CHAPTER 123

366 12 1
                                    

A/N: sorry, late update everyone:)

***

"🎵Ako'y sayo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na🎶"

(-_-) Naiiritang Naghuhugas ako nang plato habang si Milan ay Nasa tabi ko at nakanta nang kung ano ano.  Ok na sana eh!ok na sana!Kaso Pipoyok piyok pa!, Pag may high note Napapahinto sya tapos tatawa kaya lalo akong naiirita!, Sarap ibasal sa kanya nang platong hawak ko ngayon!.


"🎵Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan🎶" kanta pa nya na halos ikatahol na ni chuchu na nasa gilid ko, Pati yung aso naiirita na sa boses nya. Kung aso lang ako,.nako!.. baka kanina kopa kinagat yan para tumigil!.


Hindi ko nalang sya pinigilan hanggang sa matapos sya. Tuwang tuwa pa ang bata dahil busog na, kumanta pa. "Yeheyy!yeheyy!, Wowowowowow!, Ang galing ko talaga kumanta!Diba zen?Maganda ba boses ko? Pwede na ba ako mag artista?" Sunod sunod nyang tanong sakin,saktong tapos na din akong mag hugas at ayusin ang lababo.


"Oo, Pwede na" simpleng sagot ko at nakisakay nalang sa katarantaduhan nya. Halatang hindi naman napansin nang batang loko ang irita sa mukha ko kaya lalo syang ngumiti at halos lumabas na ang gilagid!. Letse.

Nandito kami ngayon sa dating condo unit namin, Wala si kuya ace at nasa kompanya dahil may meeting sila. Naiwan naman kami ni gowon dito para mag ayus nang kwarto at unit para pag uwi ni kuya ay wala na kaming gagawin. Hindi ko din alam kung paano Bumagsak si Milan dito, Pero nag papasalamat din naman ako dahil nakatulong sya Pag lilinis.


Hindi ako ang kumuha nang gamit ko sa mansion, Ayaw akong papuntahin ni kuya doon dahil natatakot sya na baka mag salita na naman nang masasakit na salita sakin si mama, Ayaw ko din muna sya makita Para makapag pahinga, Sunod sunod na kasi ang problema namin, Tapos lintik na dita yun!! Nag papakita pa eh!.


"Milan?Nasaan sina nicholas ngayon?" Tanong ko agad. Wala lang, Masama ba mag tanong?.

"Hehe, Nasa Bahay nila!,Saan mo ba gusto pumunta yun zen?Sa bar?..." Pamimilosopo nya agad sakin. "wag ka mag alala!, Mahal ka nun!" Dagdag pa nya kaya lalo akong napangiwi.



Tinanong ko lang e, Ang dami nang sinabi!.


"Alam mo?....Tanginamo, Umuwi ka nalang, Sama mong kausap" pang babara ko sa kanya bago sya tabihan sa lamesa. Wala na si Gowon dahil nasa kwarto na sya, Ayaw nya ata na makita si milan dahil kanina kopa napapansin na masama ang tingin nya sa batang loko. "Pag pasensyahan mona si Gowon ha, May attitude lang talaga sya, Pero mabait yun" pag Papaliwanag ko. Mabait naman talaga yun, medyo nag ka problema lang talaga.



"La akong pake dun" ma attitude na sabi ni milan bago Pinag cross ang kanyang braso. "Saka pumunta ako dito para sayo zen, Hindi para dyan sa lalaking yan.... Ano sya?Gold?, Hah!asa sya! Akala naman nya gwapo sya!"


Grabe, ang dami nyang sinabi. (-_-).


"Saka bakit nandito kapa?Ha?..... Umuwi kana nga!, Naririndi ako sayo!" Pag tataboy ko sa kanya. Gabi na pero nandito padin ng batang kumag nato!! Hindi ba sya hinahanap nang magulang nya?.


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu