CHAPTER 138

270 10 2
                                    

ZENDAYA POV

Naalimpungatan ako nang biglang dumikit sa mukha ko ang sinag nang araw, Unti unti akong nag mulat nang mata dahil sa araw...Hindi ko alam na nakatulog na pala ako.

Naalala ko yung nangyari, Hindi ko alam na naalala ko ang lahat nang nangyari nang makita ulit sila. Pero parang wala na sakin ang iba...Aaminin kong nakaramdam ako nang takot, Pero hindi na ganoon tulad nang dati...Malaki na ako, Ang unang pansinin ko dapat ay ang kontrolin ang emosyon at nararamdaman ko. Kasi balang araw.,
Alam kong magagawa ko yun nang walang tulong nang iba.

Kinusot ko ang mata ko bago dahan dahang umupo sa kama, Kumunot pa ang noo ko nang makita ang punda nang unan at kumot. Huh? Kelan pa naging gray ang punda nang mga unan ko?...... Tiningnan ko ang buong kwarto pero lalo lang akong naguluhan.

Luh? Epekto ba to nang Droga? Hindi naman pa slide ang pinto nang kwarto ko, Hindi din ganto kadami ang bookshelves sa loob!!....At kelan pa naging malawak nang ganto ang kwarto ko?!.

Napatingin ako sa sarili ko, Malaking t-shirt at Pajama na Itim, Hindi ko alam kung paano ako bumagsak sa gantong sitwasyon. Kwarto ata ito si san pedro, Sinundo ata ako kahapon, Pinatulog muna ako para sa byahe trip to heaven mamaya!.

"Zen--"

"Ay !Trip to Heaven!!"

Nabigla ako nang makarinig agad nang boses mula sa pinto. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Pero nawala ang lahat nang kaba ko nang makita kung sino ang lalaking nasa harap ko.

Kole.

"G-good morning" bati nya sakin bago pumasok sa loob nang kwarto.

May hawak syang tray na puno nang pagkain..Nakasuot pa sya nang large tshirt habang naka pajamas na same nang akin....Na kila kole ako?....Paano ako bumagsak dito?!.

"Kole?" Tawag ko sa kanya. "Paano ako nakapunta dito?" Tanong ko agad sa kanya.

Lumapit sya sakin bago nilapag sa maliit na lamesa ang tray, Pinanood ko syang gawin yun, Hindi ko alam kung bakit nakangiti sya, pero ok yan, Gwapo eh!. "Ace called me yesterday, He told me to pick you up and bring you to me, I don't know what happened but you were dumb yesterday and unconscious"
Paliwanag nya sakin bago umupo sa gilid nang kama at humarap sakin.

Napayuko naman ako. Oo nga pala, Hindi ko na din alam nangyayari sakin kahapon, Siguro dahil sa gulat nalang din nang katawan ko kaya nangyari yun.

"Zen" tawag sakin ni kole. "May problema ba kayo?...Wala ako sa lugar para mag tanong pero nandito ako para pakinggan ka" Mahinahong sabi nya sakin.

Sasabihin ko ba? Alam kong maiintindihan ako ni kole, Wala ding mangyayari kung pahihirapan ko ang sarili ko at hindi makikinig sa opinion nang iba.

"K-kasi.... Dumating yung nag alaga sakin dati...Nung b-bata ako" panimula ko, Nakayuko pa din ako dahil baka tumulo ang luha ko, Nakakahiya kay kole. "Binigay ako sa kanila nang papa ko noon para alagaan ako kasi nga meron silang trabaho,Walang mag aasikaso sakin...P-pero imbis na alagaan nila ako, Sinasaktan nila a-ako"

Naalala ko nung ibalibag nila ako sa sahig, Gutom ako, Payat ako,Halos mamatay na ako sa ginagawa nila pero wala silang pake, Para bang sanay na sanay na sila sa ginagawa nila.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now