CHAPTER 146

292 10 1
                                    

ZENDAYA POV

(^_^) Ha.Ha.Ha.Ha.Ha.Ha.....

"Nine! Umayos ka nang luhod dyan!Gusto mong dagdagan ko yan?" Sigaw ko kay nine habang ako ay naka upo sa unahan sa table nang adviser namin. Naka dekwatro pa ako habang may hawak na ruler sa kanang kamay at nakangising Nakatingin sa mga loko.

Bwuabwuabwa, Akala nyo makakaligtas Kayo ah.

"Zen naman!Nakakangalay na, Huhu nagugutom na din ako..Paano kapag nag collapse ako dito?Anong mangyayari sakin?---" Parang batang sigaw din ni milan habang nakaluhod din, May nakapatong na tatlong makakapal na libro sa kamay nya, Sa totoo nan, lahat sila.

Siningkitan ko sya nang mata."So Kasalanan ko?,Hah!...Bakit?Sino ba mag damag na nag inom?Ako ba?"
Tanong ko sa kanilang lahat, Nakita ko kung paano sila mangalay dahil sa kakaluhod, With matching aklat sa kamay nila sa ere."Diba kayo?, Kayo na nag inom nang walang permiso ko!--"

"Zen naman!Ano ka?Nanay namin?, Wala na nang pake samin magulang namin ikaw naman Pumalit---"

"Nasagot kana?" Putol ko sa pag mamaktol ni Jacob.Tumayo ako sa pag kakaupo sa ibabaw nang lamesa bago Humarap sa kanilang lahat na nakaluhod. "Nag rereklamo kayo?..Ay sige, Dagdagan natin nang Isang oras ang parusa---"

"Joke lang naman Zen, Hehehe, Ok na samin to,Diba?Diba?" Putol ni Jacob sa sinabi ko, Mabilis naman na sumang ayon ang mga kasamahan nya at nag tatango pa. Bwahaha.

Maaga akong gumising,maaga akong pumasok para lang dito,Pag pasok ko sa room, Walang tao at wala pang nga loko, Kasi bakit? Kasi lasing, Syempre, Sinong papasok nang maaga dahil lasing ka?, Hindi magagawa nang mga loko yan.

At dahil dakilang masunurin ako, Nilagay ko sa gilid lahat nang upuan, Sakto naman na dumating silang lahat, as in lahat, Sabay sabay pa ang mga loko!,...At san sila bumagsak?, Dyan, Nakaluhod habang May limang patong na libro sa kamay mula sa ere, Dinagdagan kopa ang parusa dahil amoy alak pa sila!....Diba.

Apaka galing, Sobrang galing, Papasok nang amoy alak!..... Apaka galing.


Nag lakad ako at umikot isa isa sa kanila. Lalo akong natawa nang makita sina kole, Nicholas,Clark at sina benick na hirap na hirap sa dulo.
Mabilis na nag lakad ako doon kaya napatingin sila sakin, Masama ang tingin at nakanguso.

"Z-zen" mahinang tawag sakin ni kole. "Nakakangalay" nakangusong sumbong nya sakin.

Pinalo ko naman ang ruler na hawak ko sa kamay ko. "Nangangalay ka?, Ge inom pa, Lalo kang mangangalay kapag nag inom ka pa" pang raratrat ko sa kanya bago sya nilagpasan.


Nakahelera silang lahat, Syempre, Ako ang reyna eh,Wala silang takas.
"Oh, Bakit ang sama nang tingin mo?, May reklamo ka?" Tanong ko naman kay Nicholas na katabi lang ni kole. Masama ang tingin nito sakin, pero nanlambot ang mukha nang mag tanong ako.

"W-wala...po" bulong nya kaya lalo akong nakangisi.

Muli akong bumalik sa unahan at umupo ulit sa ibabaw nang lamesa, Bakante kami ngayon nang apat na oras kaya dito bagsak naming lahat.
Sulit ang lahat, Isama mo pa ang mga mukha nilang lahat na pagod na pagod na. Ano sila gold? Mag iinom kapa ah, Sige lang, inom lang, Luhod later.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now