaya malakas silang sumigaw ng 'hugy hugy'.

Agad din silang lumayo kaya tiningnan ko sila isa isa. Nakangiti sila sakin na parang sinasabing matatapos din ito.

"S-salamat.." hindi ko mapigilang mag kanda utal utal. Napakagat ako ng labi ko. "Na miss ko din kayo".


"Ahhhh!" Ma dramang sumigaw si milan bago muli akong niyakap. Nakita kong lumalabas na ang sipon nya at nag iiyak na naman. "Huwag nyong paiyakin si zen! Naiiyak tuloy ako!".


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now